Gaya ng napabalita, totoo nga na magkasamang namili sa S&R sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Ang dalawa'y umamin during the press conference for their upcoming film under Star Cinema, Paano Na Kaya?
Nakangiting sabi ni Kim, "Ano, sa S&R yun...nag-grocery kami, kasi tapos na ang shooting namin."
Si Gerald ang nagpatuloy ng sinasabi ni Kim at nag-explain na nag-grocery raw sila after shooting at sinamahan siya ni Kim na mamili ng Christmas decor, gaya ng Christmas tree.
Pilit na rin silang pinaamin ng entertainment press kung ano na nga ba ang totoong estado ng kanilang friendship.
Ayon kay Gerald, four years na raw silang magkasama ni Kim at tapos na sila sa friendship.
Sagot naman ni Kim, "Ako, masaya naman ako kapag kasama ko si Gerald. Parang palagi akong safe kapag nandiyan siya. Palagi niya akong pinapatawa. So, parang isa siya sa taong nagpapasaya sa akin ngayon at masaya kami kapag magkasama."
Pero sila na nga ba?
"Sa amin na lang yun, napag-usapan na namin yun," natatawang sabi ni Kim.
Sinabi rin ni Gerald na may M.U. o mutual understanding sila, ibig sabihin ba nito, hindi na puwedeng magpaligaw ang leading lady sa iba?
"Wala namang nanliligaw sa akin," nangingiting sabi ni Kim. "Actually po, napag-usapan po namin na maghihintay na lang daw po siya."
Sa apat na taon na magkapareha sila, may mga bagay pa ba silang nadi-discover sa isa't isa?
"Ako, siyempre, iba-iba naman ang tao. Si Gerald, yung kakulitan niya, hindi nagbabago. Parang ganun pa rin siya sa akin. Katulad kanina, yung sinasabi ni Robi [Domingo], yung ginagawa ni Gerald sa akin.
"Kanina kasi inaantok ako, segue kami galing taping. Parang nagli-lip-synch siya. Parang nagising ako. Tapos, tumatawa nang tumawa si Robi," ang kuwento ng dalaga.
Kapag galit sila sa isa't isa, ano ang ginagawa nila?
"Hindi naman kami nagkakagalit. Hindi lang kami nag-uusap. Parang medyo araw-araw na kaming nagkikita. Hindi na lang kami nag-uusap. Hindi na lang kami nagpapansinan. Parang kapag hapon, nagpapansinan na ulit kami."






okay lang yan...
bsta madlang people nuod tayo ng paano na kaya!
WE looooooooove kimerald!!!
ang mga tao nga nmn...
pampisikal palagi ang issue...
lahat na sinsabi may maipintas lang sa taong wala nmng gingwang msama...
nagpapasaya na nga at nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao ganyan pa kayo...
ganyan talaga mga katawan ng chinese ang papayat pero maganda naman...payat na healthy..natural ang pagkapayat...
gusto ko nga maging ganyan din katawa ko...
wahhhhhhh
baka naman payat lang talga siya....
at hindi nyo kylngan mg.away dhil si sarah at kimerald ay star.magic at ngwwork sa iisang istation at un ay ang ABS-CBN kya tama n ung war n yan hindi mkakatulong yan sa mga iniidulo nyo