Bong Revilla will endorse Edu Manzano in 2010 elections

Trisha Alvarez
Monday, January 11, 2010 @ 12:17PM  |  12035 views

 

"Alam mo kay Osang, mas gusto ko magkaayos kami, mag-usap na lang kami. Huwag na lang mag-away. Hindi ko naman kaaway. Wala naman kaming kasalanan sa kanya, e. Ano ba ang kasalanan ko sa kanya? Kung meron mang problema sa kanila, si Jolo [Revilla, Bong's son], sila dapat ang mag-away. Hindi kami dapat dinadamay," says actor-politician Bong Revilla about Rosanna Roces.

Photo By: Noel Orsal













"Picking apples" ang paglalarawan ni  Ramon "Bong" Revilla Jr. sa kasalukuyang tintabo ng pelikula niya at top-grossing film sa 2009 Metro Manila Film Festival na Ang Panday. Ayon sa latest reports, umabot na sa P100 million ang kita ng Ang Panday, na mula sa Imus Productions at GMA Films.

"Malaking bagay kasi na lumiit na ang amusement tax na binabawas sa kita ng pelikula. Ten percent na lang ngayon, unlike before 30 percent," masayang sabi ni Bong nang makausap siya ng PEP  (Philippine Entertainment Portal) sa victory party ng Ang Panday.

Sumunod naman sa Ang Panday na may pinakamalaking kita among other entries sa filmfest ang I Love You, Goodbye ng Star Cinema. May mga nagsasabi na kahit No. 1 ang Panday, mas kumita raw ang I Love You, Goodbye dahil sa liit ng puhunan nito kumpara sa pelikula ni Bong. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi ako nakikipag-away sa kanila!" natatawang sabi ng actor-politician. "Iniintriga ninyo kami, ha! Huwag, kasi kapag nagsalita ako ng ano, di ba, hindi maganda. Basta importante, kumita lahat. Kumita lahat tapos top grosser kami."

Kumita rin ba ang Wapakman ng boxing champ na si Manny Pacquiao?

"Hindi," pag-amin ni Bong. "Ang Wapakman lang ang medyo... hindi kasi natapos. Yun lang naman ang medyo naapektuhan, e. Si Pacman naman, bilyonaryo. Hindi niya iindahin yun. Balewala sa kanila yun, e. Si Pacman, gusto pa niyang tumulong sa industriya natin kaya siya gumawa ng pelikula."

Sino ang mas mayaman sa kanila ngayon ni Pacquiao?

"Oo naman, mas mayaman si Pacman! Ang tanong, sino ang mas mayaman: si Willie [Revillame] o si Pacman? Silang dalawa!" natatawang sabi ni Bong.

VOLTES V. Hindi na ba niya gagawan ang plano niyang mala-Voltes V na pelikula kasunod ang Panday?


"Sa 2011," paniniyak niya.

May plano ba siyang gumawa ng pelikula kasama ang mga kaibigan niyang sina Phillip Salvador at Jinggoy Estrada?

"A, ano, tatay ko si Jinggoy!" biro ni Bong. "Magagalit yun. Hindi, hindi... Darating tayo diyan. Kaso mo, yung gagawin namin this year, Panday lang, isa lang. Kasi election period na tayo."

FAMILY MATTERS. Ano ang Christmas gift niya sa misis niyang si Lani Mercado?

"Pagmamahal," sagot ni Bong. "Material gift? Alam mo hindi na sa material, e. More on magkasama kami. Bibili lang ng damit, mga ganyan. Tulad ng suot ko, AX [Armani Exchange]. Simple lang ako."

Ano naman ang ibinigay niya kay Lani?

"A, ano ba ibinigay ko kay Lani? Bag 'ata, e, Louis Vuitton lang."

1  2  3  Next »

Related Articles

43 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name