Angel Locsin excited to work with Aga Muhlach and John Lloyd Cruz

Melba Llanera
Saturday, March 06, 2010 @ 10:37PM  |  196 views

 

"Hindi naman kailangang laging nasa TV ka. Exposed ka nga, pero hindi naman ganun kagaganda yung projects mo, parang sayang lang ang gagawin. Dito, sobrang nag-e-enjoy talaga ako. Kahit medyo matagal yung paghihintay ko, okey lang kasi worth it talaga yung mga projects na excited talaga akong gawin," says Angel Locsin.

Photo By: Paul Mata













After her first two-year contract with ABS-CBN ended, Angel Locsin signed up for another two years with the Kapamilya network. Under this new contract and with a new manager, Ethel Ramos, Angel's first two projects will pair her with premiere ABS-CBN stars Aga Muhlach and John Lloyd Cruz.

"Nakaka-two years na pala ako sa kanila. Parang ang bilis ng mga pangyayari. Heto pipirma uli ako para masimulan na yung movie ko with Kuya Aga and yung teleserye namin ni John Lloyd," banggit ni Angel nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naging kuntento at masaya naman daw si Angel sa mga proyektong ginawa niya sa unang dalawang taon niya sa ABS-CBN. Nakagawa siya ng dalawang teleserye (Lobo at Only You) at isang pelikula (Love Me Again) para sa Star Cinema, bukod pa rito ang ilang TV guestings gaya ng ilang episodes sa drama anthology na Maalaala Mo Kaya

"I can say na dito [ABS-CBN] ako nakilalang aktres," deklara ni Angel. "Dati pag mga awards night, hindi naman ako tinatawag. Tapos dito, kahit papaano natuto akong mas maging serious ka sa craft mo. Basta ako, mahal ko ang trabaho kong ito.

"Tuturuan ka rin nila na maging patient talaga. Kasi hindi naman kailangang laging nasa TV ka. Exposed ka nga, pero hindi naman ganun kagaganda yung projects mo, parang sayang lang ang gagawin. Dito, sobrang nag-e-enjoy talaga ako. Kahit medyo matagal yung paghihintay ko, okey lang kasi worth it talaga yung mga projects na excited talaga akong gawin."

JOHN LLOYD & KOKEY. Isa na rito ay ang fantaserye niya with John Lloyd, at masayang ikinuwento ni Angel ang matitinding preparations na ginagawa niya para rito.

"Di lang kasi siya basta-basta acting workshop kasi isa siyang fantasareye.  Di siya normal na acting lang, basta may twist sa story na kailangan ng workshop sa acting. Tapos martial arts, harness at kung ano pa ang i-request ng director namin," saad niya.

Isa rin sa nakalinyang gagawin sana ni Angel ay ang Kokey@Ako, pero may usap-usapan na hindi na raw matutuloy dito ang aktres.

"Actually sa Kokey, hindi ko talaga alam kung ano ang nangyari," sabi ni Angel. "In-ask na rin ako ng management na kailangan ko nang simulan yung movie namin ni Kuya Aga, tapos yung sa amin ni John Lloyd. 

"Hindi ko alam kung kasama pa ako sa Kokey. Parang sayang lang kasi gusto kong makatrabaho si Direk Wenn [Deramas] saka si Vhong [Navarro], pero siyempre kailangan ko ring sundin ang management kung ano ang nakasulat sa timetable nila."

NEW MANAGER. Kinumusta rin namin kay Angel ang relasyon nila ng bago niyang manager na si Manay Ethel at kung may komunikasyon pa sila ng dati niyang manager na si Becky Aguila.

"Okey naman kami ni Manay Ethel," sagot ni Angel. "Nagsisimula pa lang kami, parang getting-to-know stage pa lang kami. Pero so far, okay naman kami. Very honest, professional... Open naman sa akin si Manay. Kumbaga, wala pa naman kami nagiging problema. She's very motherly, napakabait.

"Kami naman ni Tita Becky, nagte-text kami, pero di pa kami nagkikita.  Wala namang issue sa amin."

LUIS MANZANO. Sa naunang panayam kay Angel ay sinabi niyang pinahihinto na niya ang sobra-sobrang effort ng ex-boyfriend niyang si Luis Manzano para magkabalikan sila. Pero sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Luis na hindi siya nadi-discourage lalo pa't gusto niya ang ginagawa niya. Sinabi rin ni Luis na gusto niyang bumawi sa mga naging pagkukulang niya kay Angel. (CLICK HERE to read related story.)

"Okey naman kami ni Luis, nag-uusap naman kami," ang reaksiyon dito ng aktres. "Ang sa akin kasi, wala pa akong dapat sabihin sa kung anuman, kasi kami ni Luis, we're okay, we're happy. Siguro ibigay n'yo na lang sa amin yun. Kung magiging kami, magiging kami. Pero hindi naman kami nagmamadali, hindi naman kailangan na maging kami agad. Wala kaming itinatago. Hindi ganun kadali ang mga bagay-bagay.

1  2  Next »

Related Articles

633 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name