YES! COVER STORY. Tinanong din si Marian tungkol sa YES! Magazine cover story tungkol sa kanila ni Dingdong (February issue), kunsaan kulang na lang nga ang tahasang sabihin nila na sila na nga.
"Siguro naman sapat na ang nakasulat dun para i-express namin ang mga feelings namin. Hindi na kailangang i-pinpoint na, ay, 'eto 'yan, wala na sigurong ganun."
Ayaw na ring magdetalye ni Marian in terms of sa official anniversary nila, monthsary...
"May ganun?" natatawang reaksyon niya. "Tulad ng sinabi ni Dong, siguro, e, sapat na ang mga salita namin. Hindi na kailangan ng mga ganun. Ang importante, e, naging honest kami, at masaya kami sa mga nangyari sa amin."
Pero para kay Marian, every day naman daw ay espesyal para sa kanilang dalawa ni Dingdong. Pero ano nga ba ang pinaka-memorable na araw para sa kanilang dalawa?
"Memorable? Sa tuwing makikita ko siya, yun ang memorable sa amin."
TRIPS WITH DINGDONG. Kinumpirma naman ni Marian na hindi pa sila matutuloy umalis ni Dingdong ngayong araw, February 1, papuntang Dubai, but instead yung susunod na araw na raw ang alis nila. Pero isang mabilis na "secret," ang sagot nito when asked kung naapruban na ba ang visa ni Dingdong pa-Spain.
Pero bakit nga ba tila sinisikreto pa nila ang biyahe nila papuntang Spain?
"Huwag kayong mag-alala, sasabihin ko naman, at ako mismo ang magsasabi sa inyo kapag natuloy yun at kapag nagkita kami ng daddy ko," sabi ni Marian.
Two weeks din daw silang mawawala dahil pa-Dubai bound muna sila for the Ogie Alcasid and Regine Velasquez show roon.
Kinamusta rin namin kay Marian ang kanyang daddy at kung excited na ba ito sa muli nilang pagkikita.
"Oo! Sabi ko nga, huwag na niya akong sunduin sa airport at baka dun pa kami mag-iyakan."
Nakangiti naman si Marian when asked kung excited na rin ba ang daddy niya na makilala si Dingdong.
"Tingnan natin...tingnan natin."
Five years din daw ang hinintay niya para sa muli nilang pagkikitang mag-ama.






WE LOVE YOU
MOST BEAUTIFUL, FAMOUS AND POWERFUL
COUPLE IN THE PHILIPPINES: DONGYAN
malay ko kung sino ka sa pic hahaha.
Di naman importante kung ilang kilometro ang tinakbo, ang importante sumuporta.
lancomeX
gumising ka. binabangungot ka.
Kung sinong nagsabi diyan na hindi maganda at mukhang 50 yrs. old si Marian, duleng...o di kaya halatang nang-ookray ka.
GO GO GO MARIANDINGDONG!!! WE LOVE YOU AND SUPPORT YOU ALWAYS!!
FROM LONDON KAPUSO AND DONGYANATICS!