Mark Escueta coaches girlfriend Jolina Magdangal how to handle criticism

Rose Garcia
Thursday, February 25, 2010 @ 03:31PM  |  28704 views

 

"Sabi ko sa kanya, kahit anong criticism, kahit maganda pa 'yan, tingnan niya kung may laman, kung may substance. Kahit pangit, kung may sense naman, makakatulong sa kanya yun," says Rivermaya drummer Mark Escueta about the negative comments that girlfriend Jolina Magdangal gets on her new look.

Photo By: Noel Orsal













Magkasamang dumating si Jolina Magdangal at ang boyfriend niyang si Mark Escueta sa 10th anniversary celebration ng YES! Magazine last Tuesday night, February 23, sa NBC Tent. Pagpasok nila ay agad silang pinagkaguluhan ng media na nag-aabang sa lobby.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung ano ang naging reaction niya noong una niyang makita si Jolina with her new look. Nagkaroon kasi ng malaking pagbabago sa look ni Jolina kasabay ng pagbabago rin niya ng image.

"Sobrang biased ako, siyempre," nakangiting sabi ng drummer ng Rivermaya. "Sabi ko lang sa kanya, basta enjoy mo lang ang 20th anniversary mo. Siyempre, natutuwa rin ako na nandiyan si Perry Lansigan [Jolina's new manager], sobrang supportive sa kanya at yung buong PPL [Entertainment]. Kita mo naman, sabay-sabay sila ngayon, nakakatuwa. At saka ang dami nilang projects na nakapila for this year. 

"Sa mga nagugulat, yun yata ang point, e, talagang manggulat muna. Pero for the rest of the year, ang dami pang mangyayari," sabi pa ni Mark.

Ano naman ang masasabi ni Mark sa mga negative reactions and comments na nakukuha ni Jolina sa kanyang bagong look?

"Sabi ko sa kanya, parang sa music din 'yan. Hindi naman kami naging musician para ma-please lahat ng tao. So, sabi ko, importante, mahal mo ang ginagawa mo at saka nag-e-enjoy ka. Meron talagang kanya-kanyang opinion 'yan, e."

Hindi ba siya nasasaktan kapag may naririnig o nababasa siyang puna tungkol kay Jolina?

"Sabi ko sa kanya, kahit anong criticism, kahit maganda pa 'yan, tingnan niya kung may laman, kung may substance. Kahit pangit, kung may sense naman, makakatulong sa kanya yun. So, not all. Bad criticism should not affect her in a negative way," sabi ni Mark.

SA SIMBAHAN DIN ANG TULOY. Sa hiwalay na interview ng PEP kay Jolina, sinabi niyang tila ready na siya sakali mang mag-propose si Mark sa kanya any time. So, we asked Mark kung wala pa ba siyang planong mag-propose ng kasal kay Jolina?

"Marami pang plano bukod dun," sagot  niya. "Siyempre, hindi naman kami nagmamadali, pero yun talaga ang goal. So, I think, important yun. Madali naman sabihin, pero siyempre, lahat ng mangyayari, dapat nasa ayos. Dapat masaya lahat ng tao sa paligid namin at, siyempre, dapat prepared kami."

Si Jolina na ba talaga ang babaeng gusto niyang pakasalan?

"Oo naman...oo naman," sabi ni Mark. "Walang doubt about that. Siyempre, ine-enjoy na rin ang papunta dun. Masaya rin."

Ayon kay Mark, hindi raw nila parehong alam ni Jolina kung kailan eksakto naging sila.

"Hindi namin alam ang exact date. Parang nag-develop na lang from friendship, so more or less, one year," sabi niya.

How would he describe their time together?

1  2  Next »

Related Articles

95 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name