James Yap says marriage with Kris Aquino is still going strong


 
"Sana ipagpatuloy natin ang love, love, love," said James (left) on Startalk, addressing wife Kris (right). "Kasi, sa lahat ng trials na pinagdaanan namin, nandito pa rin kami, ipinaglalaban yung love namin."
 

James Yap says marriage with Kris Aquino is still going strong

Rose Garcia

Rating

Nakausap ng Startalk sa presscon ng Sun Life Financial Philippines ang cager na si James Yap, kasama ang anak nila ni Kris Aquino na si Baby James.  Silang mag-ama kasi ang endorsers ng Sun Life. 

 

Sa panayam ni Ricky Lo kay James, ikinuwento nito kung ano ang nangyari sa asawa nang madulas ito at ma-confine sa ospital ng ilang araw.

 

Tulog na raw si James nang maaksidente si Kris.

 

"Naligo siya sa banyo, around 3 o'clock in the morning.  Nagbabasa yata siya, e, tulog na ako that time. Tapos, buti narinig ko siya noong napasigaw siya. Nadulas nga raw siya, ang sakit daw noong tinanong ko kung ano ang nangyari sa kanya."

 

Itinakbo ba niya kaagad si Kris sa ospital pagkatapos ng nangyari?

 

"Hindi pa... natulog pa siya. Bumili pa siya ng gift sa friend namin kinabukasan. So, ngayon, nahilo talaga siya, umuwi siya. Tinawagan niya yung doctor, si Doc Ayen, sabi niya, 'Doc, puwede bang pumunta ka rito?' Tapos, kinuhanan siya ng BP [blood pressure].

 

"Alam mo ang BP niya, 180/100. Kaya siya nahihilo rin. So, yun, na-confine siya. After ng game ko, nagulat na lang ako na nandun na siya sa hospital. After ng game, hindi na ako naligo, bihis na at takbo na ko run."

 

Maayos na raw ang kalagayan ni Kris ngayon.

 

BABY JAMES. Pinag-usapan ba nilang mag-asawa ang gagawing commercial ni James at Baby James?

 

"Oo, pinag-usapan namin. And una niyang sinabi sa akin, 'Gusto kong makita yung board kung ano.' First time kasi kaming magkasama. So, nakita niya yung message ng board, kumbaga, kung ano talaga, so, sobrang excited siya na, 'O, sige, gawin na natin 'to.'"

 

Ano ang gusto niya para kay Baby James paglaki, TV host like mommy or basketball player like daddy?

 

"Kung ako ang tatanungin mo, player. Ako, nakarating ako rito, nakapag-aral ako nang libre, naging athlete ako, malaking bagay talaga. Pero kung pipilitin ko si Baby James na maging ganito, 'Mag-basketball ka,' pero ayaw niya naman, 'E, di mag-showbiz ka.'"

 

BIRTHDAYS. James turned 28 last February 15, isang araw bago ang 39th birthday ni Kris. Nag-private celebration ba silang na mag-asawa?

 

"Wala... wala e, gusto ko nga," natatawa niyang sagot.

 

May special gift ba sila sa isa't isa?

 

"Ako, sinurpresa ko siya. Galing siya sa Batangas noon. Umuwi siya, 14 ng madaling-araw. May binili ako, nilagay ko sa comforter niya. Nandun, nagulat siya. Kunwari tulug-tulugan ako. Binasa yung sinulat ko."

 

Ano naman ang gift sa kanya ni Kris?

 

"Camera. Noong pumunta kami ng Bangkok... advanced yun, e. Tinitingnan ko. E, medyo mahilig ako ngayon sa camera."

 

FIGHTING FOR LOVE. Hindi na siguro lingid sa karamihan ang malaking kontrobersiyang nangyari sa mag-asawa noong nakaraang buwan nang ma-link si James sa isang fan at kaibigan na nagngangalang Mayen Austria. Pero ayon kay James, going strong pa rin daw ang relasyon nila ni Kris sa kabila ng intrigang yun.

 

Sa naging isyung yun, sino sa mga kapatid ni Kris ang masasabi niyang mas nakaintindi talaga sa kanya?

 


Join us on Facebook


Pages: 1  2  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
33 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement