PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez and family return home four months after Ondoy

Sylvia was six months pregnant when rescued from her flooded home and gave birth last December 22.
by Rommel R. Llanes
Published Jan 18, 2010
"Hindi na sana kami babalik dito, ayaw na sana ng mga anak ko na tumira ulit kami dito. Natatakot sila na baka bumaha ulit," said Sylvia Sanchez. "Dasal na lang ang ipinanglalaban namin sa pagkanerbiyos. Malaki ang pananamplataya namin sa Panginoon. Hindi Niya tayo pababayaan."

Bumalik na noong Sabado, January 16, sina Sylvia Sanchez at ang kanyang buong pamilya sa kanilang bahay sa Riverside Subdivision sa Ortigas Extension, Pasig City.

Matatandaang nasalanta ito ng bagyong Ondoy at na-trap ang aktres at ang kanyang buong pamilya nang ilubog ng baha ang buong first floor ng kanilang tahanan.

Anim na buwang buntis ang aktres nang maganap ang kalamidad noong September 26, 2009.

Labimpito silang lahat na nakulong noon sa bahay. Kasama ni Sylvia ang asawa niyang si Art Atayde; ang kanilang tatlong anak na sina Arjo, 18, Ria, 17, at Gela, 4; ang ina ng aktres na si Rosielyn; ang kaibigan ni Arjo na si Adrian Atanacio; at iba pang mga kasama sa bahay.

Nailikas lamang sila sa pamamagitan ng dinghy sa tulong ng kaibigan ng pamilya, ang negosyanteng si Atong Ang.

Nanirahan muna sila ng isang linggo sa bahay ng kanyang mga in-laws sa Corinthian Gardens.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos nito ay lumipat sila sa isang condo unit sa Shaw Blvd. na pagmamay-ari rin ng biyenan ni Sylvia.

Doon sila nagdiwang ng Pasko at Bagong Taon.

HOMECOMING. Pagkataposng halos apat na buwan, umuwi na ring muli ang buong pamilya sa kanilang bahay.

"Hindi na sana kami babalik dito, ayaw na sana ng mga anak ko na tumira ulit kami dito. Natatakot sila na baka bumaha ulit," pahayag ng aktres.

Kaso, "lumalaki na ang pamilya namin, hindi na kami kasya sa condo," sabi ni Sylvia.

Noon kasing December 22, nadagdagan ng miyembro ang kanilang pamilya sa pagkakasilang ng pang-apat na anak nila Art, ang bago nilang baby boy na pinangalan nilang Juan Arturo Xavier.

Nasa maayos at magandang kundisyon na muli ang bahay ng pamilya. Ang buong unang palapag ay hindi na kakikitaan ng bakas ng baha.

Napinturahan na at napalitan ang mga parte ng sala, kusina, dirty kitchen at iba pang bahagi ng bahay na nasira ng baha. Lahat ng furniture at appliances nila sa first floor ay mga bago na rin dahil hindi na mapapakinabanagan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maging ang kuwarto ng anak na si Arjo, na nasa first floor, ay naipaayos na rin.

"Kahit ninenerbiyos pa rin kami, bahala na..." sabi ni Sylvia. "Dasal na lang ang ipinanglalaban namin sa pagkanerbiyos namin, na sana, huwag nang maulit yung nangyari sa amin noon.

"At dahil malaki ang pananamplataya namin, nating lahat sa Panginoon, naniniwala ako, hindi na mauulit yung kalamidad na yun. Hindi Niya tayo pababayaan," pahayag ni Sylvia.

CLICK HERE to view photos of their home.

Read Next
Read More Stories About
Sylvia Sanchez, Ondoy
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi na sana kami babalik dito, ayaw na sana ng mga anak ko na tumira ulit kami dito. Natatakot sila na baka bumaha ulit," said Sylvia Sanchez. "Dasal na lang ang ipinanglalaban namin sa pagkanerbiyos. Malaki ang pananamplataya namin sa Panginoon. Hindi Niya tayo pababayaan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results