Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press ang taping ng Darna sa San Jose, Bulacan, last Wednesday, January 27. Inabutan namin ang eksenang nakikipaglaban si Darna (Marian Rivera) kay Zandro (Paolo Contis).
Bukas, January 30, ang last taping day ng Darna sa Marilao, Bulacan. Pagkatapos nito ay magkakaroon ng thanksgiving party ang cast and crew.
Binati namin si Marian dahil the past few days ay laging panalo sa ratings ang Darna, base sa survey ng AGB Nielsen Phils. sa Mega Manila households.
"Yun pong ratings, bonus na lang 'yon, but we are very thankful sa mga sumusubaybay sa amin. Promise po namin na sa last three weeks ng Darna, napakarami pa ring mangyayari sa story. Abangan ninyo kung paano magsasama-sama silang lahat [villains] para kalabanin ako," sabi ni Marian.
Mabuti at nagkikita pa rin sila ng rumored boyfriend niyang si Dingdong Dantes kahit pareho silang busy?
"Last week nga, miss na miss ko si Dong kasi dalawang araw kaming hindi nagkita. Nag-show kami sa Dinagyang Festival ni Dennis [Trillo, her leading man in Darna] sa Iloilo. Siya naman, nasa Davao para sa Ayos Na... Hay!" napabuntung-hiningang sabi ni Marian.
VALENTINE'S DAY. Malapit na ang Valentine's Day. Saan sila magse-celebrate ni Dingdong?
"Baka po sa eroplano na kami mag-celebrate," sagot ni Marian. "Aalis po kasi kami ni Dong. Guests kami nina Ate Regine [Velasquez] at Kuya Ogie [Alcasid] sa show ng GMA Pinoy TV sa Dubai. At kung maaayos po ang papers ni Dong, tutuloy kami sa Spain. Two weeks siguro kami doon kaya babalik kami dito, Valentine's Day na." (Sa Spain nakatira ang ama ni Marian.)
May Valentine gift na ba siya kay Dingdong?
"Hindi naman na po kailangang may okasyon para magbigayan kami ng gift," sagot ng aktres. "Kung may nakita kaming maganda, at sa tingin namin ay magugustuhan ng bawat isa, binibili namin.
"Yung replica ng Darna na ibinigay niya sa akin noong Christmas, ipinaayos ko sa kanya. Ni-request ko sa kanyang papalitan niya ang mata kasi masyadong madilat, hindi naman ako ganoon. Ginagawa na ngayon ang replica ni Dyesebel. Hindi pala puwedeng pagsabay-sabayin 'yon dahil three months bago matapos ang isa. Nagpagawa din kasi siya ng replica ni Marimar at Proserfina [Marian's character in Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang]."
Ano naman ang kapalit ng gifts na 'yon ni Dingdong sa kanya?
"Love!" bulalas ni Marian. "Ipinagluluto ko siya ng gusto niya. Noong Sunday nga, nag-request siyang ipagluto ko siya ng kare-kare. Pero nag-sorry ako kasi may taping ako."
NO SECRET WEDDING. May issue na secretly married na raw sila ni Dingdong. Totoo ba ito?
"Hindi po totoo 'yon," tanggi ni Marian. "Para sa akin, pinakamahalaga ang kasal kaya hindi ko yun itatago. Ipagmamalaki ko pa kung dumating ang panahong 'yon. 'Saka gusto ko sa simbahan, gusto ko simple church wedding."






matetdionusa
eh bakit sinabi ba namin na siya ang pinakamaganda....
kung magreact ka naman eh napaka OA mo!
eh kanya kanya naman tayo ng gusto kung sino ang maganda para sa atin...
kung maganda sila para sayo eh di sila ang maganda pero wag kang ng manlait dahil di ka nakakatuwa.
dagirl
epal naman ang isang eto...
kung magsalita akala mo kilala niya talaga si marian...
tapos pag binalikan ng marian fans idol niya magwawala naman!
ang kapal ng face na manlait buti naman sana kung walang kapintasan idol mo....lol
wala daw ililihim pero until now deny pa sila... talaga tong babae na to agresibo!!! pero birhen pa daw sya....
super ganda ni marian. tama ka, her eyes is her most beautiful feature.
napansin ko lang, seloso si dingdong. kasi nung umalis sila inakbayan nya si marian ng sobrang higpit na parang aagawin ng iba si marian. hahaha!
yung ibang artista, di naman ganun kaganda in person pag walang makeup
I wish her more power and success and a long continuous loving relationship with Dingdong - bagay na bagay sila!
DongYan forever
tularan natin si marian and dingdong
spread the loooove!!!!
di makatulog coz may upcoming soap na naman sila marian. too nervous???
grabeh tlga ang galing galing ng idol natin...bakit kaya di nila matanggap no?kahit anu-ano nalang sabihin nila againts to Ms.Marian.