Ruffa Gutierrez says she's not affected by recent John Lloyd-Shaina sighting

Roldan Castro
Thursday, March 11, 2010 @ 08:07PM  |  60201 views

Last Sunday turned out to be the last appearance of Ruffa Gutierrez in The Buzz. A source told PEP (Philippine Entertainment Portal) that the host-actress will bid her farewell via a VTR interview.

Photo By: Nerisa Almo













Hindi apektado si Ruffa Gutierrez sa balitang nag-uugnay kina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Matapos makuhaan ng picture ang dalawa sa isang bike shop (LINK HERE), namataan naman ang dalawang Star Magic talents na nag-shopping noong Friday, March 5, sa Shangri-La Mall, Edsa Ave., Mandaluyong.

Sabi ng eyewitness, bitbit ng 26-year-old actor ang mga ipinamili nila ni Shaina. Gandang-ganda rin daw siya sa simpleng suot na blouse and shorts ng 20-year-old actress.

Ang reaksiyon ni Ruffa sa recent sighting: "We're still friends pa naman. We still  keep  in touch. Kahit saan ako magpunta, Kahit saang network, hindi mawawala yun. Walang balikan dahil wala naman kaming inaamin na naging kami."

Matatandaang naging usap-usapan noon ang rumored affair nina Ruffa at John Lloyd, na dalawang beses na nakitang magkasama sa U.S.

Alam ba ni Yilmaz Bektas ang balita tungkol sa kanila ni John Lloyd?

"Naku, huwag  niyo na banggit-banggitin," pag-aalala ng host-actress. Dugtong ni Ruffa, Well, nakaka-stress, ha..."

YILMAZ'S VISIT. Sa buwan na ito, bibisita raw sa Pilipinas ang ama ng mga daughters ni Ruffa.

"Buti na lang si JL [John Lloyd], may show sa States. Perfect," pumapalakpak na sabi ni Ruffa. Hindi naman daw masama kung magkita ang dalawa, pero mas maigi kung hindi na lang.

Ang tanging hangad niya sa ngayon  ay maging on good terms sila ni Yilmaz para na rin sa kapakanan nina Lorin at Venice. May respeto pa rin daw siya sa dating asawa, pero idiniin niyang hindi na siya in-love dito.

Aniya pa, "Ang importante sa amin ay  ang pagpapalaki sa dalawang bata."

Susunduin ba niya si Yilmaz sa airport, at magiging exclusive report ba ito ng upcoming talk show niyang Paparazzi sa TV5?

 "Let's see kung kailangan niya ng driver, padadalhan ko siya ng driver. Kayo naman, 'wag na kayong ganyan. Kakaloka," sagot ni Ruffa.

Hindi na raw niya ipinaalam kay Yilmaz ang pagsali nina Lorin at Venice sa Goin' Bulilit dahil ipinaubaya na sa kanya ang full custody sa mga bata. Ibig sabihin daw nito, lalo pa't hindi nila kasama ang Turkish businessman, she can decide for her daughters.

Dagdag pa ng non-exclusive talent ng TV5, "Mga anak naman niya ang may gusto. Hindi naman ako, in fairness...Excited talaga sila sa Goin' Bulilit."

Noong nakaraang Huwebes, March 4, nagkausap raw sila ni Yilmaz sa telepono at maganda ang naging resulta. Ayon kay Ruffa, nangako raw si Yilmaz na magbibigay na ito ng pinansiyal na suporta. Tatlong taon na ang nakakaraan mula noong i-anunsiyo ni Ruffa ang kanilang paghihiwalay, at siya rin daw ang mag-isang nagpalaki sa kanilang mga anak.

1  2  Next »

Related Articles

191 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name