Phillip Salvador says winning MMFF acting awards twice in a row is his right time

Archie de Calma
Monday, January 11, 2010 @ 05:29PM  |  4647 views

 

After several acting awards in the past, veteran actor Phillip Salvador only got his first trophy as Best Supporting Actor from the Metro Manila Film Festival in 2008 for his portrayal in Baler. One year later, Phillip won another Best Supporting Actor award from the MMFF for his portrayal as Lizardo in Ang Panday.

Photo By: Noel Orsal













After one year pa bago nasundan ang Baler (Viva Films) ng Ang Panday (GMA Films and Imus Productions). Sa dalawang magkasunod na Metro Manila Film Festival (MMFF), 2008 and 2009, muling kinilala ang kakayahan ni Phillip Salvador bilang aktor para sa pagganap niya sa dalawang pelikula. Itinanghal siyang Best Supporting Actor twice in a row sa MMFF.

"Nakakalungkot in a way na natagalan bago nasundan kasi one year ko ring ginawa ang Panday!" natatawang sabi pa ni Phillip sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

IPE BECOMES LIZARDO. Ang gusto sana ng beteranong aktor ngayon ay magkaroon ng teleseryeng sasamahan niya. Kailangan daw na may maiba muli sa gagawin niya bago dumating muli ang huling bahagi ng taon. Kasi nga, si Phillip pa rin ang gaganap na Lizardo sa sequel ng Ang Panday, na ngayon pa lang ay idinidisenyo na ang kasunod dahil nga sa pagiging top grosser nito sa nakaraang MMFF.

"Flavio [Bong Revilla] and Lizardo will be back, at ganoon na naman ang hitsura ko doon," sabi niya. "Noong December 27, 2008, doon in-offer sa akin ang Panday. Awards night kasi yun ng MMFF, and I won Best Supporting Actor for Baler. Magkasama kami ni Bong, nagse-celebrate kami.

"Nasabi nga niya sa akin na may entry nga raw siya para sa susunod na festival, at that time. Iniregalo sa kanya ni Tito Ron [Fernando Poe Jr.] yung Panday at siya na raw ang magpatuloy nun. Nasabi ko kay Bong, dapat yung Lizardo doon, matindi.

"May ibang pangalan na gusto ang GMA Films noon para sa role na Lizardo. Sabi ko nga, okey sa akin yung isang young actor na malaki ang pangalan, pero kailangang sakripisyo yun. Ang suggestion ko nga, kausapin ni Bong yung artista at baguhin ang hitsura niya for the role," kuwento ni Phillip.

We just found out, si Jericho Rosales ang unang nakunsidera sa part ni Lizardo para sa Ang Panday. But napunta rin finally kay Phillip ang much-coveted part.

"Marami akong suggestions noon kahit alam kong hindi para sa akin yung role noong una. I told Bong, i-downplay niya yung portrayal niya as Flavio. Kailangang maiba yun na hindi makita si Bong Revilla. Nakinig naman siya, I guess," sabi ni Phillip.

The rest is history. Nasabi nga ni Bong sa kanya na ang problema, si Phillip ang gusto nitong mag-Lizardo, at hindi ang unang aktor na gusto sanang subukan ng GMA Films for that part.

"Napaatras ako nang sabihin niyang ako ang gusto niya for the part. Seryoso pala siya. Tagilid si Bong sa akin at that time, kasi hindi niya alam kung papayag ako sa ganoong klaseng role, na papapangitin ako, at super-kontrabida talaga ang role.

"Para kay Bong, ako ang first choice niya. Inayos naman yun ng network. Hiningi ko muna agad yung script. Nagulat nga ako dahil mas nauna pang dumating ang script sa bahay kesa sa akin," kuwento niya.

Dahil dedicated actor, nagpakalbo pa si Phillip just for the role of Lizardo. At nakahanda siyang muling gawin ito para sa susunod na Ang Panday, na ngayon pa lang ay pinaplano na para sa susunod na MMFF.

"Yung visualization ko, na-execute naman ni Richard Somes [who's in charge of the effects]. Magaling din kasi yung Richard Somes," aniya.

PASSION AS AN ACTOR. Ano ba ang inspirasyon sa dalawang magkasunod na taon na ang pagsali niya sa MMFF ay biniyayaan ng pagkilala?

"First award ko sa MMFF yung sa Baler. Hindi nga ako nanalo man lang doon sa Bona. Pero sa Urian, marami na, mga apat na yata, kasama na ang Aktor ng Dekada. Sa FAMAS, tatlo yata. Mayroon sa Film Academy, at sa Star Awards, if I'm not mistaken.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name