Mula sa isang PEPster, na nagpakilala sa PEPster I.D. na "shyspy," ay nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng dalawang litratong nagpapakita kina Shaina Magdayao at John Lloyd Cruz na magkasama.
Ayon sa PEPster, nakunan ang litrato noong Sabadong nakaraan, Pebrero 6, sa isang bike store sa Makati City. Bumibili raw ng bicycle parts si John Lloyd noon. Si Shaina naman ay mukhang sinamahan lang ang aktor sapagkat wala namang nakitang binibili ito.
Nagpakuha pa ng litrato sina Shaina at Lloydie kasama ang isang fan (inset). Tinanggal lang ni shyspy ang fan sa litrato dahil private person daw ito at baka mas shy pa ito kay shyspy.
Ayon kay shyspy, nakuha niya ang mga litrato mula sa isang "superclose friend" niya, na nagkataong naroon din sa bike store at siya mismong nag-click ng camera. Sa aming pananaliksik, ang bike store ay ang Sabak Sports and Adventure Store.
BAKIT HOT ANG LITRATONG ITO? Si John Lloyd kasi ay lumalabas na Box Office King ngayon ng Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN. Ang pinakamalaking pelikula ng Star Cinema noong 2008 ay ang A Very Special Love (P180 million gross, sabi mismo ng film outfit at ng co-producer Viva Films), kung saan ang leading man ay si John Lloyd Cruz. Noon namang 2009, ang pinakamalaking pelikula nito ay ang You Changed My Life (P240 million ayon pa rin sa Star Cinema at co-producer Viva Films), kung saan si John Lloyd na naman ang male lead.
Ang You Changed My Life nga raw, sabi ng Wikipedia, ay ang unang Filipino movie na naka-break sa P200million barrier. Kaya walang pasubali, importanteng star si John Lloyd.
Sa gayo'y inaabangan ang mga kaganapan sa buhay ng binata—na mukhang makulay nga. Hindi pa man natatapos ang three-year relationship nito with top stylist Liz Uy, na-link ito sa dating beauty queen, actress at TV host na si Ruffa Gutierrez, na kaibigan ni Liz at kapatid ng barkada ni Liz na si Raymond Gutierrez.
Nakunan pa sina Ruffa at John Lloyd na papasok sa isang Beverly Hills hotel bandang June 22, 2009, na unang lumabas sa PEP noong June 30. Inamin din sa TV ni Ruffa na sila nga ang nasa litrato; si John Lloyd ay hindi naringgan ng pahayag.
Matapos ng mga walong buwan, nabalita namang wala na ang aktor at si Ruffa, at na-link naman ang aktor sa isang non-showbiz girl. Ngunit di naglaon, mas naging maingay ang balitang nagugustuhan ni John Lloyd ang batang aktres na si Shaina Magdayao, na nagkataong kabi-break lang sa boyfriend nitong si John Prats. Dahil nagtagal din ng two years sina Shaina at John Prats, nagkaroon ng haka-hakang ang naging third party sa kanila ay si John Lloyd. Nagkataon pa, ang tatlong stars ay mina-manage ng iisang outfit, ang Star Magic.
Ngunit tigas-tanggi sina Shaina at John Lloyd na sila na ngayon at na may kinalaman si Lloydie sa breakup nina Shaina at John Prats. Sa magkahiwalay na appearances sa iisang episode ng The Buzz, nagsalita sina Shaina at Lloydie.
John Lloyd (Feb. 7): "From my end, as far as I know and as far as I'm concerned, talagang wala po tayong kinalaman. And my being friends with Shaina now has nothing to do with their breakup. Alam ni Shaina iyon, alam ni John iyon. Wag na sanang i-push ang isyu."
Shaina (Feb. 7): "Walang third party."
Ang interview na ito ni Shaina, ayon kay PEPster shyspy, ang siyang nagtulak sa kanyang i-email sa PEP ang nakalap niyang mga litrato nina Shaina at Lloydie. Ang mga ito raw ay patunay na meron ngang "something" sa pagitan ng dalawang Kapamilya stars.
Gusto namang magpasintabi ng PEP, na kung meron mang "something" sa dalawa ngayon, hindi automatic na si Lloydie ang dahilan ng breakup nina Shaina at John Prats. Kapani-paniwala rin naman kasing nag-break up na sina Shaina at John Prats bago pa pumasok si Lloydie sa buhay ni Shaina.
Ngunit para matapos ang mga sapantaha, agad na kinontak ng PEP ang PR ng Star Magic na si Thess Gubi, upang hingan ng pahayag ito. Ayon naman kay Ms. Thess, wala pa silang nakukumpirma kina Shaina at Lloydie, although nagde-date daw ang dalawang artista "in groups." Babalikan na lamang daw niya ang PEP kapag may sasabihin na sila tungkol sa two young stars.






hindi ko nagwowork sa abs. tingin ko lang siya kasi parang siya yung tinutukoy ni queenkimz. alam ko naman na alam mo kung sino tinutukoy ko. wag mo na lang sabihin dito. =
Throughout the country, ABS-CBN is still the undisputed national leader with its overall 2009 performance of 45 audience share vs GMA’s 34 as it also exhibited a runaway leadership in Luzon areas outside Mega Manila with 49 audience share against competition’s 32; in Visayas with 62 vs. 22; and in Mindanao, where it trashed its competitor, 70 vs 15.
mukhang ikaw ang nagtatrabaho sa abs eh... mabuti ka pa alam mo sino ang girl....CLUE naman dyaan....haha
wrong!!! secret siya.. hehehehe pero hindi talaga si toni..
peace tayo.....pero hindi ako nagwowork sa kahit anong network lalong lalo na ang ABS..... at wala akong alam...chismosa rin aketch gaya niyo......haha
TONI GONZAGA?
bukod dito sa bike shop, meron pa ba silang ibang pinuntahana? kasi diba ang shopping more than one store ang pinuntahan...eh dito parang bumili laang ng parts....parang nag dissolve na sila sa bike shop....nature na natin mga pinoy na pag meron tayong na spotan na magkakaroon tayo ng interes...sisilip pa tayo kung saan ang susunod nilang pupuntahan? pagkatapos ba nito umuwi na? sumakay sa kotse? isang kotse ba? mga gay-on laang na papasok na tanong......sorry...medyo dili ako kasi familiar sa shopping...akala ko kasi pag shopping....medyo madami kang papasukin or pupuntahan....
i dont even think it wud hav a great impact on jlc's movie w/ bea... coz pinapanood nman c jlc khit cnu kapartner nia bcoz he's a gud actor... hindi nman binibili ang mga pelikula nia, lalo na with bea... bcoz pipol beliv dat dey can be romantically involved w/ each other...
nman!
kung wala naman kasi...wala akong makita na dahilan talaga na kailangan itago....
So what...kung lumalabas....tao rin yaan mga yaan...may mga kaibigan.....
normal laang na lumabas.....at normal laang din may makakita sayo at walang masama na may makakita at magpapiktyur.
pov ko rin.haha
hindi po lahat ha....sa palagay ko naman wala rin naman masama magbigay ng mga opinyon...after all they allowed us to comment.... kaya okay laang din siguro na merong mga pang pa SPICE ng buhay poster...nasa sayo na laang yaon kung gaano mo ipagtatanggol ang idolo mo....at kung hindi naman foul yaong mga sinasabi, ok laang naman siguro...as long as walang below the belt....just my two cents...
kahit nga JLC-POKIE pa yaan wala pa rin talagang masama....walang masama....wala wala wala....hahaha