PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

LJ Reyes says it's not yet the "right time" to reveal real status of her relationship with Paulo Avelino

LJ insists there is no real-life love triangle involving her, Paulo, and Jennica Garcia.
by Rose Garcia
Published Jan 22, 2010
"Parang alam niyo naman kapag sa showbiz, magulo talaga. So, if ever man na dumating sa point na magkaroon kami ng strong relationship, saka na lang. Saka na lang i-open. Nagsisimula pa lang, parang papunta pa lang. Huwag na muna nating pangunahan," says LJ Reyes about rumored boyfriend Paulo Avelino.

Sa umpisa ng kuwento ng upcoming GMA-7 afternoon soap na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?, kaibigan ni Jennica Garcia ang role ni LJ Reyes. Pero eventually ay magiging kontrabida rin daw ang StarStruck 2 First Princess. Ito ang kuwento ni LJ nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng kinabibilangan niyang Sine Novela.

"It's good and bad kasi yung story. Ang mommy ko [Karla Estrada], katulong nila [Jean and Jennica Garcia], so dun na rin ako lumaki. E, si Tita Karla, may conflict siya kay Tita Jean. Eventually, aalis na rin kami sa bahay. Yayaman din kami. Magiging sila [Jennica] ni Paulo [Avelino]. So, yung time na magkakahiwalay sila, kami ang magkakakilala ni Pau. Parang ganun," paglalarawan ni LJ sa kanyang role.


REAL-LIFE LOVE TRIANGLE? Biro namin kay LJ, para pa lang real-life story ang tatakbuhin ng character nilang tatlo nina Jennica at Paulo sa Ina, Kasusuklaman Ba Kita?. Balita kasing boyfriend na ni LJ si Paulo, samantalang nabalita namang niligawan noon ng binata si Jennica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi naman! Kilala ko na sila noon, e!" natatawang sabi ni LJ.

Pero aware ba siya na nanligaw si Paulo noon kay Jennica?

"Ay, oo... oo naman," sagot niya.

So, para ngang real life? biro namin ulit sa kanya.

"Hindi rin kasi kung real life, e, di sana... Kasi, hindi ko makikilala si Pau until umalis na kami ng bahay nila [sa istorya]. Pero ano ba, bakit may ganun talaga? May una, may pangalawa?" tawa ulit ni LJ.

Kumusta naman silang tatlo nina Paulo at Jennica?

"Friends kasi kaming talaga," giit ni LJ. "Kahit naman noong nagkaroon sila ng ligawan portion, friends na kaming tatlo. Pati si Chariz Solomon. Kasi, may mga group of friends ako, di ba? So, friends ko na talaga sila, e. So, alam ko naman ang lahat. Alam din nila ang lahat."

THE REAL SCORE. Pero ano na nga ba ang real score sa kanilang dalawa ni Paulo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, sinabi ko na rin naman... ayoko na rin naman na nagsisinungaling, di ba? Pero sinasabi ko lang din naman na kung anuman yung meron kami, sasabihin din namin eventually. Pero huwag na lang muna pag-usapan ngayon.

"Hindi naman, siguro tamang timing... Parang alam n'yo naman kapag sa showbiz, magulo talaga. So, if ever man na dumating sa point na magkaroon kami ng strong relationship, saka na lang. Saka na lang i-open. Nagsisimula pa lang, parang papunta pa lang. Huwag na muna nating pangunahan."

Na-trauma na ba siya sa past relationships niya?

"Alam mo, tinanong din nila sa akin 'yan!" nagulat pa niyang sabi. "Pero siguro nga... Di ba, yung kay Alfred [Vargas, LJ's ex-boyfriend], parang masyadong naging open sa lahat? E, hindi rin naman ako ganun. Ayoko rin naman ng ino-open sa lahat. So, siguro sa akin lang, mas gusto ko na ano na lang, quiet, private. Di ba, meron pa rin namang private part of our life na gusto namin, sa amin lang din?"

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Paulo, ayaw pa nitong aminin kung ano ang naging Christmas at birthday gift niya kay LJ, na nagdiwang ng kanyang 22nd birthday nung mismong araw ng Pasko, Dec. 25. Sabi lang ni Paulo, "love and support."

Pero nadulas si LJ nang ibuking niya kung ano ang ibinigay sa kanya ni Paulo.

"Ayaw niya talagang sabihin. Perfume siya, pero hindi ko na sasabihin ang brand. Naamoy raw niya at nabanguhan siya, ibinigay niya sa akin," sabi niya.

Since sa U.S. siya nag-Christmas at birthday with her mom, ano ang naging reaction ng mom niya nang malaman ang tungkol sa kanila ni Paulo?

"Ano naman, kunwari tumatawag sa akin si Mama at kasama ko siya, ipinapakausap ko. Okey naman sila. Niloloko niya si Pau na, 'Basta good boy ka or else, lagot ka sa akin!' Ganun naman kasi si Mama, mabait siya," kuwento ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ba ang qualities ni Paulo na nagustuhan niya?

"Si Pau kasi, ano siya, e, very matured for his age [Paulo is 21]. He doesn't think of his age. E, di ba, ang lalake mas late ang maturity? Minsan two years younger. Pero siya, hindi, mas matanda. Tahimik siya, pero kapag nagsalita, may laman talaga."

ALL-GIRL GROUP. Masaya naman si LJ na bukod sa kanyang acting career, kasama rin siya sa all-female sing-and-dance group na SH3, with friends Chynna Ortaleza and Ryza Cenon.

Ano ba ang plano nila sa kanilang grupo bukod sa paglabas-labas nila sa SOP?

"Sana... sana matuloy naman since meron din kaming mga nagawang original songs. At yung mga ginawa namin sa SOP, so far, magaganda naman ang feedback. Natutuwa sila sa amin. Proud naman kami na yun nga, naaliw sila."

Ano ang gusto nilang image as SH3, sexy ba?

"Ang gusto kasi namin, yung every time yung song namin, iba-iba. Yung may variety. Actually, it was Chynna's dad's idea, parang prinisent lang din sa amin. As an artist, you have to be everything, di ba?" sabi ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
LJ Reyes, Paulo Avelino
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang alam niyo naman kapag sa showbiz, magulo talaga. So, if ever man na dumating sa point na magkaroon kami ng strong relationship, saka na lang. Saka na lang i-open. Nagsisimula pa lang, parang papunta pa lang. Huwag na muna nating pangunahan," says LJ Reyes about rumored boyfriend Paulo Avelino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results