Manny Pacquiao threatens legal action to put a stop to gossip

Rose Garcia
Sunday, February 07, 2010 @ 12:23PM  |  47 views

 

The boxer came out swinging on Startalk yesterday, especially when it came to gossip about his wife (left): "Huwag namang ganun na maggawa sila ng sariling kuwento. Na parang manira ng pamilya. Tapos yung asawa ko, nili-link din sa ibang lalaki. Parang they are trying talaga na paghiwalayin kaming dalawa.  What kind of people are they? Amazing!"

 

Photo By: Noel Orsal













Finally, sinagot na ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao ang bagong intriga na naman sa kanila: na diumano'y nagkita sa Los Angeles sina Manny at Krista Ranillo, at bukod pa rito'y sa iisang apartment building na lang sila naninirahan.

Namataan pa daw na magkasama sila sa isang grocery store.

Pinalabas kahapon, February 6, ng Startalk, ang panayam kay Manny na kinuhanan sa training camp niya sa Hollywood. Nasa USA ngayon ang Pambansang Kamao para paghandaan ang laban niya sa Ghanaian na si Joshua Clottey na gaganapin sa March 13 sa Arlington, Texas.

Kung dati-rati'y matipid magbigay ng pahayag si Manny sa anumang may kinalaman kay Krista, sa panayam na ito'y nagpakita na ng disgusto ang boksingero, lalo na sa mga intriga tungkol sa asawang si Jinkee.

FED UP. "Alam mo, sa totoo lang, yung sinasabi nila na nakita kaming nag-dinner, nag-grocery, walang katotohanan yun."

Sabi pa ni Manny, "Hindi ako lumalabas. Palagi ko namang kausap si Jinkee at alam niya kung nasaan ako."

Lalong hindi nagustuhan ni Manny ang mga balitang inili-link si Jinkee kay Derek Ramsey. Bumisita kasi ang aktor sa General Santos at isa raw si Jinkee sa grupo na nag-asikaso sa kanya.

"Huwag namang ganun na maggawa sila ng sariling kuwento, na parang manira ng pamilya," sabi ni Manny. "Tapos yung asawa ko, nili-link din sa ibang lalaki. Parang they are trying talaga na paghiwalayin kaming dalawa.  What kind of people are they? Amazing!"

LEGAL ACTION. Dahil sa mga intriga sa kanilang mag-asawa, tila pinag-iisipan na rin ni Manny to take legal action. Hangad lang daw niya na maprotektahan ang kanyang pamilya.

"Kailangan ko ng ebidensiya nila para patunayan nila. Kumbaga sa ano, ikonsulta ko sa abogado ko. Hindi bale na maggastos ako ng pera ko para linawin ang lahat kung totoo ang mga sinasabi. Kailangan nilang patunayan na yung mga akusasyon nila sa akin, e totoo...

"They are trying to ruin my name. They are trying to... with my family, it's not good for us."

Sa panayam naman ng Startalk kay Jinkee dito sa Pilipinas, sinabi ng misis ni Manny na tila hindi na raw siya naniniwala sa mga recent issues tungkol kay Manny at Krista.

Aniya, "Basta ang pinaniniwalaan ko, siyempre, yung asawa ko."

Sa mga nang-iintriga sa kanila, ang sabi ni Jinkee: "Sana kung may sasabihin sila, yung may ebidensiya. Para at least, hindi makapag-deny kung meron talagang ebidensiya. Pero kung wala, sana hindi na lang din isusulat or hindi na lang magsasalita yung iba."

"TAMA NA." Tungkol naman sa pagli-link sa kanya kay Derek, "Hindi naman kasi totoo. Siyempre, magagalit talaga kapag hindi totoo."

1  2  Next »

Related Articles

65 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name