"Pupunta kami sa Bukidnon sa March 19 to 21. Tatawagin namin itong A Trek To Remember. Magdadala kami ng school supplies sa mga pupils sa elementary school doon, tulad ng ginagawa namin every year bago mag-start ang classes. Sana nga makasama kayo sa amin," panghihikayat pa niya.
RIMA OSTWANI. Inusisa naman ng PEP si Diether tungkol sa nasulat na nagkakalabuan na raw sila ng girlfriend niyang si Rima Ostwani. Ayaw sumagot noong una ni Diet, kaya sabi namin, kapag hindi siya sumagot, ibig sabihin nito ay totoo ang balita.
"Ganito na lang... Dumadaan talaga ang isang relasyon sa mga pagsubok, normal lang 'yon sa isang relasyon. I'm hoping for the best. Siya pa rin ang nasa puso ko," sabi ni Diether.
Pero sila pa rin ba hanggang sa ngayon?
"Mas mabuti na yung ako ang umiyak kesa ako ang magpaiyak," matalinghagang sagot ni Diether, pero hindi na siya nag-elaborate pa.
Dagdag na lang niya, "She still works with Rustan's at wala pa naman siyang sinasabi sa akin na papasukin na niya ang showbiz. But it's true, kinuha niyang manager si Tito Boy [Abunda]."
KRISTINE-OYO RUMORED WEDDING. Hiningan din namin ng pahayag si Diether sa balitang ikakasal na raw ang dati niyang asawa na si Kristine Hermosa sa boyfriend nito ngayong si Oyo Sotto.
"Congratulations na lang sa kanilang dalawa!" nakatawang sagot ni Diether.





You are so malabo naman in your answer.
I don't know about you folks but I am irritated in that kind of guessing game attitude... remember. their life in showbiz is an open book.