Kasama si Chynna Ortaleza sa bagong fantaserye ng GMA-7, The Last Prince, na nagtatampok sa tambalan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal. Kontrabida pa rin ang role niya rito bilang si Lourdes, pero wala siya sa fantasy world kundi nasa human world siya at magiging isa sa "tinik sa buhay" ni Kris.
"Yung role ko rito, isa ako sa mga tauhan sa mortal world. Ipapakilala kami na mga member ng baryo nila Kris Bernal. Kaya ang introduction sa akin kanina, ako yung magiging tinik sa buhay niya. Kasi siya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng aksidente yung Pagoda [fluvial parade] and because of that, yung kasintahan ko nadamay. Kung sinuman ang direct relationship ko sa story, si Kris talaga. Galit ako sa kanya. Ang daming hurt," paglalarawan ni Chynna nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa grand launch ng The Last Prince noong Miyerkules ng gabi, January 6, sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Hindi naman itatanggi ni Chynna na kung pamimiliin siya ng role, mas gusto niya sa fantasy.
"Noong una talaga, gusto kong maging part ng fantasy world dahil never pa talaga akong nagkakaroon ng role na part ng fantasy, palagi akong mortal. But since the time na nag-taping ako, nakita ko naman na pantay naman ang role ng fantasy at mortal since bababa si Prinsipe Almiro, which is si Aljur nga, sa mortal world. Mami-meet ko rin siya at isa siya sa gagamitin ko para, kumbaga, mainis si Kris."
Enjoy ba siya doing character roles?
"Oo naman!" sambit ni Chynna. "Di ba, sabi ko nga, character roles talaga ang goal ko, pero hindi naman ibig sabihin, e, hindi na ako tatanggap ng ibang role. Kung ano ang ibigay sa akin ng GMA, gagawin ko sa pinaka-best ng kakayahan ko."
Kuwento pa ni Chynna, sobra rin siyang natuwa kay Princess Punzalan, na gumaganap naman bilang witch fairy sa The Last Prince.
"Alam mo, hindi pa kami nagkakatrabaho, hindi pa kami nagmi-meet before. Hindi rin kami magkakaroon ng eksena na magkasama kasi. Pero ikinukuwento nga ng ibang co-stars ko, sobrang galing niya sa mga eksena niya.
"Nang makita ko, wow, alam mo yun, 'Mahal kita Ms. Princess Punzalan!' Grabe! Napaakap ako sa kanya. Alam niyo naman ako, kakaiba akong bata. Ang iniidolo ko, mga bampira! Sa Sleeping Beauty ng Disney, ang gusto ko si Maleficent! So, noong makita ko siya [Princess] at ni-reveal pa siya kanina... di ba, siya ang huling ni-reveal? Para akong fan!" natatawa niyang sabi.
GOODBYE 2009, HELLO 2010. Para kay Chynna, naging maganda ang taong 2009.
"It was the year na first time kong nakatrabaho si Direk Joel Lamangan. Nagkaroon ako ng breakthrough role sa Paano Ba Ang Mangarap? na talaga nga namang bongga sa kasamaan, pero nagkaroon naman ng tatak sa mga tao.
"Nakikita ko kapag nagpupunta ako sa mga target market talaga ng GMA, kilala nila ako bilang si Maya [her character's name in Paano Ba Ang Mangarap?] hanggang ngayon. Kaya masaya ako dun. Aside from that, tuloy-tuloy naman ang work ko sa SOP. Nag-indie film din ako, kaya nice naman ang nangyari sa last year ko.
"Kahit yung mga tragedies na nangyari sa Philippines, iba rin yung napa-realize sa akin. Na kaming mga artista, hindi ko akalain na kaya naming magtulungan para sa mga tao at nakita ko rin ang genuine drive ng mga kaibigan ko."
Masaya rin si Chynna na sa pagpasok ng bagong taon ay may bago siya agad na primetime series.
"Parang first time ko yata na maging part ng opening salvo," banggit ng young actress. "So, parang napakagandang start ng taon para sa akin. Yun din ang rason kung bakit ako palagi nagiging part ng New Year countdown. Gusto ko yung part ng bagong taon, busy ka agad.
"Actually, hindi ko talaga alam ang magiging resulta ng story namin. Pero noong makita ko kanina, tuwang-tuwa talaga ako. Parang bumalik ako sa pagkabata. Tapos, sana, tuloy-tuloy na ganun siya ka-magical para matuwa ang mga bata."






Big break to for her! very taLented kid!
magugunaw na ang mundo hanggang ngayon hindi ka pa din makamove on sa glit kay Angel. Basahin mo oh,umuusok ka sa galit! laughs. 2010 na,hanggang ngaon ganyan pa din? tsaka hindi rich sina Chynna,nagkataon lang na hindi rin sila mahirap,in short SAKTO pero OA para sabihing rich! hahaha move on~
chynna ur d best!
proudTObeKAPUSO!
i bet isa ka sa mga users dito na 5 ang username hahaha. what a loser!
uy mga kapuso support naman kayo dito sa taong to.
sinetch etey?