"Dyusko, I also drink! Sino ba namang hindi umiinom, occasionally? Sinabi ko nga sa kanya [Shaina], 'Marami pang lalabas na negative. Tawanan mo na lang 'yan.' Sabi ko, 'Shaina, just enjoy life, yung pagkabata mong ganyan. You know, mabilis ang panahon.' So, being her sister, it's okay to go out. She has to also enjoy social life. Kasi, wala na nga 'yang... hindi na nga nakakalabas 'yan, bakit may mga lumalabas pa na ganyan? Nakakatawa lang, actually," says Vina Morales about rumors that sister Shaina Magdayao has a drinking problem.

Masarap kausap these days si Vina Morales, lalo't ang topic ay  tungkol sa pagiging ina niya ng nine-month-old baby na si Ceana, ang anak  nila ng businessman na si Cedric Lee.

"Oh, yes, I'm very happy having Ceana!" bulalas ng magandang singer-actress nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, January 31, sa studio ng ASAP XV sa ABS-CBN.

Late last year ay halos ganito rin ka-overwhelmed si Vina sa naging pahayag when we bumped into each other at an awards ceremony.

Hindi man niya sabihin, tila nais niyang isigaw sa buong mundo ang nadaramang fulfillment, mula nang isilang ang una niyang supling April last year.

"I'm only a mother," masiglang wika ni Vina. "Dyusko naman, kumpleto na ako! Ang bilis ng panahon, magwa-one year old na siya. So, aasikasuhin ko na... I have to really prepare for her first birthday. I want to make sure naman na memorable 'yon, di ba? Kasi sabi nga, yung first birthday, dapat pinaghahandaan talaga."

AGUA BENDITA. Walang conflict, sa ngayon, sa pagiging full-time mother at abalang aktres at singer ni Vina. Nagawan niya ng paraan na hindi mawawalay sa kanyang baby Ceana habang tinutupad ang kanyang commitments.

"Right now, I'm taping for Agua Bendita and it's taking too much of my time," Vina says of the new ABS-CBN teleserye, which she tapes four days a week. "Naghahabol kami ngayon dahil ito ang papalit sa May Bukas Pa. And I make sure na kasama ko minsan si Ceana sa taping. Nagpaalam ako sa kanila [ABS-CBN management] na kung puwede, isama ko yung anak ko."

Nangingiti si Vina sa pagkukuwento tungkol dito. Aniya, "Kasi baka mamaya, hindi na ako makilala [ng anak ko]. Pumayag naman sila. At happy naman ako dahil maganda yung istorya ng Agua Bendita. Maganda yung role ko."



Madalang gumawa ng teleserye si Vina. Her last appearance was in Maria Flordeluna, and before that, years ago pa ang Darating ang Umaga, also on ABS-CBN. Parehong tampok sa mga nabanggit na teleserye ang aktres na si Eula Valdes.

At present, Vina is more into acting and she's enjoying it.



"Years ago, puro concerts, di ba? I'm sure, after this [Agua Bendita], I want to have a tour again," aniya.



Na-miss niya ang paglabas sa teleserye. "Ang tagal na, the last time, yung Flordeluna, guest lang ako. Before that, Darating ang Umaga, years ago... Finally, now, 'eto na. Si John Estrada naman ang partner ko dito."



This time, Vina plays mother to teen star Andi Eigenmann in Agua Bendita. Si Andi ay anak ni Jaclyn Jose sa aktor na si Mark Gil.



"Yung story, about paglilihi, himala... fantaserye talaga, na spiritual," banggit ni Vina. "Ang kakaiba lang, kasi naglihi ako sa nakaw na holy water, so ang kakambal nung anak ko is made of water. It's a very interesting story. It's a komiks story, and Shaina [Magdayao, Vina's younger sister] did that before [sa isang episode ng Komiks Presents].  This one naman, it's for one season, so ilang months din ipapalabas."



IN DEFENSE OF SHAINA. Speaking of her sister Shaina, asahang hindi palalampasin ni Vina ang anumang isyu na sangkot ang kanyang pinakamamahal na kapatid. At the outset, may nauna nang babala o warning si Vina kay Shaina tungkol sa pagiging isang bahagi ng show business, o bilang isang artista.

"Alam niya kung anong pinasukan niya ngayon," panimulang sabi ni Vina. "Alam niyang marami talagang intriga. Sinabi ko 'yan sa kanya noon na, 'You have to be ready, dahil dumaan din ako diyan.' Open kami sa isa't isa, and she's very strong for her age."



Aware nga si Vina sa kinakaharap na mga "problema" ng sikat ding kapatid na babae.



"I know that they broke up... si John Pratts," banggit ni Vina about Shaina and her former boyfriend. "But you know, John naman is very dear to us, to our family, and even his family. How sad. It's sad to know, pero alam mo naman, mahirap manghimasok pagdating sa lovelife ng kapatid ko, di ba? Basta, nandito lang kami to support her."

Lately, pati ang pangalan ni John Lloyd Cruz ay naiuugnay kay Shaina. Natawa nang bahagya si Vina sa narinig.

"Si John Lloyd naman, tsismis lang 'yon!" tawa niya.

At sa intrigang kesyo natutong uminom ng alak o "maglasing" ni Shaina matapos ma-brokenhearted, ang reaksiyon ni Ate Vina ay: "Dyusko, I also drink! Sino ba namang hindi umiinom, occasionally?



"I don't think... I guess, sinabi ko nga sa kanya [Shaina], marami pang lalabas na negative. Tawanan mo na lang 'yan. Sabi ko, 'Shaina, just enjoy life, yung pagkabata mong ganyan. You know, mabilis ang panahon.' So, being her sister, it's okay to go out. She has to also enjoy social life. Kasi, wala na nga 'yang... hindi na nga nakakalabas 'yan, bakit may mga lumalabas pa na ganyan? Nakakatawa lang, actually."



Of her and Shaina's last bonding time, nabanggit pa ni Vina na noong nakaraang linggo lang ay magkasama sila ng nakababatang kapatid.



"At the opening of Ystilo, dun sa SM Cebu, nag-ribbon-cutting kami. We just spent time together after the ribbon-cutting. And I just hope more time pa, pero kasi si Shaina, nagte-taping din, e."



Isa sa mga naging matagumpay na negosyo ni Vina ang pagmamay-ari ng Ystilo boutique, na pinagkakakitaan ngayon ang pagkakaroon nito ng iba't ibang franchise.



Si Shaina rin, young as she is, ay napabalita nang kumikita ng malaki sa naipatayong apartment rows mula sa mga unang kinita sa showbiz. At maganda ang mga sinabi ni Vina about her sister's frugal ways upang mabalanse ang mga negatibong ulat-intriga tungkol kay Shaina.



"Shaina knows how to really save. She knows how to save money talaga.  Sinasabi ko sa kanya, 'Kailangan mag-save ka kasi not all the time, maraming projects. Ganyan, e, so at least you have something. Pag kailangan mo ng money, for the rainy days, nandidiyan, meron kang mabubunot,' makahulugang advice pa nga ni Vina kay Shaina.

CAREER OVER LOVELIFE. Mapagsasabay ba niyang muli ang kaabalahan sa kanyang career at pagkakaroon ng masayang lovelife, kung sakali?



"Ako naman, with or without lovelife, okey na ako ngayon. It's not really my priority. With or without lovelife, okey ako, happy ako," nakangiting sabi niya.



Is she open to the idea of  accepting other suitors and have another baby, eventually?



"For now? My God, for now, no!" at sinundan niya ito ng pagtatawa. "Hindi ko pa alam. Hindi ko pa naiisip 'yon, kasi mahirap din ang mag-alaga. Well, masarap magkaroon ng maraming anak, if you have a lot of time, kasi it takes too much of your time and effort and kailangan, pagtuunan mo ng pansin 'yon. Buhay ang pinag-uusapan dito."



But, more importantly, ang huling pahayag ni Vina: "I want Ceana also to have a good life, kaya gusto ko, tutok ako ngayon sa kanya."