Dugtong pa ni Yeng, "If you're willing to do something at mag-excel dun sa work mo, kahit magmukha kang sira, pinapraktis ko pong talaga."
Ang Music Uplate Live ay may five segments: "Music Barkada Kwentuhan," "Charbusters," "U-Late Jammin," "Break Mo 'To," "Mic Mo 'To," at nandiyan pa rin ang interactive happenings and games.
Ayon pa kay Yeng, "Actually, every Monday, magkakaroon po ako ng segment na 'Yeng Version.' So, anything na gusto ng viewers na kantahin ko, gagawan ko ng sarili kong version. Halimbawa, rap, gagawin kong rock."
May peg ba siya in terms of hosting?
"Actually, wala rin po akong peg. Hindi rin po kasi ako Inglisera. Yun po ang problema. Hindi po ako katulad ng ibang host na ganun kasi hindi naman po ganun ang kinalakihan ko.
"Sinabi lang po ng boss ko, si Ms. Annabelle Regalado, 'You know what Yeng, just be yourself. As you are. Kung paano ka namin nakikita and as how you talk kapag kaharap mo kami.' Ganun lang. So, no pressure because I know, hindi naman ako kailangang mag-pretend to be someone."
INSOMNIAC. Wala raw problema kay Yeng kahit late night or midnight dahil after pa ng evening news ang pasok niya sa ere, which is around past 12 midnight. Yung mga oras daw na yun ay madalas na gising na gising pa siya at nagpe-Facebook daw kung wala siyang work.
"Ngayon, 'eto ang matatawag ko na pagpupuyat na may sense. Kasi, may insomnia ako, e. So, every night, makikita ako ng mga friends ko, nasa Facebook lang ako. Kumakain ako ng french fries. Three a.m., kumakain ako ng pritong galunggong. Ganun po!" natatawa niyang kuwento.
Dagdag ni Yeng, "Actually, meron din pong page ang facebook at puwede silang magtanong sa wall namin."
NO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Twenty-one na si Yeng, pero hindi pa rin daw siya nagkakaroon ng romantic relationship sa totoong kahulugan nito na may solido siyang karelasyon. Yung episode daw with RJ Jimenez ay hindi naman natuloy dahil bata pa raw siya, hindi pa puwede at pinagbawalan siya ng father niya.
Paano kung ligawan siya ulit ni RJ?
"Ay, hindi na po. Wala na po. Magkaibigan na lang po," sagot ni Yeng.
Pero ngayon daw, kung magkaroon man siya ng boyfriend, okay na raw sa tatay niya.
"Nakikita kong parang may sinasabi ako sa kanyang crush ko. Unlike before na parang bata ka pa. Ngayon, parang, 'O, ano naman ang ano niya?' Parang mas open na siya."
Kapag nakikita niya ang kanyang co-hosts sa ASAP na mga in love, ano ang napi-feel niya?






by the way, why is it this page is so lame.
hindi ka pa naman matanda para makalimot na eh so okey na okey ka na.
cguro magpa GI jane na lang ng hair si yeng...or shorter talaga...wag ganyan, madam auring ka talaga yeng sa ganyang itsura...
umiiyak si yeng nagbabasa sa comments nyo. hahaha
pero goodluck nlng din po
let's just say kodus to her new show.
This is another innovation from ABS CBN, I am sure pag pumatok ito, may Diz Iz It Midnight Edition na naman.
pareho pala tau ng paningin yan din sana sabihin ko kaya lang nauna kna hahaahah