Hindi apektado si Ruffa Gutierrez sa balitang nag-uugnay kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Matapos makuhaan ng picture ang dalawa sa isang bike shop (LINK HERE), namataan naman ang dalawang Star Magic talents na nag-shopping noong Friday, March 5, sa Shangri-La Mall, Edsa Ave., Mandaluyong.
Sabi ng eyewitness, bitbit ng 26-year-old actor ang mga ipinamili nila ni Shaina. Gandang-ganda rin daw siya sa simpleng suot na blouse and shorts ng 20-year-old actress.
Ang reaksiyon ni Ruffa sa recent sighting: "We're still friends pa naman. We still keep in touch. Kahit saan ako magpunta, Kahit saang network, hindi mawawala yun. Walang balikan dahil wala naman kaming inaamin na naging kami."
Matatandaang naging usap-usapan noon ang rumored affair nina Ruffa at John Lloyd, na dalawang beses na nakitang magkasama sa U.S.
Alam ba ni Yilmaz Bektas ang balita tungkol sa kanila ni John Lloyd?
"Naku, huwag niyo na banggit-banggitin," pag-aalala ng host-actress. Dugtong ni Ruffa, Well, nakaka-stress, ha..."
YILMAZ'S VISIT. Sa buwan na ito, bibisita raw sa Pilipinas ang ama ng mga daughters ni Ruffa.
"Buti na lang si JL [John Lloyd], may show sa States. Perfect," pumapalakpak na sabi ni Ruffa. Hindi naman daw masama kung magkita ang dalawa, pero mas maigi kung hindi na lang.
Ang tanging hangad niya sa ngayon ay maging on good terms sila ni Yilmaz para na rin sa kapakanan nina Lorin at Venice. May respeto pa rin daw siya sa dating asawa, pero idiniin niyang hindi na siya in-love dito.
Aniya pa, "Ang importante sa amin ay ang pagpapalaki sa dalawang bata."
Susunduin ba niya si Yilmaz sa airport, at magiging exclusive report ba ito ng upcoming talk show niyang Paparazzi sa TV5?
"Let's see kung kailangan niya ng driver, padadalhan ko siya ng driver. Kayo naman, 'wag na kayong ganyan. Kakaloka," sagot ni Ruffa.
Hindi na raw niya ipinaalam kay Yilmaz ang pagsali nina Lorin at Venice sa Goin' Bulilit dahil ipinaubaya na sa kanya ang full custody sa mga bata. Ibig sabihin daw nito, lalo pa't hindi nila kasama ang Turkish businessman, she can decide for her daughters.
Dagdag pa ng non-exclusive talent ng TV5, "Mga anak naman niya ang may gusto. Hindi naman ako, in fairness...Excited talaga sila sa Goin' Bulilit."
Noong nakaraang Huwebes, March 4, nagkausap raw sila ni Yilmaz sa telepono at maganda ang naging resulta. Ayon kay Ruffa, nangako raw si Yilmaz na magbibigay na ito ng pinansiyal na suporta. Tatlong taon na ang nakakaraan mula noong i-anunsiyo ni Ruffa ang kanilang paghihiwalay, at siya rin daw ang mag-isang nagpalaki sa kanilang mga anak.






quot;That was my reply to a Facebook note wherein I was tagged. We should all check our behavior on a regular basis so that public apologies and hyper drama can be avoided. Take my quote in context please. quot; -so hindi si kris ang pinaparinggan niya ok? at walang mali sa sinabi niya. ang kakapal niyong laitin si lea.
Korek! Tayong mga pepster kahit mag-comment sa Facebook natin walang paki at walang care ang public, hindi mababalita at hindi mako-quote sa articles. But from a celebrity, ibang usapan. Perfect example: Gina Alajar.
siguradong magbubunyi ang mga tao ng bonggang bongga.