"Siyempre sa akin, sobrang masaya ako. At saka pinagkatiwalaan nila ako agad ng isang show, bida role kaagad. So, siyempre, sobrang masaya. At saka first time kong naano itong role na ganito," says Carl Guevarra about his first project with GMA-7.

Photo: Noel Orsal

Dear Friend Presents My Stalking Heart is Carl Guevarra's first regular show on GMA-7. Here, the former Kapamilya star is paired for the first time with Jennica Garcia.

Literally, "stalkers" daw talaga ang character nila ni Jannica sa My Stalking Heart. Carl is stalking Jef Gaitan while Jennica is stalking Marvin Kiefer. Jef and Marvin were both castaways in the second season of Survivor Philippines.

"Pareho kami ni Jennica dito na may ini-stalk. Ako naman, si Jef, who is my best friend here pero gusto kong maging girlfriend. Si Jennica naman, si Marvin naman ang ex-boyfriend niya. Tumira kami sa isang bahay. And nagulat kami, sila pala ang magpapakasal. So, parang nagkuntsaba kami. Pero yun nga, at the end, siyempre isa yun sa aabangan," kuwento ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon of My Stalking Heart kahapon, March 2, sa Eivissa Super Club sa Tomas Morato.

Dahil ito ang first project ni Carl sa GMA-7 mula nang lumipat siya from ABS-CBN, masaya siya na maganda agad ang naibigay sa kanyang project.

"Siyempre, sa akin, sobrang masaya ako. At saka pinagkatiwalaan nila ako agad ng isang show, bida role kaagad. So, siyempre, sobrang masaya. At saka first time kong naano itong role na ganito," sabi ng Be Bench winner.

Pang-summer episode ng Dear Friend ang My Stalking Heart na magsisimula nang mapanood sa March 7 ng alas-tres ng hapon. May beach scenes daw sila rito kaya may mga eksena si Carl na naka-topless.

"Yes, topless, meron talaga. Yun, abangan nila yun. Abangan nila yun kasi nag-prepare ako dito," sabi niya.

TEAM-UP WITH JENNICA. Kahit noong bagong lipat pa lamang si Carl sa Kapuso network, sinasabi na niyang si Jennica ang isa sa mga young actresses ng Kapuso network na gusto niyang makapareha. Ngayong magkasama na sila sa isang project, masasabi ba niyang natupad na ang pangarap niya?

"Yes, it's an honor for me to work with Jennica. Siyempre, one of the leading ladies ng GMA, tapos naging ka-loveteam ko agad dito sa Dear Friend. Siyempre, sobrang masaya ako," saad ni Carl

Kumusta naman ang bonding nila ni Jennica?

"Nakakadalawang taping na kami," banggit niya. "Noong first taping namin, talagang dun ko sila first na-meet lahat. Noong una, nahihiya ako sa kanila hanggang sa nagkausap-usap naman kami.

"Si Jennica, talagang supportive siya. Kinakausap niya ako. Pinapagaan niya lahat kaya nawawala rin yung pagiging mahiyain ko. Mabait siya. Minsan tinatawag niya ako, nagto-throw lines kami. Tapos minsan, sinasabi niya sa akin na huwag daw akong mahihiya. Saka minsan nagre-rehearse kami bago kami mag-take, nagkukuwentuhan."

Wish daw niyang mag-click ang team-up nila ni Jennica at masundan pa.

"Sana...sana talaga kung puwede. Pero siyempre, ako naman, kahit sinong babae sa GMA ang i-partner sa akin, okey lang. Kasi, hindi ko pa rin naman nakikilala lahat ng babae sa GMA," sabi niya.

DAIANA MENEZES. Marami nang lumabas na version ng kinahinatnan ng naging relasyon ni Carl at ng Brazilian model-TV personality na si Daiana Menezes. Pero karamihan sa mga yun ay galing sa side ni Daiana. On Carl's part, ano nga ba talaga ang nangyari sa kanila?