news

Marian Rivera: "Hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso."

by Nitz Miralles posted on January 29, 2010  STATS: 3334 Views | 1111 Comments

 

After long speculations about her rumored transfer to ABS-CBN, Marian Rivera finally answers the question by saying, "Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA-7. Hindi nila ako pinababayaan at marami akong work."

Photo By: Noel Orsal

Nagulantang ang fans ni Marian Rivera nang unang mabalitang lilipat siya sa ABS-CBN after her contract with GMA-7 expires. Ayon pa sa news item, ang Endless Love: Autumn In My Heart na ang last soap ni Marian sa Kapuso Network at lilipat na siya sa Kapamilya network.

Nasulat pang kapag lumipat sa ABS-CBN si Marian, hindi na si Popoy Caratativo ang kanyang manager. Ibang tao na rin daw ang nakikipag-usap on her behalf sa Kapamilya network.

Upang kumpirmahin ang balitang paglipat ni Marian sa ABS-CBN, tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Popoy. Natatawang "no comment" ang sagot ni Popoy sa amin, pero nangako siyang tatawagan niya kami sa tamang panahon.

Sunod na tinanong ng PEP ang rumored boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes tungkol sa diumano'y pag-alis ng aktres sa GMA-7. "Nope," "it's not true," at "there's no truth to that," ang mga sagot ni Dingdong. Tinanong pa nga niya kami kung saan galing ang balita.

Nang makausap ng entertainment press si Marian sa Dinangyang Festival sa Iloilo, nag-"no comment" din siya at itinuro ang kanyang manager para siyang sumagot sa pangungulit ng press. Pero wala rin kaming nakuhang malinaw na sagot.

MARIAN FINALLY ANSWERS THE QUESTION. Muling nakausap ng PEP si Marian sa taping ng Darna sa grotto sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Miyerkules, January 27. Ang isyung pag-alis niya sa GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN ang unang itinanong sa kanya and this time ay diretso na niya itong sinagot.

Totoo ba ang mga balitang lilisanin na niya ang Kapuso network?

"Hindi ako lilipat kasi masaya ako sa GMA-7. Hindi nila ako pinababayaan at marami akong work," mariing sabi ni Marian.

Totoo bang may kumausap kay Popoy tungkol sa kontrata niya sa GMA-7 at kung kailan ito mag-e-expire at nag-offer ng kontrata?

"May nagtanong lang naman, hindi offer yun," paglilinaw niya. "Nagtanong lang ng mga bagay-bagay kay Popoy at kung sinuman ang taong yun, huwag na nating sabihin. Ang sigurado lang at final na ito, hindi ako lilipat dahil masaya ako bilang Kapuso. Ano pa ba ang hihilingin ko? Good projects ang ibinibigay sa akin at binigyan din ako ng title [Primetime Queen of GMA-7]."

Nang sabihin ng PEP na hindi lang ang fans niya ang matutuwa sa kanyang ipinahayag, kundi pati na rin ang GMA-7 dahil hindi pa rin pala sila mawawalan ng "Primetime Queen," tinanong ni Marian ang kasama naming taga-Corporate Communications department ng Kapuso network kung totoong nabulabog sila sa balita. Nang umoo ang tinanong, natawa na lang si Marian.

"Nakakatawa naman at pati kayo nag-isip na aalis nga ako sa GMA Network. Hindi nga ako aalis, happy na kaya ako dito at final na 'yan," wika ni Marian.

Isa sa mga project na gagawin ni Marian ay ang Endless Love: Autumn In My Heart na balik-tambalan nila ni Dingdong Dantes. Naurong sa April ang start ng taping nila at sa June naman ang airing nito. Hindi pa lang sigurado si Marian kung si Joyce Bernal pa rin ang magdidirek ng Pinoy adaptation ng Koreanovela na ito dahil magko-concentrate daw ang direktor sa pagdidirehe ng pelikula. Si Joyce ang nagdirek ng tatlong primetime series na pinagsamahan nina Marian at Dingdong: Marimar, Dyesebel, at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.

DARNA BIDS FAREWELL. Mixed emotions naman si Marian sa nalalapit na pagtatapos ng telefantasya na Darna dahil mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya rito, pati na ang direktor nilang si Dominic Zapata. Mami-miss din daw niya ang pagsusuot ng costume ni Darna.

Hindi na idinetalye ni Marian ang mga susunod na episodes, pero sinabi niya na lahat ng mga nakalaban niya ay magsasama-sama hanggang maging isang tao na lang. Kung paano ito gagawin, bahala na raw si Direk Dom.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1111 Comments

  • 1111  gaila

    07/22/2010 | 12:41 AM
    nvaliente

    kawawa ka nman , galit ka kay marian pero nandito ka sa article nya nag comment.. shame on you ...bakit ano bang pinag mayabang mong level ng acting ng taga ABS? asus .. galing nga halos sa GMA yung mga sumikat jan ..pa class ka pa ..wa class nman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1110  nvaliente88

    05/02/2010 | 05:57 AM
    please stay were you are Marian you don't have the TALENT and capability to be a KAPAMILYA... ok??? try to watch kapamilya shows hndi lng iisa ang artist nla GMA ikaw lng ata at ung level lng ng pag arte mu ang kaya nilang pasikatin.. sikat nga b?? yuck!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1109  nvaliente88

    05/02/2010 | 05:46 AM
    i love Angel. i hate Marian a lot! Yes Marian is beautiful outside but she's not professional unlike the artist of channel 2. ahmmmm.. . i hate the way she acts! and HINDI XA NABABAGAY IHANAY SA MGA ARTISTA NG DOS.. STAY WERE YOU ARE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1108  ayala

    02/18/2010 | 03:08 PM
    Asos! gagawa nman ng ingay itong si marian kasi pa LAOS na!

    MELASON ang sikat ngayun!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1107  notmyhero

    02/18/2010 | 10:59 AM
    Nung wala pang linaw sa isyu ng paglilipat mo sa ABS-CBN, tahimik ang mga KAPAL-milya... At ng sinagot mo na finally ang isyu nato, heto na at kunwaring di ka nila kelangan!!!

    Hanggat kaya ka nilang siraan at laitin, gagawin nila kasi you are a BIG THREAT for them!!!

    Parang ANGEL LOCSIN..galit na galit sila nun, pero lab na lab na nila ngayon kasi KAPAL-milya na rin..

    So its not about ur personality, but its because of your NETWORK that they hate most!!

    Keep being NICE!!! You are one of the best!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1106  notmyhero

    02/18/2010 | 10:54 AM
    CONGRATS MARIAN!!

    Marami tlaga ang mga may AYAW at INGGIT sau!!

    Ayaw ka nila dahil IKAW ang isa sa mga NAKAPAGpabagsak ng NETWORK nila!!!

    Kahit anong bait at ganda mo, di ka tlga nila magugustuhan dahil KAPAL-milya sila!!!

    Andito lang kami na magsusuporta sau ALL the WAY!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1105  oioioi

    02/18/2010 | 10:03 AM
    just stay in gma please. you don't have the class, finesse and most of all talent that abs-cbn actresses have.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1104  winmar_082402

    02/18/2010 | 08:43 AM
    Ok lang na di ka lumipat...hindi naman interesado sau ang ABS, dahil magagaling at tunay n may talent ang kinukuha ng Dos, and unfortunately wala ka non....pagsasayaw mo walang pinagbago, acting mo malabnaw..di k pedeng makipagsabayan sa mga talents ng Dos talent and acting wise...dyan n lang sa GMA where you belong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1103  wnhtsga

    02/17/2010 | 10:48 PM
    tama wag ka lumipat sa abs marian, baka di na ako manuod ng abs nyan, dun ka nalang sa gma, mas bagay ka doon at papansin ka pa kc wala kang competition, pag sa abs ka baka matapaktapakan ka pa doon kasi ang daming mga magagandang talents doon ok marian ok??? wag ka lilipat ha dyan ka lang! di ka namin gusto makita sa abscbn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1102  v17_leiser

    02/17/2010 | 07:11 PM
    OK LNG UN.. CGE PARA DON NMN CLA MAGKITA NI KARYLLE.. HEK HEK HEK.. ITE2TEAM-UP XA S MAY GF DIN TPOS UN NMN ANG MAGI2NG JOWA NYA? WHILE DINGDONG IPEPAIR DIN SA IBA HANGGANG MAGING JOWA NYA RIN.. HAK HAK.. MARIAN TAKOT!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1101  Meowsy

    02/08/2010 | 12:41 PM
    eh ang ebak cbn bias lagi remember sa erap days nakasuot ng itim ang reporters nila sa kainitan ng impeachment at muntik ng magulpi ng mga pro erap

    tsupiii dito isa kang kapalmilya you dont belong here ash hole

    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1100  detective_222

    02/08/2010 | 10:04 AM
    wag kan lumipat marian d kana man kailangan sa abs...ang yayabang ng tga gma puro no.1 no.1 cla lng ba ang istasyon? mga programa nga nila puro walang kwenta..pati news! news nila ang yayabang nakakhiya ang cnasabi nila walang kasinungalingan walng pinoprotektahan,mahiya nga kyo!!!!!ang no.1 d puro salita alam naman ng mga nanood...puro na lng cla panggagagaya...wala kayong originality gma7 ang pangit ng programa nyo!!!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1099  shajenmarie

    02/07/2010 | 07:58 PM
    icompare ba naman ang darna ni angel noon, mga engot noon panahon ni angel na nagdarna sya wala pa masyadong computer ang mga tao lalo na wala pang PSP at Nintendo Wii. Walang ibang pinagkaabalahan kundi manood ng TV, unlike ngayon halos may mga computer at games na sa bahay kaya ang iba mas gugustuhin nlang maglaro kesa manood. Ang iba nga naadik na sa online games eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1098  kulitot

    02/07/2010 | 10:52 AM
    tama lang un noh wag ka nang lumipat... matatalbugan ka ng mga stars dun.......... tignan mo ung darna mo wlang wenta.. di mo natalo ratings nun ni angel....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1097  landstown

    02/06/2010 | 09:35 PM
    sabi ng fans ng D.Y. sila lang ang pinapasok sa backstage wala ng iba nagpapicture taking pa sila kila marian nagbigay ng gifts nakipagkwetuhan at may kasama pang kiss ng umalis sila ang saya saya nga daw at hindi puedeng maramihan tatluhan lang at hindi puedeng sabay sabay sa backstage kasi magsusunuran yung ibang manonood kaya doon ako sa mismong fans na nagkwento maniniwala. at kung gusto ninyo pa punta kayo sa site nila mababasa ninyo talaga ang saya saya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1096  landstown

    02/06/2010 | 08:48 PM
    i love you marian and dong. kayo lang ang artistang nagustuhan ko ng sobra.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1095  Meowsy

    02/06/2010 | 05:56 PM
    at least pumayag siya magpapicture sa inyo. magalit kayo kung tumanggi siya.

    and sa totoo lang kayo nagask ng favor and not marian. kaya dapat kayo ang mag thankyou and not her. baka kaya kayo di na binati kasi busy kay dingdong or may naiisip na iba. may tao naman talagang di pala thankyou or nagsasabi man lang ng welcome

    1208
    we hate angel dahil sa ginawa niyang pagsisinungaling at pagtraidor sa GMA eh yung ibang lumipat ng ABS like christine reyes and karylle we dont hate them kasi maayos ang paalam nila sa GMA.

    bakit kayo mga kapalmilya sinusumpa ninyo si claudine at maricel soriano dahil kapuso na sila?

    eh nagpaalam naman ng mabuti ang 2 sa abs at alam ng abs yun
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1094  ker_ker

    02/06/2010 | 05:13 PM
    hindi ako kampo ng ebak na sinasabi mo...sbi ko nga i gave her the benefit of the doubt db? juice me nmn lahat kmi buong grupo nagthank you! d ba kami madinig yun??i'm saying this because this is first hand experience. hndi lng ako nagsabi nun...andami kac samin nakasaksi eh... and im not asking you to believe me...i'm just saying what i saw..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1093  KAPAMILYAforeverdaw

    02/06/2010 | 04:56 PM
    Mga bitter naman tao dito, wala na sinabi maganda about kay Angel, pero kay Marian, yun mga dating sinasabi nila kay Angel sinasabi na nila ngayon kay Marian. Pag lumipat si Marian, asus, wag kayong double-faced!!! Get over it!! Get over Angel already!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1092  Meowsy

    02/06/2010 | 02:05 PM
    At least nagpapicture si marian sa yo. malay mo baka di ka lang nadinig ni marian or lumilipad ang isip

    baka mamaya kampo ng ebak para siraan si marian uli
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About