Zsa Zsa Padilla talks about her "unchanging love" for singing and performing

William Reyes
Thursday, February 11, 2010 @ 07:49PM  |  27 views

Aside from her upcoming concert with David Pomeranz, another thing that keeps Zsa Zsa Padilla excited is her Unchanging Love album, which was released by Polyeast Records last year. Some tracks are: "Iibigin Kang Muli," "Ikaw Lang," "Muli," "Kung Alam Mo Lang," "Hanggang," and "Pagmamahal na Walang Wakas." One of her music videos will be out soon.

 

Photo By: Noel Orsal













Para sa buwan ng mga puso, may handog si Ms. Zsa Zsa Padilla sa kanyang mga fans, kasama ang internationally-famous musical artist-songwriter na si David Pomeranz. Magaganap ito sa February 13, starting at 8:30 p.m., sa Waterfront Cebu City Hotel and Casino. 


Dubbed The King and Queen of Hearts, ang show na ito ng Divine Diva at ni David Pomeranz ay ang pangalawa nilang pagsasama. Ang una'y ginanap noong 2007, sa Shangri-La Hotel Ballroom, sa EDSA, Mandaluyong City.

"We have an exciting show," masayang pagbabalita ni Zsa Zsa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) habang naka-break siya sa ASAP XV, where she's a mainstay. "Dadagdagan dito pati mga spot numbers, so medyo iba ito nang konti sa naunang show."

Sa kanyang website ay naka-post ang tungkol sa The King And Queen of Hearts, kung saan aawitin ng Divine Diva ang ilan sa mga kantang naging dahilan upang mahalin siya ng publiko, tulad ng "Hiram," "Ikaw Lamang," "Minsan Pa," "Mambobola," "Kahit Na," "Point of No Return," among otherspati ang ilang tracks mula sa kanyang current hit album na Unchanging Love, tulad ng "Hanggang," "Ibigin Kang Muli," at "Kung Alam Mo Lang."

For his part, David Pomeranz has prepared a repertoire that includes his well-loved hits, "Got To Believe In Magic," "Born For You," and "On This Day."

ZSA ZSA, IN RETROSPECT. Taking a break from her usually hectic schedule—her co-hosting job in ASAP XV and shooting for indie film Sigwa, a Cinemalaya 2010 entry—Zsa Zsa considers performing before a live audience a most welcome breather. Hindi na rin naman bago sa Divine Diva ang pag-awit at pagpe-perform, na tulad ng kanyang gagawin this Saturday evening, pero lagi pa ring nagbibigay ng excitement kay Zsa Zsa ang mga ganitong pagkakataon.

Hindi na rin niya maihihiwalay sa kanyang sistema ang pag-arte o ang pagiging aktres. It's no longer singing over acting for Zsa Zsa. "Before, when I was starting, yes. But not anymore," she says.  

"I think, I will, first and foremost, be a singer. That was what I wanted naman to happen.  Kumbaga, kung hindi actress-singer, e, [as] singer-actress," Zsa Zsa reiterates.

Enjoy ang Divine Diva sa parehong mundo ng pag-awit at pag-arte, including hosting and endorsing products.

Dugtong niya, "Sayang nga, e.  Kasi I was very active in singing during my early years in show business, and I wasn't able to do more films. Medyo, sabi ko nga sa loob-loob ko, 'sayang.'"

Late 1980s noong nagsimula si Zsa Zsa Padilla sa tuluy-tuloy na pag-arte sa pelikula. She did a supporting character in the Dolphy movie Mga Anak ni Facifica Falayfay (1987). Two years later, in 1989, nagsimula ang pagiging real-life partners nila ng Comedy King. Nagkaroon din si Zsa Zsa ng bit role sa pelikulang Disco Madhouse ni direk Maryo J. delos Reyes.

Hindi nagtuluy-tuloy ang movie career ni Zsa Zsa dahil nag-focus siya sa pagkanta, kasama ang sumikat na grupong Music and Magic, doing lounge acts.

That was in early '80s, na naging markado ang pagsikat ni Zsa Zsa matapos makilala rin sa larangan ang tatanghaling Pop Diva na si Kuh Ledesma. Kasunod nito ay ang pagsikat din ng magkaribal na sina Gary Valenciano at Martin Nievera.

Mula sa pagiging support sa pelikula, naging acknowledged box-office star si Zsa Zsa Padilla sa pagpasok ang '90s, bilang kapareha ng tinanghal na Box-Office King na si Joey de Leon sa Starzan series, na nagpasikat din sa yumaong comedian na si Rene Requiestas.  

"In the '90's, I also gave a couple of years for my family," patuloy ni Zsa Zsa.  "I gave birth to Zia in 1991 and I adopted another girl, so, naging busy din."

At that time, lumalaki na rin ang kanyang eldest daughter na si Karylle (by a previous marriage), na ngayo'y kilala na ring singer at aktres. 

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name