Tim Yap defends cousin Angelo and Roxanne Guinoo against critics

Glen P. Sibonga
Wednesday, March 03, 2010 @ 04:34PM  |  295 views

"Lahat naman sa panahon ngayon, wala nang bata, wala nang matanda, basta kung nagmamahalan sila at ready na sila. Never naman tayong handa talaga sa mga bagay na ganyan, e, di ba? Kahit gaano mo paghandaan, kumbaga, mararanasan mo yung kailangang maranasan on-the-spot na. Basta in their minds, handa sila at nandun yung mga pamilya nila para sumuporta sa kanila at patnubayan sila sa mga ganitong bagay, e, di okay lang, go!" says Tim Yap (main photo) about the decision of his cousin Angelo Elton Yap and Roxanne Guinoo (inset) to get married.

Photo By: Melo Balingit (Tim) & Noel Orsal (Roxanne & Angelo)













Ano naman ang reaksiyon niya sa bad comments ng iba na bakit nauna ang bata kesa sa kasal?

"Alam mo nangyari na kasi, e. Nandiyan na yung baby. Ang importante ay pinanindigan ni Roxanne na ituloy ang kanyang pagbubuntis at hindi siya nahiya na aminin ito. And I admire her for that. At saka handa namang panagutan ni Angelo ang nangyari kay Roxanne. So, wala na dapat maging problema. Let's just be happy for them," sabi niya.

Ang pamilya pala ni Angelo ay involved sa chemical business.

"Marami silang business actually. They also own a mall. Marami pa. But they are very low profile and very hardworking," banggit ni Tim.

Dahil may kaya nga ang pamilya ni Angelo kaya tuloy lumabas ang isyu na nagde-demand daw ang mommy ni Roxanne ng house and lot sa Yap family. Ano ang masasabi niya rito?

"I don't think gagawin yun ni Roxanne or ng mommy niya. Sa pagkakilala ko kay Roxanne, hindi niya gagawin yun," sagot ni Tim.

May mensahe rin si Tim para kina Angelo at Roxanne.

"I always see them, my blessings will always go for people na nagmamahalan. Keep the love. Spread the love."

TWEETBIZ. Dahil nga host si Tim ng Tweetbiz ay hindi nga maiwasan na mai-feature din sina Roxanne at Angelo sa kanilang show.

"Okay lang naman yun. Siyempre showbiz news 'yan, e. And Roxanne is hot news now, di ba? Dito naman sa Tweetbiz, wala naman kaming pinipili na dapat hindi ilabas 'yan kasi ganito. Hindi naman komo't pinsan ko si Angelo, e, hindi na namin idi-discuss yung isyu sa kanila ni Roxanne. Professional naman kami and it's part of the job. Fair naman kami dito sa Tweetbiz, e," saad niya.

Aminado nga si Tim na nag-e-enjoy siya sa pagho-host ng Tweetbiz.

"Masaya kasi marami akong nalalaman. Nagiging updated ako sa mga happenings sa showbiz. At saka masaya kasi enjoy kasama yung mga kasama namin dito. Tawa lang kami nang tawa. Every time na dadating ako sa studio, it's so relaxing kasi alam mo yun, rundown lang ng mga happenings sa showbiz," sabi ni Tim.

Isa sa mga Tweetmosos-in-chief si Tim along with Mr. Fu at Sam YG. Kasama rin nila sa show ang mga paparazzi na sina Gorgy Rula, Ron Carrasco, Sebastian, Danzen Santos, at Survivor Palau's Justine Ferrer.

"As Tweetmoso-in-chief, ang role ko talaga is to moderate. Kasi para sa akin talaga, ang star ng show yung mga topics na pinag-uusapan at saka yung mga paparazzi kasi sila yung nagde-deliver ng news. Yung role namin is to chose the stories to go on the board. Ano ba yung swak o ligwak? Ang role ko is more of a moderator. Kung moderator ka, you'll really listen sa mga nangyayari. You'll really listen to the reporters reporting their stories."

How is it working with Mr. Fu and Sam YG?

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

37 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name