Bongga ang pasok ng 2010 para sa Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. Dalawang malalaking proyekto ang nakatakda niyang gawin para sa ABS-CBN. Una ay ang pagiging third judge niya sa nalalapit na nationwide talent search program ng Kapamilya network, ang Pilipinas Got Talent.
"Bigla na lang dumating sa akin. Sinabi nila judge raw ako. E, akala ko normal lang yun. Akala ko, normal na ako. Yun pala, pahulaan yun. Ang dami palang pinagpilian doon," pagbubunyag ni Ai-Ai noong makausap namin sa set ng Pepeng Agimat.
"Hindi naman nila ako pinadalhan ng kung anumang papers para sabihin," kuwento pa ng komedyana. "Sinabi lang sa akin ni Boy [Abunda, her manager] mga five days ago."
Sa tingin ba niya nakuha niya ang stint dahil magkaibigang matalik sina Kris at ang manager niya?
"Hindi ko alam. Alam ko siya una talaga. Napanood ko siya, e, [sa] TV Patrol na siya. Tapos si FMG [Freddie M. Garcia, ABSC-CBN president]. Siguro gusto nila komedyante naman dahil seryoso na sila. Malamang ganun nga."
WITTY AND FUNNY. Magiging mabait ba siya sa mga contestant?
"Ah, depende. Konting kamalditahan, hahaha! Yung nararapat lang. Magiging ano ako doon, witty and funny."
Noong Huwebes nag-pictorial na si Ai-Ai para sa Pilipinas Got Talent. Solo lang siya dahil nauna na two weeks ago sina Kris at Freddie Garcia. Kasama rin si Ai-Ai sa magaganap na nationwide auditions simula sa Cebu on January 22.
Nakatakdang mag-premiere ang show sa mismong birthday ni Kris sa February 14. Six months lang daw ang kontrata ni Ai-Ai para sa Pilipinas Got Talent.
"Nakakatuwa kasi ano, marami akong gagawin this year. Ano siya, happy year. Kasi may isa pa akong show na gagawin this year.
"Ay, ayaw pang sabihin, e. Hindi ko alam kung sinu-sino ang mga kasama ko. Ang alam ko si Aga [Muhlach] lang."
DRAMEDY WITH AGA MUHLACH. Mag-asawa ba ang papel nila ni Aga sa show na ito for ABS-CBN?
"Parang hindi ganun. Parang papunta pa doon. Ang alam ko lang din yung direktor namin si Jeffrey Jeturian. Comedy-drama ito. Yun lang ang alam ko."
Hindi kaya matakot sa kanya si Aga, knowing napaka-playful niya?
"Natural. Hahaha! Harot-harot," ngiti ni Ai-Ai.





sarap ng feeling ng abs-cbn na no.1 ang pbb at showtime and they will do just that to pilipinas got talent..
anubayan
January 18, 2010
04:57 AM
================
Sana nga ibalik ang Extra Challenge, kahit di na si Paolo B ang host, jan pa naman si Miriam Q. Saka pansin ko simula ng sumikat si Ethel B for being a stand up comedian sa comedy sa TV, dami na ding nagnakilala na stand up comedian..
Anu ba katapat nitong show?.. Let's see nalang muna kung panu sila magjudge.. Pero mukhang ang dami ng show ni Kris ah,araw araw na syang napapanod sa TV..
In fairness ang mga judges ng KSP mga iba iba kaya walang aberya. Mga viewers lang mostly.
Nag start lang naman ang mga reality show na yan sa Extra Challenge ni Paolo Bediones miss na siya he's a good host.
witty and funny
im excited
with Pilipinas Got Talent...
abscbnkapamil
ya
January 17, 2010
19:43 PM Ang DAMING BITTER!! hahaha!! Ai-Ai Delas Alas, laos? Nakakatawa naman kasi may LAOS ba na nakaka-BOX OFFICE? hahaha!! Kaya MARAMING BITTER sa ABS-CBN kasi SILA ang LAGING PINAG-UUSAPAN at NANGUNGUNA sa mga USO..
=======================================
totoo naman. Nag-concert sila sa Waterfront Hotel kagabi. Pinanuod ko yun. 8 ang start dapat. After 1 hr,saka lang sinimulan. Sa lahat ng cast, si Vice Ganda lang ang pinalakpakan ng todo ng mga nanuod. Yung guests nilang mga lalake,nako, hanggang pakyut lang. Nung si Ai-Ai na, kahit anong kanta at sayaw niya, walang reaksiyon ang mga tao. Nakakahiya. Di yan bagay sa Pilipinas Got Talent. Parang si Kris Aquino, di rin bagay dun. haha.
di mo nasagot ng tama ang question ni offshore...ano daw ang kaibahan ng Pilipinas got talent sa showtime at magpasikat...
ako sana sasagot pero di ko rin npapanood ung SHOwtime/magpasikat kz la ako TFC..kya ung comment ni osang sa youtube ko lang napanood..