Wala raw naging preparation si Iwa Moto nang sumabak ito sa pictorial para sa 10th anniversary issue ng FHM magazine. Two days before lang daw siya na-inform na magpi-pictorial siya. Pero masaya naman siya sa kinalabasan ng pictorial at walang duda na mas lalo siyang naging daring sa kanyang latest FHM cover.
"Tinawagan nila ako February 20, tapos February 22 ng 1 a.m., nag-shoot na kami agad. So, parang hindi masyadong nakapag-prepare. One-day diet! Pero yun, maganda naman ang lumabas. Hindi naman ako nagsisi na pumayag ako," kuwento ni Iwa nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anniversary party ng FHM last Thursday night, March 11, sa NBC Tent sa The Fort, Taguig City.
Bukod sa pagiging cover girl, along with Bangs Garcia, kasama rin si Iwa sa 25 Sexiest Women of the Decade ng FHM.
"Nakakatuwa kasi ang daming girls ng FHM na nag-cover din, tapos nakuha ako. Siyempre, honored ako kasi 25 lang kami. Alam mo yung feeling na, 'Oh, my God, ang haba ng hair ko!' Nakakatuwa. Basta, sobrang overwhelmed lang ako."
Pero may kaakibat daw na pressure para kay Iwa ang mapasama sa Top 25 Sexiest Women of the Decade.
"May pressure!" sambit niya. "Pero alam mo na hindi lang din naman para sa FHM kung bakit kailangan kong i-maintain [ang magandang katawan]. Kailangan ko rin naman kasi ng pang-boost ng self-confidence ko."
IT'S HARD TO BE SEXY. Gaano nga ba kahirap mag-maintain ng magandang katawan?
"Kasi, kailangan kahit na nagpapaseksi ako, hindi pa rin ako kayang bastusin ng kahit na sino. Kahit na maglakad ako diyan, hindi n'yo ako puwedeng bastusin. Nagpapaseksi ako, pero hello, hindi naman ako kabastos-bastos," sabi niya.
May insidente na rin daw kasi na nabastos siya.
"Meron talaga! Pero sinagot ko siya. Sinabi ko sa kanya na, 'Kuya, hindi porke't nag-pose ako sa men's magazine, puwede mo na akong bastusin kasi matuto ka namang rumespeto bilang may nanay ka!'" kuwento ni Iwa.
Paano at saan nangyari yung experience niyang yun?
"Sa may Tomas Morato," sagot niya. "Naglalakad ka lang, may susutsot or kaya sinabi puwedeng mahawakan yung ano mo. Pero madalas hindi ko na lang pinapansin kasi hindi naman sila worth it ng time ko. Nambabastos lang naman sila, huwag na lang natin silang pansinin."
Nagkataon naman daw na wala ang non-showbiz boyfriend niya noong time na yun. Pero kung nandun daw yun, ani Iwa, "Naku, malamang patay-patay na ang mamang yun!"
May mga nagsasabi naman na natalbugan na raw niya ang ibang kasamahan niya sa Kapuso network pagdating sa kaseksihan. Ano ang masasabi niya rito?
"Hindi... Ganito, walang talbugan na nangyayari," diin ni Iwa. "Nagkataon lang na sinuwerte kami ni Bangs para maging cover ng month na ito. Wala naman akong planong talbugan kahit sino. Basta ginagawa ko lang ang kahit na anong feeling ko makakatulong sa career ko, sa tingin ko tama, sa tingin ko, magiging maganda ang takbo ng buhay ko. Yun lang ang ginagawa ko. Ginagampanan ko lang nang maayos ang trabaho ko."






i think mas pabor ka sa taong nambabastos kaysa sexy na babae na binabastos... see d problem here?
And please, try to go deeper on judging a person especially an artist.
so i suggest that u should'nt be a judge... you should be a BOOK.. nyahahaha
dont be so harsh my dear, Iwa s just doing her job, as long as u never enrich urself at d expense of the others... there's no issue on it! and please let go of the past where Maria Clara was the benchmark of being a lady... there's a thing called evolution and besides you have different perception with regards to sexy pose... lalo pag hindi ka artist, my GOSH bastos para sayo yon. but f ur an artist... it s one way of expressing oneself regardless f ur nude or not! think again my dear!!!
very well said! korek na korek!
Ganda talaga ni Iwa at marunong pang umarte.
hoy! mukha mo ang bastos!!! wag kang nakikialam sa post ng iba dito! sira pala ulo mo eh!
ang pagiging sexy hindi lang sa katawan nakikita.kung di paano niya i-carry ang kanyang sarli kahit anong shape ng katawan or kahit ano ipa-suot mo sa kanya sexy pa rin.may mga sexy ang katawan walang dating,meron naman hindi sexy ang katawan sexy ang dating.
While there are girls whom people has already seen her having eX and yet still comes off like she's classy e.g. maricar reyes....
It is how you carry yourself, also it is born with you.... try to balance the two out if you were born without it
shinin
March 13, 2010
11:19 AM
neng akala mo lang na hindi ka kabastos bastos! yung mukha mo pa lang mukhang bastusin na eh!
---
kung bastos yung mukha nya..anu pa yung sayo?!..hahahha