Muling nakapanayam ng Startalk kahapon ang StarStruck avenger na si Arci Muñoz. May kaugnayan pa rin sa biglaang paghihiwalay nila ng Callalily band member na si Kian Cipriano.
Biglang naging controversial si Arci papasok pa lang ang bagong taon nang sa interview niya sa Startalk noong January 2, binanggit niyang may third party raw sa breakup nila ni Kian.
Wala siyang binigay na pangalan, pero halata raw sa kanyang mga sinasabi at sa mga "clues" na binibigay ng host na si Butch Francisco, na parang si Rachelle Ann Go ang kanyang tinutukoy.
TWITTED ON TWITTER. Matapos ang kanyang live interview, lumabas daw ang ilang posts sa Twitter accounts nina Kian at Rachelle. Di deretsahang pinapataaman si Arci, pero heto ang ilan sa kanilang mga tweets:
Mula kay Kian, "This is weird. The thing is, nag-assume, hindi naman totoo." "The thing to do now is to think before you speak. Know the details. Know the truth."
Mula naman sa napabalitang third party na si Rachelle: "I won't be shaken," at "Excited na akong magbakasyon... sana pagbalik ko matigil na ang kasinungalingan sa mundo."
Sa panayam muli ni Arci sa Startalk, sinabi niyang nagulat daw siya sa mga nakita niya sa Twitter accounts ng dalawa.
Aniya, "Ako kasi ang taong hindi ako mahilig mag-check ng mga Internet, Facebook, so, nagulat ako... Pero, I have nothing against them. Masaya na 'ko na nasabi ko yung part ko.
"Alam ko na wala akong inagrabyado... Hindi ako nagbanggit ng kahit na anong pangalan..."
QUICK RECOVERY. Pero mas nagugulat daw si Arci sa bilis ng kanyang pagka-move on sa breakup nila ni Kian.
"Sobrang hindi ko ini-expect na ganito kabilis yung recovery. Kasi, he's my first boyfriend. So, parang, wow, ganun pala yun. At least ang dami kong natutunan. Ganun pala yung feeling."
Dugtong pa niya, "So, next time, alam ko na... alam ko na ang gagawin ko next time. Na parang, okay, I know that I'm stronger now, smarter... I've learned a lot."
Kung magkukrus man daw ang landas nila nina Kian at Rachelle Ann, magiging civil pa rin daw siya sa mga ito.
"I'll give them a smile. Civil. Kasi sa akin, I know I'm right. Wala akong inagrabyado... Bakit ko mararamdaman yung ganung pakiramdam na awkward moment?
"Yeah, it's awkward dahil wala naman kasing magandang closure na ginawa, e. And para sa akin, at least ako, I know that I've tried to fix it as an adult. So ako, ganun, ngiti lang... I'm doing great."
