PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rowell Santiago says he's single but not loveless

On working with former on-and-off-cam partner, he says: "Mas gusto kong idirek si Sharon sa isang pelikula."
by Archie de Calma
Published Jan 6, 2010
For a time, Rowell Santiago became more busy with directing concerts. His participation in the box-office films, A Very Special Love and You Changed My Life, "paved the way" for him to consider acting again. He is back on television via the series Tanging Yaman.

Muling naging topic ng usapan with Rowell Santiago ang pananatili niyang binata hanggang ngayon, lalo pa't tampok siya sa isang mahalagang papel, bilang si Pangulong Juan Policarpio, sa teleseryeng Tanging Yaman ng ABS-CBN.

"Hindi totoong na-traumatize ako sa pag-ibig," panimula ni Rowell. "Lahat ng naging girlfriends ko, puro happy memories ang nai-share ko sa kanila. Walang trauma roon. Nag-e-enjoy kasi ako ng ganito, sa pagkabinata."

Tungkol naman sa kanyang role, aniya, "E, uso nga yata 'yan. Kasi, presidente ang role ko sa bagong teleserye, just like Noynoy Aquino, presidentiable pero hanggang ngayon ay binata. 'Tapos, may iba pang presidentiables din na mga bata pa talaga."

Wala man siyang asawa, hindi ibig sabihing walang itinatangi ang kanyang puso.

"Hindi totoong wala akong planong mag-asawa, ini-enjoy ko lang talaga yung pagiging single. Not for anything else, in the future...May lovelife naman ako, hindi artista, pero huwag na lang nating pag-usapan," ang kuwento ng panganay ng tanyag na Santiago brothers sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nang usisain namin kung sino ang kanyang greatest love, hindi nakasagot ang direktor.

Bagkus, ikinuwento nito ang naantala niyang project, ang Lovers in Paris, kung saan gaganap sana siyang ama ni KC Concepcion, na anak naman sa totoong buhay ng dati niyang on-and-off-cam screen partner na si Sharon Cuneta.

"Weird nga, 'cause I heard, gusto raw talaga ni KC na makatrabaho ako. I have to beg off para sa Lovers in Paris, kasi may iba akong pinagkakaabalahan noon, at maiksi rin lang kasi ang participation ko roon as KC's dad.

"Naintindihan din nila kung bakit tumanggi ako. Pero, rito sa Tanging Yaman, pinag-isipan ko pang mabuti ito. Nagkataon lang talaga na nag-swak lahat ng conditions ko, um-okey sa kanila, kaya wala talagang dahilan para tanggihan ko pa.

"Naisip ko na lang na Diyos na talaga ang may gusto nito. Parang sign na ito, kasi may mga pangyayaring tumugma talaga sa gusto ko, at wala namang naging problema, kaya napunta sa akin ang role doon," paliwanag ni Rowell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napanaginipan daw kasi ni Rowell ang kanyang ama, the late Pablo Santiago, at isa nang sign yun para tanggapin niya ang role.

"Mahirap ito. Grabeng schedule sa taping at ngayon nga lang, nag-a-adjust na ako sa magdamagang trabaho, pero gusto ko kasi ito. Before this kasi, may participation ako sa A Very Special Love and You Changed my Life, magkasunod na taon yun na naging top grossers ang dalawang pelikula.

"So, I'm very positive na ganito rin ang magiging pagtanggap sa teleseryeng Tanging Yaman," sabi pa ni Rowell.

Nagkita raw sila recently ni Sharon sa birthday ni Bayani Agbayani. Ano'ng masasabi niya sa ideyang makatrabahong muli ang Megastar?

"Nagulat siya dahil hindi niya akalaing tatanggap ako ng teleserye. Kung may project kami together, why not? Baka raw magkaroon ng Sharon-Gabby [Concepcion]-Rowell movie. Sabi ko kay Sharon, mauna na muna sila ni Gabby.

"Kung may chance to act again with Sharon, gusto ko 'yan. Pero kung pamimiliin ako, mas gusto kong idirek si Sharon sa isang pelikula," ani Rowell.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

For a time, nakilala na lang ng younger generation si Rowell bilang concert director. Nang lumabas siya sa dalawang John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo movies, nagulat siya dahil agad ay na-recognize siya ng younger fans.

"Well, that really paved the way for me to consider acting again," pagwawakas ni Rowell.

Read Next
Read More Stories About
Rowell Santiago, Sharon Cuneta
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For a time, Rowell Santiago became more busy with directing concerts. His participation in the box-office films, A Very Special Love and You Changed My Life, "paved the way" for him to consider acting again. He is back on television via the series Tanging Yaman.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results