Kung ang pagbabasehan ay ang ganda ng takbo ng career at kalidad ng mga projects ni Gabby Concpecion, everyone will agree na di nagkamali ng desisyon ang actor na huwag tumuloy sa Kapuso network at ipagkatiwala ang kanyang career sa ABS-CBN.
Pagkatapos ng malaking tagumpay ng Dahil May Isang IKaw, heto't kasama siya sa isa sa pinakamalaking teleserye ng Kapamilya network, Kung Tayo'y Magkakalayo.
"That's why I'm very thankful. No man is an island, may nagbibigay sa akin at nagpapasalamat ako sa kanila. Alam kong di ito para talaga sa akin, nagiging instrumento lang ako," mapagkumbabang sabi ng aktor.
SOMETHING DIFFERENT. Ano ang dapat abangan ng publiko sa kanya sa bagong teleserye?
"I play the role of Steve, isang NBI agent. Ang buhay ko ay laging nasa panganib. Frustrated ako sa pag-ibig, masasabi nating sawi. Makakahanap ako ng bagong babaeng mamahalin pero sa buhay ko kasi, parang nauulit lang yung mga nangyayari, lalo na sa pag-ibig. Makakarelasyon ko dito sila Celine played by Kris [Aquino] and Celina played by Maricar Reyes naman.
"In Dahil May Isang Ikaw, more relaxed yung character ko. Coat and tie lagi ang suot ko. Dito sa Kung Tayo'y Magkakalayo, maraming takbuhan at medyo rugged ang lagi kong suot...
"Ako naman, ang ginagawa ko sa ABS, tinitingnan ko yung istorya. Talagang bago ko tanggapin yung proyekto, importante yung istorya, especially pagbalik ko, I cannot do a mistake so I really have to be careful," sabi ng aktor na naging matagumpay naman ang comeback sa Philippine showbiz.
KUDOS TO SID LUCERO. Ayon kay Gabby, nami-miss niya ang samahan nilang castmates sa Dahil May Isang Ikaw, pero kung may isa siyang di makakalimutan dito, ito ay si Sid Lucero.
"Marami, lahat ng katatawanan namin during breaks and before shoot, sobra yung naging bonding namin, yun ang pinakanami-miss ko and pinaka-touching para sa akin.
"Nagulat ako kay Sid Lucero. Mayroon kaming eksena na wala naman sa rehearsals pero pag nag-take na, kusang lumalabas. Pareho kaming nag-enjoy sa scene na ito kasi di namin nire-rehearse pero pag binasa mo yung script, maa-apply mo yung dapat. Ito yung nakita ko kay Sid na di ko nakita sa iba.
"Siguro rin kasi magagaling kasi yung mommy at daddy niya kaya mahusay din siyang artista." Sa mga di pa nakakaalam, ang tinutukoy ni Gabby ay sina Mark Gil at Bing Pimentel.
Sa ngayon ay second na sa box office ranking ang I Love You Goodbye sa mga 2009 Metro Manila filmfest entries. Noong umpisa ng festival ay nasa fourth place ito. Para kay Gabby, napakalaking bagay talaga ang istorya ng pelikula para kagatin ito ng publiko.
"Maaring di siya maganda sa takilya sa umpisa pero yung word of mouth. Ang nangyari kasi filmfest 'yan, nauna na yung mga bata. Pagkatapos nun yung mga mature audience naman."
BIRTHDAY GREETINGS TO EX-WIFE. Ikinatuwa naman ng mga Sharon-Gabby fans ang balitang binati raw ni Gabby ang kanyang ex-wife noong birthday nito last January 6.
"In fact binati ko rin siya uli nung nag-guest ako sa The Buzz. Si Kris tinawagan siya sa cellphone, nag-usap kami. Ngayon okey na kami. Siyempre, iba na kumpara nung di kami okey, yun ang kagandahan ng mga nangyari."






Gabby should pay her to save face para hindi mapagbintangan na balasubas.
nadismaya ang mga taong rooting for his movie to flop.
yes, nagppa botox si albert...inamin na nya un..nauna sya actually kay mahal nung 1st tym nya..he endorses a clinic din sa botox treatment..either belo o calayan, di ko na matandaan
Kumita ang BFF pero ang kita ng 'Mano Po 6', hindi pwedeng pagtalunan, kasi the figures speak for themselves. Tama ang ibang pepster dito na masyadong malayo ang agwat ng kinita ng ILYG sa MP 6. Ni wala sa kalahati ng kinita ng ILYG ang gross ng MP 6.
Snong mag-aakala na tatalunin ng SRR ang MP6 samantalang consistent ang pag-top ng previous Mano Po movies? Baka kung hindi pa nanalo si Sharon ng Best Actress eh kinabog pa ito ng Dolphy movie.
I posted this before: if Sharon wants to recover from the dismal showing of Mano Po 6, her next movie should not be with Robin Padilla or Richard Gomez. It should be with Gabby at palagay ko papataubin niyan ang record ng Sarah and John Lloyd movies.
just accept the wrinkles pero iminimize mo na lang with super potent na beauty cream like chanels.....pero say no to botox promise magiging otakot ang looks mo.......
pero KC's projects ok lang ang level so I dont think the gamit factor is right........
saka walang show ngayon c KC magasap muna cya kaya lang umaapaw n dun eh!I think a show na host cya eh mas bagay ke KC kesa maging aktress..sa bagay natutunan nman ang pagiging mahusay na aktress like heart dati panget din umarte pero nagimprove cya ng bongga today.........
Sana gumawa c KC ng Lifestyle Show tutal fashionista namn cya at city girl so I think that would fit perpectly for her like F dati.....