Francine Prieto wants to work to avoid being "forever charity case"


 
"Kahit saan nga puwede naman ako. Freelancer naman ako. Hindi ko naman gusto na maging forever charity case ako.... Ang hinihingi ko, trabaho. Willing naman akong mag-work. Siyempre, iba pa rin kapag nagtatrabaho ka. Ayoko naman na forever donation," says Francine Prieto.

Francine Prieto wants to work to avoid being "forever charity case"

Rose Garcia

Rating

"Kanina galing ako ng Kuala Lumpur kasi merong naghahanap sa akin. Nakita raw nila yung Korean video ko before. So, akala raw nila Korean ako. Hinanap nila ako sa Seoul, hindi nila ako nakita. Yun pala, taga-rito [Pilipinas] nga raw ako. So, pinahanap ako. Isa siyang global brand na underwear. Kaso, kailangan ay mag-lose daw ako ng 30 lbs. So, sabi ko, tingnan natin, depende sa price," biro ni Francine.

 

Dagdag niya, "Iniisip ko nga, siguro lahat ng nangyari, may purpose talaga."

 

Bakit siya ang nagpunta ng Kuala Lumpur?

 

"Pinapunta nila 'ko. Gusto nilang ma-meet. Gusto nilang malaman kung ako nga ang hinahanap nila. Noong makita nila, ako nga raw," sabi niya.

 

Pero ayon kay Francine, wala pa rin siyang regular show hanggang ngayon.

 

"Wala pa rin!" natatawang sabi na lang niya. "Ano na lang ako, writer ng FHM or photographer! Joke!"

 

Wala pa rin bang offer sa kanya from any network?

 

"Wala... Kahit saan nga puwede naman ako. Freelancer naman ako. Hindi ko naman gusto na maging forever charity case ako.... Ang hinihingi ko, trabaho. Willing naman akong mag-work. Siyempre, iba pa rin kapag nagtatrabaho ka. Ayoko naman na forever donation," saad niya.

 

FHM'S SEXIEST. Ano naman ang nararamdaman niya na isa siya sa pinarangalan bilang Sexiest Women of the Decade?

 

"Oo nga, 25 Sexiest Women of the Decade. Parang matanda lang, 'no? Parang classic lang, parang alamat!" biro niya. "Pero alam n'yo, malaking honor yun na mapasama ka dun. Kasi, 'eto talaga, sobrang kinagat talaga ng mga Filipino ang FHM sa atin. At saka masasabi mo talaga na napakaganda. 

 

"Malaking tulong ang FHM sa career ko dahil noong nag-start ako ng 2003, yun din ang start na kinuha nila akong cover at ang laki talagang tulong nun. Kasi siyempre, unang movie ko, Liberated. Parang, sino yun? Tapos nakita nila, lalo na sa nagko-collect [ng FHM], kung sino si Francine kaya malaking suporta talaga. Kaya naman kapag ang FHM ang humiling sa akin, hindi ka talaga mapapahindi, di ba?"

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
35 Comments
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement