PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nina says ex-boyfriend Nyoy Volante still owes her P1.4 million

The Soul Siren reacts to intrigues about her Diamond Record award.
by Glen Sibonga
Published Jan 21, 2010
"Parang hindi ko lang ma-take na naka-smile pa siya or something na knowing yung kasalubong niya ay nasaktan niya. Actually, hindi nga smile, e, parang grin talaga na parang walang problema, parang hindi kita nasaktan, ganun," says Nina about her chance encounter with ex-boyfriend Nyoy Volante.

Hindi nagpapaapekto ang Soul Siren na si Nina sa isyung may mga taong kumukuwestiyon sa kanyang pagiging first Pinoy female artist na binigyan ng Diamond Record Award para sa mahigit 200,000 units sold ng kanyang pangatlong album na Nina Live! under Warner Music Philippines. Aniya, hindi naman siya ang humingi ng naturang award dahil mismong ang recording company niya ang nagbigay sa kanya ng naturang parangal.

"Hindi naman ako affected [sa mga issues]. Ito kasi, awarded sa akin ng Warner from the Nina Live! album. And ibinigay sa akin ito sa ASAP last year," saad ni Nina nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon na inihanda ng ABS-CBN at ASAP Live kahapon, January 20, sa Hard Rock Cafe Makati para sa upcoming concert series ni Nina this year.

Sa history ng Philippine music industry, si Jose Mari Chan para sa male solo artist at ang bandang Eraserheads pa lang ang nabibigyan ng Diamond Record Award, base na rin sa standards ng Philippine Association of the Recording Industry (PARI).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SARAH'S FANS PROTEST. Aware ba si Nina na nagpoprotesta raw ang mga fans ni Sarah Geronimo, na ang idol daw nila ang dapat tanghaling first Pinay Diamond Record awardee?

"Actually, wala akong idea sa ganun. Hindi ko alam 'yang tsika na 'yan. Pero thankful ako na ako nga ang pinakaunang... first female na naka-receive ng Diamond Record Award," sabi ni Nina.

Ano ang feeling niya about sa isyu sa kanila ni Sarah?

"Hindi ko talaga alam yun. Pero kung Diamond awardee din siya, congratulations. I'm sure a-award-an din siya kung talagang meron nang award na ia-award."

Okay naman ba sila ni Sarah?

"Okay naman kami. Wala namang problema. Pag nagkikita kami, hello! Ganun pa rin tulad ng dati. Ako kasi hindi ko talaga alam yung isyu na 'yan, e," sabi ni Nina tungkol sa kanyang kasamahan sa ASAP.

Ano naman ang sagot niya sa isyung lumalaki na raw ang ulo niya pagkatapos mabigyan ng naturang award?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, hindi po. Walang ganun. Actually, nahihiya pa nga ako pag sinasabing this is your Diamond Star, parang Maricel Soriano!" biro ni Nina. "Pero ang tawag sa akin, Soul Siren, parang nahihiya pa akong sabihin na, 'I'm your Diamond Soul Siren Nina.' Kasi hindi ko naman bina-brag na Diamond awardee ako. But of course, proud ako sa award ko, pero hindi ko naman pinagyayabang nang sobra."

NYOY VOLANTE. Hindi naman maiwasan tanungin ng PEP si Nina tungkol sa ex-boyfriend nitong si Nyoy Volante. Naging malaking balita kasi ang pag-amin ni Nina na hindi pa siya binabayaran ni Nyoy ng utang nitong P1.4 million. Nagkita na ba sila ni Nyoy after the issue?

"Actually, nagkaroon kami ng chance encounter," pag-amin ni Nina. "Parang hindi ko lang ma-take na naka-smile pa siya or something na knowing yung kasalubong niya ay nasaktan niya. Actually, hindi nga smile, e, parang grin talaga na parang walang problema, parang hindi kita nasaktan, ganun."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi ba nagpakita ng any sign of regret or sorry si Nyoy sa kanya?

"Wala, wala talaga. Parang sa akin, siyempre from afar, pag nakita mo pa lang yung tao, siyempre mahihiya ka dahil nasaktan mo yung tao, lilihis ka na lang. Pero talagang... parang wala lang."

Hindi pa nag-e-effort si Nyoy na kausapin siya?

"Hindi nga, e. Yun sa akin, di ba, parang, 'O, kumusta na yung sa korte? Ano na ang nangyayari?' Pero okay lang sa akin kahit hindi niya ako kausapin, huwag lang siyang alam mo yung parang nakabungisngis pa siya."

Nairita ba siya sa ginawang ito ni Nyoy?

"Medyo," pag-amin niya.

Hanggang ngayon daw ay hindi pa talaga nababayaran ni Nyoy ang utang nito kay Nina.

"Hindi pa talaga. As in yung sinasabi kong P1.4 million, hindi pa yun nababayaran. Wala na ngang interes yun, e. Since 2005, di ba? 2010 na ngayon."

Kumusta na ang usad ng kasong estafa kontra kay Nyoy na isinampa niya sa Quezon City Regional Trial Court?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun na lang ang hinihintay ko, e. Hindi ko nga alam kung talagang mabagal lang ang hustisya o meron bang pumipigil. Hindi ko talaga alam. Pero hinihintay na lang talaga. I'm sure naman... nasa akin ang lahat ng mga papeles, evidences to prove na talagang umutang sila sa akin. Siguro naman nasa akin yung alas."

Ano ang lesson learned sa experience niya at kontrobersiya with Nyoy?

"Pagdating sa pera, kailangan ng masinsinang usap. Huwag, kumbaga, basta huwag na lang magpautang."

Kung magkakaroon ng offer na big concert, pero ang makakasama niya ay si Nyoy, tatanggapin niya ba ito?

"Ewan ko. Ang hirap din, e. Siguro bayaran na muna niya yung utang niya. Tapos nun, puwede na, papayag na akong makatrabaho siya."

UPCOMING SHOWS & ALBUM. Bagama't gusto pa rin ni Nina na masingil ang utang ni Nyoy, nagpapasalamat pa rin siya dahil kung anuman yung nawala sa kanya noon ay nabawi niya rin dahil sunud-sunod naman ang singing engagements niya at malakas ang benta ng albums niya. Regular din siya sa ASAP XV, kasama ang iba pang ASAP Sessionistas na sina Aiza Seguerra, Sitti, Richard Poon, Duncan Ramos, at MYMP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After ng successful first concert ng Sessionistas last year, muli na namang tatapak sa big stage si Nina sa kanyang concerts this February. Sa February 11 ay nasa Batangas siya kasama ang Sessionistas. Sa February 12 ay kasama naman niya ang Side A at Freestyle sa big concert nilang Love to Love to Love sa Araneta Coliseum.

Kaabang-abang din ang solo major concert niya sa March 5 at 6 sa Music Museum entitled Nina: The Diamond Soul Siren, produced by ASAP Live.

This year din daw ay may gagawin siyang bagong album kasunod ng huling album niya sa Warner Music Philippines na Renditions of the Soul.

Ano ba ang sikreto niya at patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang kanyang albums kaya nagiging big hit ang mga ito?

"Siguro dahil para sa akin, gumagawa ako ng album hindi dahil para makakuha ako ng award... para magkaroon ng platinum award or whatever. Gumagawa ako ng album para sa mag taong nakikinig talaga sa music ko. Kumbaga, kung gusto nila yung album, salamat. Kung hindi nila gusto, sige gagawa ako ng mas maganda pa," sagot ni Nina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang goal niya for 2010?

"Siguro mag-concert nang mag-concert at saka gumawa ng original album."

HAPPY LOVELIFE. Bukod sa magandang career, happy rin ang lovelife ngayon ni Nina sa kanyang non-showbiz boyfriend na nagngangalang Enrico "Coy" Enriquez. Involved daw ang boyfriend niya sa taxi business.

"Okay naman kami ni Coy, magti-three years na kami," banggit ng Soul Siren.

Ano naman ang reaksiyon ng boyfriend niya sa ginawa sa kanya ni Nyoy?

"Nagalit siyempre. Lalo na nung parang hindi inamin ni Nyoy na may utang siya."

Binirong tanungin naman siya ng press kung inutangan na ba siya ni Coy?

"Sa awa ng Diyos, hindi pa naman siya nangungutang sa akin. Minsan nga pag parang serious na yung usapan, sinasabi ko sa sarili ko, 'Naku, huwag ka sanang uutang!'" biro ni Nina.

Na-trauma na ba siya kapag utangan na ang topic ng usapan?

"Oo. Pag ganung mga heart-to-heart talk, no. Pero iba naman si Coy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kung uutangan ba siya ni Coy, papautangin niya ba ito?

"E, ganun naman talaga pag nangangailangan. Pag babayaran naman, di ba, okay lang naman. Siguro may written agreement na lang, may kontrata. Maiintindihan niya na yun."

Ayon kay Nina, parang hindi naman daw siya uutangan ni Coy dahil maganda naman ang business nito.

Wala pa ba silang planong magpakasal?

"Ay, wala pa. Kasi napag-usapan na rin namin na gusto muna naming mag-ipon."

Pero napag-uusapan na rin ba nila ang kasal?

"Hindi pa naman yung tipong ito na yung date, na nagse-set na ng date. Usap-usapan lang na tipong ano yung gusto kong motif o ano yung gusto niyang motif. Hindi pa naman yung super seryosong usapan talaga."

Ano ba ang dream wedding niya?

"Actually, beach wedding. Gusto ko yung malapit sa kalawakan, malapit sa langit at lupa, tapos may dagat," sagot ni Nina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang hindi ko lang ma-take na naka-smile pa siya or something na knowing yung kasalubong niya ay nasaktan niya. Actually, hindi nga smile, e, parang grin talaga na parang walang problema, parang hindi kita nasaktan, ganun," says Nina about her chance encounter with ex-boyfriend Nyoy Volante.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results