Sa press conference para kay Gerald Anderson bilang bagong celebrity endorser ng Payless Pancit Shanghai products ng Universal Robina Corporation (URC), ikinuwento ng Fil-Am young actor na simpleng party lang with close friends ang ginawa niya noong 21st birthday niya, March 7.
Si Kim Chiu ang nag-set-up ng party para sa kanya, sabi ni Gerald.
"Alam ko kasing may party, pero nung umuwi ako sa bahay, nagulat ako sa set-up. Kasi hindi ko ine-expect na gano'n," sabi ni Gerald nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kasama ang iba pang miyembro ng press sa Xin Tian Di Restaurant sa Crowne Plaza Hotel sa Mandaluyong City kaninang tanghali, March 11.
Nag-set up daw si Kim ng "karaoke party" na may buffet pa. "Sabi ko nga, ano pa ang gusto mo, nagma-magic?" natatawang sabat naman ni Kim na katabi lang ni Gerald habang iniinterbyu ng press. Pero biro ni Kim, hindi raw ang party na yun ang regalo niya sa ka-love team. In fact, napag-utusan lang daw siya ng binata na gawin yun dahil busy ito.
"Ano ka ba? Sabi ko 'wag na, pero siya ang may gusto!" ganti naman ni Gerald sa biro ni Kim. "'Wag kayong maniwala...," pagkumbinsi pa ng binata sa mga kausap nilang reporters.
KIM'S REAL GIFT. Pero ani Gerald, ang talagang magandang regalo sa kanya ni Kim ay isang mamahaling Louis Vuitton bag at isang golf cart.
"Yung LV bag, hindi ko gagamitin dahil napakaganda. Pero yung golf cart, gagamitin ko yun," sabi ng binata.
Ito ba ang pantapat ni Kim sa pink car na niregalo naman ni Gerald sa dalaga noong kanyang debut?
"Ngayon kasing 21 na siya, wala pa akong pamalit na regalo dun sa pink na sasakyan, siyempre, sobrang ibang gift dapat. Nag-isip nga ako debut niya rin, e. So, yun na lang, kasi lagi siyang umiikot sa village nila, ganyan, nakamotor. Para maiba naman, golf cart naman, kahit na wala siya sa golf course," paliwanag ni Kim.
Pasalamat daw sina Gerald at Kim na kinuha sila ng URC bilang endorsers ng mga produkto nila. Hindi naman daw inirekomenda ni Kim si Gerald. Kusang kinuha raw ng kumpanya ang binata.
"Nagulat lang din kami. Sabi nila, pinili nila si Gerald kasi, parang, spicy-spicy, gano'n."
MELASON FOLLOWS KIMERALD. Napunta ang usapan sa pagkukumpara raw ng mga fans ng Melason (Melai Cantiveros-Jason Francisco) sa kanila. Hiningan sina Gerald at Kim ng reaksiyon ukol dito.
"Nakakatuwa sila. Very natural sa isa't isa. Nakaka-relate ang mga tao na tunay ang nararamdaman nila sa isa't isa. Ang cute nilang tingnan. Lagi silang nag-aaway, pero nagtatawanan pa rin sila. Nakakatuwa talaga sila," nangingiting sabi ni Gerald.
Ayon naman kay Kim, "Maganda ang relationship nila. Si Jason yung ganyan-ganyan [parang maharot], si Melai naman, 'Uy, wag kang gano'n!' Nakakatuwa silang tingnan. Kahit nakakatawa, hindi sila nagtatawanan. Parang natural lang talaga sila."
Basta galing daw ng Big Brother House, susuportahan nila. "Gusto rin naming maranasan nila, kung ano yung naranansan namin at mga blessings na natanggap namin," dagdag pa ni Gerald.






lyk Sarah..
kc dba nman in real lyf c Kim lng nman tlga ang luv n ge..
kya ok lng qng my iba in screen..
pero sosyal tlga nla a..
hehe
sn kya mkkhnap ng mgbbgay sken ng car??
ung black..
kht bike n rn lng..
hahahaha
asa p...
s mga haters jn..
get lost..
kht anung gwin niu nd mkkapekto yn s million fans ng KimErald...
bLeeHHH!!!!!!!!
Hindi talaga mapantayan ang sizzling chemistry onscreen ng tandem na ito - ang kanilang fandom ranges from 2years to 90 years old; mapababae, lalaki, bata, matanda and all ages inbetween. Sila talaga ang hottest loveteam na may track record na toprating teleseryes at blockbuster movies! More, more, more Kimerald projects, pls.!!!!!!
Paano sila maggrow kung ipartner lang din sila sa mga baguhan. Para bang ginamit lang sila para sumikat ang mga manok ng ibang movie cos. kung itutuloy yong mga nirereto ng ilang pepsters dito.
wag naman i compare kay melason. heller? ang OA kaya nang melason na yan!
EZ-GO golf cart cost 18,000AUD X 40php = 720,000 pesos 4 seater
i lab it..
galante preho..
hahaha
MelAson and KimErald Rules!!!!!!!!!
Kim and Gerald, the FPJ-Susan Roces in the making!!!
Dahil binigyan ni Kim si Gerald ng ganyan, naku, mauuso yan sigurado. hehe!
nakakatuwang makita ang pag-unlad ng dalawang ito.
'Wag magbabago. Malayo pa ang mararating nyo.
Congrats KIMERALD!!!
on the average from 7,000 to 15,000 dollars up to 90,000 max depending on the features. price varies whether electric or gas.
Einstein_1
March 12, 2010
11:27 AM
kung flop ang movies ng kimerald, ANO PANG TAWAG MO SA MOVIE NG ALKRIS AT NI MARIAN?
pakisagot plsssssssssssssssss
Huwag mong maliitin ang endorsements - nakakatulong ang mga ito sa Kimerald sa kanilang mga tinatamasa ngayon; likas din silang generous kaya marami silang natutulungan. Sana happy na lang tayo sa success ng kapuwa natin para everybody happy at inspired but believe what you want to believe. Mahirap kasi mangumbinse. Ako bilib ako kina Kim and Gerald--mababait na bata na may munting pangarap na natupad kasi nanalig sa Diyos,nagtrabaho ng husto, walang inaapakan,pinagbuti ang trabaho, at magpakumbaba. Hindi ba natin sila palakpakan at tularan? Saludo ako sa inyo, Kim and Gerald! Ipagpatuloy ang kabaitan!