Singer-composer Yeng Constantino ventures into hosting


 
"Parang na-feel ko lang po na gusto ko namang gumawa ng ibang bagay than the usual na ginagawa ko. Parang wala na po kasing challenge kasi alam ko na ang gagawin ko. Gagawa lang po ako ng kanta, e, mula bata pa po ako, yun na ang ginagawa ko," says Yeng Constantino about hosting Music Uplate Live.

Singer-composer Yeng Constantino ventures into hosting

Rose Garcia

Rating

"Sinabi lang po ng boss ko, si Ms. Annabelle Regalado, 'You know what Yeng, just be yourself. As you are. Kung paano ka namin nakikita and as how you talk kapag kaharap mo kami.' Ganun lang.  So, no pressure because I know, hindi naman ako kailangang mag-pretend to be someone."

 

INSOMNIAC. Wala raw problema kay Yeng kahit late night or midnight dahil after pa ng evening news ang pasok niya sa ere, which is around past 12 midnight.  Yung mga oras daw na yun ay madalas na gising na gising pa siya at nagpe-Facebook daw kung wala siyang work.

 

"Ngayon, 'eto ang matatawag ko na pagpupuyat na may sense. Kasi, may insomnia ako, e. So, every night, makikita ako ng mga friends ko, nasa Facebook lang ako. Kumakain ako ng french fries. Three a.m., kumakain ako ng pritong galunggong. Ganun po!" natatawa niyang kuwento.

 

Dagdag ni Yeng, "Actually, meron din pong page ang facebook at puwede silang magtanong sa wall namin."

 

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Twenty-one na si Yeng, pero hindi pa rin daw siya nagkakaroon ng romantic relationship sa totoong kahulugan nito na may solido siyang karelasyon. Yung episode daw with RJ Jimenez ay hindi naman natuloy dahil bata pa raw siya, hindi pa puwede at pinagbawalan siya ng father niya.

 

Paano kung ligawan siya ulit ni RJ?

 

"Ay, hindi na po. Wala na po. Magkaibigan na lang po," sagot ni Yeng.

 

Pero ngayon daw, kung magkaroon man siya ng boyfriend, okay na raw sa tatay niya.

 

"Nakikita kong parang may sinasabi ako sa kanyang crush ko. Unlike before na parang bata ka pa. Ngayon, parang, 'O, ano naman ang ano niya?' Parang mas open na siya."

 

Kapag nakikita niya ang kanyang co-hosts sa ASAP na mga in love, ano ang napi-feel niya?

 

"Parang ano, abnormal ba ako?" natatawa niyang sabi. "Pero hindi naman sa nagpapakaperpekto ko, pero sa tingin ko, ganito lang talaga ako. Kapag tinitingnan ko pa rin ang values ko, ganun talaga ako. Hindi ko kailangang magka-relationship para mag-fit in or gusto ko lang na pareho ako sa kanila. Siguro kung magbo-boyfriend ako dahil mahal na mahal ko yung tao."

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
21 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement