Martin Nievera and Pops Fernandez: "We remain the best of friends."

Archie de Calma
Monday, January 18, 2010 @ 07:38PM  |  10051 views

"Kung wala nga akong malapitan at mapuntahan, naiisip ko pa rin si Martin. Siya pa rin ang lalapitan ko," said Pops.

 

Said Martin: "I'm one hundred percent sure, masasabi ko sa kanya ang lahat, and it won't hurt her anymore. We open up to each other, and still give the most sound advice."

 














Hindi nawawala ang magic ng tambalang Martin Nievera at Pops Fernandez. Hindi kami magtataka kung muling maging bonggang hit sa kanilang fans ang forthcoming concert nilang One A-More Time na gaganapin sa SMX Convention Center ng Mall of Asia sa February 14.  Ito ay sa dahilang lumalabas ang totoo sa kanila kapag magkasama sila sa entablado o parehong nasa harap ng kamera.

"I don't know what it is," sabi ni Martin. "Anything that happens is real. We don't fake anything, but we were able to outmode and open up when the cameras are rolling."

Mas gusto ni Pops ang current setup nila ng ex-hubby.

"Mas nakakapag-usap kasi kami ngayon," sabi ni Pops. "There was a time kasi  na hindi na kami nakapag-usap. Alam naman ninyo ang naging buhay namin at open book ang lahat ng namamagitan sa amin.

"Sa ngayon kasi, kahit may sari-sarili na kaming buhay, mas naging honest kami sa isa't isa. Natatanggap na namin ang lahat, maganda man 'yan o kapintasan. Kung wala nga akong malapitan at mapuntahan, naiisip ko pa rin si Martin. Siya pa rin ang lalapitan ko.

"Lagi naming kinokonsulta ngayon ang isa't isa tungkol sa mga personal na bagay. Wala talagang hiyaan sa amin o yung naiilang pa," paliwanag pa ni Pops.

TRUST AND HONESTY. Part daw ng puso niya yung mag-trust sa lalaking dati'y binigo siya.

"Kasama yun, e, sa pinagsamahan namin," sabi ni Pops. "Sa emotions kasi, para bang I always need his help. Ever since naman, may phase na nagkakatampuhan, pero naaayos pa rin, and we remain the best of friends.

"Bago pa kasi namin nalaman noon na may feelings kami toward each other, nagtutulungan na kami. Hindi biro yung pinagsamahan namin ni Martin. Lahat ng problema, nasasabi ko sa kanya, na siya pa ang madalas gumagawa ng paraan para makatakas ako."

Kapag may suitors na pumupunta sa bahay niya, tatawag pa si Pops kay Martin para sagipin siya sa sitwasyon.

"I go to her place," sabi ni Martin. "We're just keeping the friendship. Hindi ko kayang tiisin si Pops, lalo na kung alam kong she's in a tight situation."

STRONG FOUNDATION. Importante nga yung friendship na hindi nawala, kahit hindi na sila maituturing na husband and wife.

"Hindi na ako makakahanap ng iba pang mapagkakatiwalaan nang gaya kay Martin. Marami nang nangyaring hindi maganda sa amin, but I keep on trusting him, kasi yung mga importanteng bagay, he keeps all of them. Nananatiling secret namin yun," ani Pops.

Tahimik na lang sila kung hindi naiiwasan ang away.

"Of course, we only see and feel what's true talaga when we're on stage," sabi ni Martin. "Hindi naman yung, let's have a show so we can talk. No, it just happens. I think the reason why we are as open, as  close, we just don't know until when we're husband and wife. It's almost a road that we have to take, the expectations, the obligations.

1  2  Next »

Related Articles

16 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name