Is it just coincidence that Biboy Ramirez's past and present girlfriends are graduates of StarStruck Batch 3? His ex-girlfriend is Ultimate Female Survivor Jackie Rice (inset, top) and his present girlfriend is Avenger Vaness del Moral (inset, bottom).
Biboy Ramirez bonds with girlfriend Vaness del Moral through poetry
Wednesday, January 6, 2010
06:12 PM
Rating
Masaya ang lovelife ngayon ni Biboy Ramirez kasama ang bagong girlfriend niyang Vaness del Moral, na produkto ng StarStruck 3. Isine-celebrate nga nilang dalawa ang kanilang fourth monthsary ngayong araw, January 6, simula noong maging mag-on sila officially last September 6, 2009.
Nagsimula raw maging close sina Biboy at Vaness noong magkasama sila sa pelikulang Pangarap Kong Jackpot.
"Nag-click kami bigla, e," simula ni Biboy. "Magkakilala na kami before pa. Pero noong magkasama kami sa shooting ng Pangarap Kong Jackpot, yung role namin doon mag-asawa. Tapos ang first scene is yung wedding scene. E, di ba, pag wedding scene, siyempre may kiss the bride? Doon nag-start, parang it all started with a kiss. Nandun agad yung magic. Nag-jell na kami after noon.
"Hindi pa naman naging kami kaagad. Naging magkaibigan muna kami. Lumalabas-labas, bilyar, ganun. Nag-start kami ng shooting August 2009, tapos naging kami ng September 6, 2009," kuwento ng aktor nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last January 4, bago siya sumalang sa kanyang guesting sa showbiz program ng Q-11 na Tweetbiz.
POETRY WRITING. Mas nahulog daw ang loob nila sa isa't isa nang maging madalas ang pagsasama nila habang ginagawa ang kanilang favorite bonding moment—ang pagsusulat ng tula.
"Tinuruan niya akong magsimula ng poem," sabi ni Biboy. "Kasi may binabasa siya sa akin na sinulat niya. Sabi ko, 'Ang ganda! Turuan mo naman ako.' So, ang nangyari, habang tumatagal, every day yun na nagkikita kami sa isang restaurant, yun ang ginagawa namin, ang magsulat ng poem. Bihira kaming manood ng sine. May pinupuntahan kami sa Eastwood na certain restaurant na doon kami laging nagsusulat. Kapag pumapasok kami doon, may favorite spot kami na alam na ng mga waiter na pagdating namin, naka-reserve na yun.
"Ang nakakatuwa pa, hindi pa kami noon, magkaibigan pa lang kami. Pero aminado ako may feelings na ako for her. Feeling ko rin noon, may feelings din siya para sa akin. Lahat ng nararamdaman ko, sinusulat ko. Lahat ng nararamdaman niya, sinusulat niya. Pinapabasa ko sa kanya, pinapabasa niya sa akin, pero hindi namin sinasabi sa isa't isa. Masasabi ko na malaki rin ang kinalaman ng mga isinusulat naming mga tula para malaman namin yung true feelings namin for each other. Lahat through poems, e, through letters. Hanggang sa one day, sinagot na rin niya ako," lahad niya.
Hindi ba sila na nabo-bore sa kanilang bonding moment?
"Hindi," sagot ni Biboy. "Ang maganda pa noon, after naming magsulat, exchange kami, tapos basa. Ang maganda pa, halimbawa ako ang magsusulat, bibigyan niya ako ng topic tapos gagawan ko ng poem. Ako rin ganun sa kanya. Sa kanya ko lang natutuhan na ang pagsusulat pala ng poem can be a very interesting hobby and, yun nga, bonding moment. Hindi siya boring, e."
MOST SPECIAL. Sa lahat daw ng mga naging girlfriends ni Biboy ay si Vaness daw ang pinakaespesyal.
"Si Vaness kasi, iba, e. Parang start pa lang, nandun na [yung love], e. Unlike sa iba na ligawan-ligawan, tapos tantiyahan-tantiyahan. Yung sa amin ni Vaness, para sa akin ha, itanong mo rin sa kanya... para sa akin, hindi na kailangan ng tantiyahan.
"At saka parehong-pareho kami, e, nagkakasundo kami. Kasi pag lumalabas kami, yung mga jokes ko, naiintindihan niya kaagad. Yung mga jokes niya, naiintindihan ko kaagad. Parehas kami ng humor. Yung mga hilig namin, parehong-pareho. Tapos sobrang lawak ng pang-unawa niya kaya hindi mahirap magtrabaho. Kaya puwedeng-puwedeng pagsabayin ang career at lovelife," sabi ni Biboy.
Magkasama raw silang nag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
"Christmas, kasama ko siya with my family. New Year, kasama ko siya with her family sa Baguio. Happy naman kami dahil parehong okay ang families namin sa relationship namin ni Vaness."
Sa tingin niya ba si Vaness na yung pangmatagalang girlfriend na puwedeng humantong sa kasalan?
"Sana, sana, sana," sagot ni Biboy. "Siyempre, ganun naman pag may girlfriend ka, e. Wini-wish mo na ganun. Lalo na ako pag nag-girlfriend ako, kino-commit ko yung sarili ko, e. Siyempre mag-i-invest ako ng feelings ko, ng panahon, ng oras... So, gusto ko yun na yun na parang huwag nang maputol. Pero I'm happy dahil every day nadadagdagan yung pagmamahal namin sa isa't isa."
GOING ACTIVE IN SHOWBIZ. Kung happy si Biboy sa lovelife, masaya rin siya na muling aktibo ang kanyang acting career. Ang career ni Biboy ay mina-manage na ngayon ng Viva Artists Agency. Kasama nga siya sa cast ng GMA Christmaserye na Sana Ngayong Pasko na magtatapos na sa January 8. Ginagampanan ni Biboy ang role ni Danny, ang lalaking pinag-aagawan nina Gina Alajar at Arnell Ignacio.
Hindi ba siya na-intimidate sa mga beteranong aktor na kasama niya sa serye?
"Hindi naman. Unang-una, nakatrabaho ko na si Direk Gina before sa isang soap ng TAPE. Tapos, kaibigan ko yung anak niya, si Geoff [Eigenmann]. Naka-workshop ko na rin siya, so medyo kumportable na rin ako."
May susunod na ba siyang project after ng Sana Ngayong Pasko?
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- MTRCB Chairman Grace Poe-Llamanzares on the new SPG rating for TV
- Louise delos Reyes and Enzo Pineda to go on a Valentine date via Skype
- Jon Hall on his new romance: "I've had enough drama in my life...I just want a peaceful relationship. Wala nang sigawan or awayan."
- Mikael Daez keeps his shirt on in new series
- For Jennica Garcia, it's career first before love life
- Whitney Houston dead at 48
-
Profiles
ChicoSci vocalist Miggy Chavez plans to venture into tattooing and acting
After playing a small role in Segunda Mano , Miggy says "Why not?" to doing more mainstream projects.
-
Hobbies
Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
She prefers to take a full-time school program over a quick crash course.
-
Controversies
Alice Dixson denies separation rumors anew
Alice Dixson says she and her husband have agreed not to have a baby.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
Advertisement

