<strong>PEP EXCLUSIVE: </strong>Luningning, Mariposa, and Milagring break silence about resignation from <em>Wowowee</em>


 
(From left) Luningning, Mariposa, and Milagring grant an exclusive interview with PEP to clarify reports about their resignation from Willie Revillame's noontime show.

PEP EXCLUSIVE: Luningning, Mariposa, and Milagring break silence about resignation from Wowowee

Roldan Castro

Rating

"Sa part na 'yan, wala po kaming sinisisi," sagot ni Mariposa. "Pareho po silang nakatulong sa amin. Mentor din namin si Tita Anna. Naging second mother po namin siya. Wala po kaming sinisisi. Wala kaming sinabing against kay Tita Anna kahit saang diyaryo. Wala kaming comment na bad sa kanya, wala kaming comment na bad sa Wowowee."

 

Dagdag niya, "Ang intensiyon namin kaya kami umalis ay gusto talaga naming mag-move on. Gusto naming kumita ng mas angat pa. Kumbaga, puwede namang kumita pa kami dahil may pamilya naman kaming sinusuportahan. Hindi naman habang panahon, nandiyan lang kami. May mga bagong dumarating. Sabi nga nila, tumatanda ka na, kailangan mong mag-grow. Pana-panahon lang 'yan. Tama yung sinabi ni Luningning na give chance to others. Naggi-give way lang naman kami. Hindi naman kami selfish."

 

Nang subukan ng PEP na kunan ng kanyang panig ni Anna Feliciano tungkol sa isyu ay isang taong konektado sa Wowowee ang nagsabi sa amin na wala na sa show ang talent manager at choreographer.

 

INSECURITY. Isa sa mga isyung ibinabato kina Luningning, Mariposa, at Milagring ay umalis raw sila sa Wowowee dahil nai-insecure daw sila sa Kembot Girls at Amazona. Mas nabibigyan daw kasi ng exposure ang mga ito kesa sa kanila. Totoo nga ba ito?


"'Yan naman po ang hindi totoo dahil mahal na mahal namin ang mga kagrupo namin, mapa-Kembot o ASF dancers," mariing tanggi ni Milagring. "Iisa ang pinagmulan namin, e. Lahat 'yan ay tinutulungan namin. Kung may problema sila, kami yung ate nila. Lagi kaming nandiyan as ate nila."

 

Pero nasaktan ba sila dahil nadiskubre nilang mas mataas ang talent fee ng Kembot Girls sa kanila samantalang nauna sila sa Wowowee? Isa ba yun sa dahilan ng pag-resign nila?

 

"Nakaapekto rin," pag-amin nila. "Siyempre, matagal na kami dun. Kaya lang, nakikita rin namin na deserving din naman sila para sa ganoong budget."

 

Hindi rin daw nila nagawang ipaglaban ang TF nila, bagkus ay nanahimik na lang sila at umalis sa show.

 

"Kumbaga, kung ano lang ang ibinigay sa amin, tahimik kami," sabi ni Luningning. "Masaya kami sa ginawa namin. Treatment lang siguro. Na-shock lang siguro na bakit ganun ang budget nila? Bakit hindi pantay?"

 

Dagdag ni Mariposa, "At saka yung pag-alis namin, biglaan. On the spot. Parang may pumitik sa amin, 'Halika na, uwi na tayo.' Parang ganun. Tama na siguro ito. Napagod din kami."

 

THE SACRIFICE. Ano ang feeling nila na parang sila ang nagsakripsiyo kaya gumanda ngayon ng treatment at exposure ng Kembot Girls at ASF Dancers sa Wowowee?

 

"Wow!" bulalas ni Mariposa. "Siyempre, para sa amin, good news yung ganun. Kahit kami na yung nagsakripisyo, may natulungan pala kami at marami kaming natulungan sa desisyon namin. Hindi namin ini-expect na yun pala ang way..."

 

Hindi ba sila nanghinayang na kailangan pa silang mawala sa show para gumanda ang treatment sa mga kasamahan nilang dancers?

 

"Okey na rin yung kaming tatlo ang nag-sacrifice," ayon kay Luningning. "Kasi kung tutuusin, kami namang tatlo yung mas maraming raket kesa sa kanila. Kahit papaano, meron kaming konting ipon, sila wala pa. So, okey na rin yung nangyari."

 

Pero bakit may lumabas na report at na-quote pa si Milagring na "nababastos" na sila sa Wowowee?

 

"Siguro...natural...naging emosyonal lang siguro ako," sagot niya. "Pero actually, wala naman akong ibig sabihin dun. Initial reaction lang yun, parang ganun. Siyempre, ang tagal-tagal din namin sa Wowowee, nasaktan lang din kami."

 

Saan sila nasaktan? Dahil nagmumukha silang back-up dancers na lang ng Kembot Girls?

 

"Ay, hindi, okey lang na maging back-up kami," sabi ni Milagring. "As in back-up na nga kami. Dun naman kami nag-start. Wala na rin namang problema. Kumbaga, bugso na lang ng damdamin. Minsan kasi ganun tayo, di ba? Pabigla-bigla, pero wala naman talagang ibig sabihin."

 

Pero may tampo ba sila kay Willie Revillame?

 

"Sa amin naman kasi, wala kaming iniisip na negative," sabi ni Mariposa. "Wala kaming negative intention. Sa amin kasi, for good talaga yung gusto namin gawin. Yung tampo-tampo, hindi naman natin ikakaunlad 'yan, yung mag-away-away lang. Hindi kami nagtatampo kay Papi. Hindi kami nagtatampo kay Tita Anna."

 

Ayon naman kay Luningning, "Wala, sobra naman ang naitulong niya. Nag-start sa akin, e! Unang-una niya akong ipinakilala sa lahat ng tao. Sobrang tulong na rin ang naibigay niya sa akin na makilala as Luningning na bigay ni Direk Bobot [Mortiz] ang pangalan ko."

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  3  Next »

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
111 Comments
page    1    2    3   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement