From studio headache to studio sweetheart, Jackie Rice now gives her career her full attention. "Love can wait," says stag mag FHM's January girl.

 

Photo: Noel Orsal

Demonyita pa rin ba siya?

"Hindi na po talaga, like what I've said, nagbago na po ako.  Kahit nga kami ng mommy ko, okey na kami. Noong birthday niya last January 22, umuwi ako sa Olongapo para personal siyang batiin. 

"Kung mayroon nga po akong laging ipinagdadasal ngayon, sana ay magkabalikan na sila ng daddy ko.  Matagal na po silang hiwalay. Wala po naman silang ibang asawa, hindi po lamang sila siguro talaga nagkakaintindihan. Pero sana po ay magkasama na sila ulit at mag-alagaan sa isa't isa hanggang sa huli. 

"Iyon po talaga ang isa sa wishes ko at saka iyong makabili na ako ng sariling bahay at magtuluy-tuloy na ang career ko."

LOVELIFE? "Wala na po muna, career na lamang muna.  Siguro po, tama na iyong inuna ko talaga ang ma-in love noon kay Biboy [Ramirez] kaysa career ko.  Marami po akong lessons na natutunan doon at wala po akong regrets na nagkahiwalay na kami. Love can wait naman. 

"Mayroon po akong idini-date, non-showbiz, pero hanggang doon lamang iyon, ayaw ko munang paligaw.  Love can wait naman.  Kung merong dumating, kung mahal niya ako talaga, he'll wait for me. Hindi ko na rin po iniisip iyong mga dating boyfriends ko kasi tapos na iyon."

Alam ba niyang si Vaness del Moral na ang bagong girlfriend ni Biboy?

"Oo po naman and I'm happy for them.  Happy ako na may bago nang lovelife si Biboy, at si Vaness, kapatid ko iyan sa StarStruck.  Kapag nakikita ko si Biboy, nagbabatian po naman kami."

May bagong telefantasiyang gagawin si Jackie, ang Panday Kids kunsaan makakasama niya sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, JC de Vera, Polo Ravales, Lovi Poe and child actor Buboy Villar.

"Magti-taping na po kami this week, at mabait po ako rito, at may power din po ako. Hindi ko pa lamang alam kung ano ang power na iyon."