"Sana, sana, sana," sagot ni Biboy. "Siyempre, ganun naman pag may girlfriend ka, e. Wini-wish mo na ganun. Lalo na ako pag nag-girlfriend ako, kino-commit ko yung sarili ko, e. Siyempre mag-i-invest ako ng feelings ko, ng panahon, ng oras... So, gusto ko yun na yun na parang huwag nang maputol. Pero I'm happy dahil every day nadadagdagan yung pagmamahal namin sa isa't isa."
GOING ACTIVE IN SHOWBIZ. Kung happy si Biboy sa lovelife, masaya rin siya na muling aktibo ang kanyang acting career. Ang career ni Biboy ay mina-manage na ngayon ng Viva Artists Agency. Kasama nga siya sa cast ng GMA Christmaserye na Sana Ngayong Pasko na magtatapos na sa January 8. Ginagampanan ni Biboy ang role ni Danny, ang lalaking pinag-aagawan nina Gina Alajar at Arnell Ignacio.
Hindi ba siya na-intimidate sa mga beteranong aktor na kasama niya sa serye?
"Hindi naman. Unang-una, nakatrabaho ko na si Direk Gina before sa isang soap ng TAPE. Tapos, kaibigan ko yung anak niya, si Geoff [Eigenmann]. Naka-workshop ko na rin siya, so medyo kumportable na rin ako."
May susunod na ba siyang project after ng Sana Ngayong Pasko?
"So far, sa TV, wala pa. Guesting-guesting siguro. Sa movie, meron, Working Girls under Viva Films. So, yun ang magiging next project ko."
Hindi pa makapagkuwento nang lubusan si Biboy tungkol sa Working Girls dahil hindi pa raw niya natatanggap ang script niya. Pero magsisimula na raw silang mag-shoot sa third week ng January. Ang sigurado niya raw makakasama sa naturang movie ay sina Cristine Reyes at Jennylyn Mercado.
For 2010, ano pa ang mae-expect ng fans sa kanya?
"Bukod sa movie, may mga plano pa rin naman para sa akin ang Viva. Pero feeling ko, nagsisimula ulit ako kasi nga new management, Viva. Happy naman ako. Siguro ang maibibigay ko sa mga fans is makikita nila ako in both stations, GMA and ABS-CBN. Puwede akong gumawa sa GMA and sa ABS, kasi nga Viva ang may hawak sa akin, so walang kaso. Siguro more on movies din."
PHOTOGRAPHY. Bukod sa kanyang showbiz career, may bago ring career sa photography si Biboy. Ito raw ang pinagkaabalahan niya noong hindi siya busy sa showbiz. Tuloy-tuloy pa rin daw ito hanggang ngayon.
"Nag-aral ako ng photography," banggit niya. "Tapos nagtayo ako ng studio. Nagpo-professional photography na ako. I get paid for my job in photography. Tapos nagtayo rin ako ng events company. So, magagamit ko rin doon yung work ko as a photographer. Pag may event tapos kailangan nila ng artista, kokontakin nila ako, tapos kokontakin ko yung mga artista. At least nasa same industry, hindi pa rin lumalayo. Kaya kahit wala akong acting job, intact pa rin yung job ko sa showbiz dahil sa photography at sa events company ko."
Ang latest daw niyang project sa photography ngayon ay ang pagkuha ng pictures para sa food menu ng isang restaurant. Isa rin sa mga ginawa niya ay ang pictorial ng isang spa para sa brochure nito.
JACKIE RICE. Samantala, nilinaw naman ni Biboy ang lumabas na isyu sa kanila ng ex-girlfriend niyang si Jackie Rice, na sumama raw ang loob ng young actress sa kanya matapos niyang sagutin ang tanong sa kanya sa isang interview, na kung sakali mang buntis daw si Jackie ay hindi siya ang ama.
"E, kasi, hindi naman na kami, e. More than a year na kaming wala. So, kung may isyung buntis siya, so malamang hindi na sa akin yun. Yun ang nasagot ko. Na-interview kasi ako August or September of 2009. Naghiwalay kami September 2008. Basta ganun yung range ng interview at saka ng relationship namin. So, more or less, one year na wala na kami nung na-interview ako. So, pag tinanong kung buntis si Jackie Rice, siyempre hindi akin 'yan. E, wala na kami, e. Ang mas masama pa kung wala na kami, tapos ako pa rin yung tatay," paliwanag ni Biboy.
Ayon kay Biboy, si Jackie raw ang nag-initiate ng breakup nila. Ano ba ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nila?






PS. hindi underage si Vaness OR si Jackie. Secondly, kung hindi ninyo kilala yung tao at hindi kayo interesado, ede GetTheFcukOut. wag nyo na basahin.
ahahaha!
Lalaki yan. hehe. Ang pangit lang nang pic. Pero yung face niya talaga, medyo may pagka feminine.
I like the way he answers the questions huh.. hindi OA. Sakto lang.
While Angel was an original Kapuso.
Ok talaga mga Kapuso stars, pangintenrantional.