StarStruck V winner Sarah Lahbati wants to be paired with Richard Gutierrez and Dingdong Dantes

Glen P. Sibonga
Friday, March 12, 2010 @ 10:45AM  |  13038 views

 

"Kinikilabutan po ako. Ang bilis kasi ng mga pangyayari. Katatapos lang ng StarStruck tapos may magsasabi na puwede raw akong leading lady sa Captain Barbell. Tumatawa lang ako pero deep inside, kinikilabutan talaga ako. I mean, parang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pero gusto ko po talaga. Nakaka-excite," says StarStruck V Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati about flattering comments that she can be a leading lady of Richard Gutierrez in Captain Barbell.

Photo By: Noel Orsal













PARTY PILIPINAS. Natutuwa naman si Sarah na sa pag-ere sa March 28 ng Party Pilipinas, na ipinalit sa SOP ay kasama silang Final 5 ng StarStruck V. Ano naman ang aabangan sa kanya ng mga fans niya rito?

"Siyempre, more of me. Singing, of course. Tapos magwo-workshop po ako for dancing. Kaya ko rin naman sumayaw. Pero magwo-workshop po ako para sing and dance. And of course, hosting. Dream ko rin kasing maging host. So, lahat ng gusto ko, matutupad dito sa Party Pilipinas."

STARSTRUCK V BEACH PARTY. Nagbigay na rin pala ng thanksgiving party si Sarah para sa kanyang mga fans at supporters, gaya ng Second Prince na si Rocco Nacino. (CLICK HERE to read related story.)

"Yes, last week lang, Saturday yata yun. Tapos dumalo yung mga fans ko pati yung family ko. Pero aside po sa party sa mga fans, gusto rin po namin ni Steven [Silva, Ultimate Male Survivor] na gumawa ng party din para sa mga staff ng StarStruck kasama rin ang Final 14."

Anong klaseng party ang plano nilang gawin?

"Beach party po sana. Pero sa ngayon po, hindi pa po namin alam kung kailan, kasi po ang dami ring schedules sa work. So, ang hirap pong mag-plan. Pag nagkaroon ng pagkakataon mag-uusap po kami," sabi ni Sarah.

ENZO PINEDA. Very open ang First Prince na si Enzo Pineda na gusto niya si Sarah. Pero si Sarah naman ay hindi pa open na magkaroon ng boyfriend. Napag-usapan ba nilang dalawa ang tungkol dito?

"Hindi naman po actually nag-usap. But then, alam niya po na ako, ayoko po munang magka-boyfriend. Kasi ang focus ko po muna, sa career. Yun po talaga ang goal ko at alam niya yun."

So, hindi niya naman binabasted si Enzo?

"Ay, hindi naman po! At saka hindi naman po siya nanliligaw."

Hindi naman daw mahirap magustuhan si Enzo dahil mabait daw ito. Kaya nga lang ay wala pa sa isip ni Sarah ang magka-boyfriend sa ngayon.

SCUBA BUSINESS. Sa mga naunang interviews niya sinabi niyang mula sa kanyang napanalunang one million cash prize ay gusto niyang magkaroon ng small business. Anong business naman ang gusto niyang pasukin?

"Gusto ko parang scuba diving center. Pero siguro pag mas nakaipon na po. Kasi siyempre now, gusto ko munang makatulong sa family ko," sabi ni Sarah.

Bata pa lang daw siya ay mahilig na siyang mag-scuba diving kasama ang kanyang daddy. Kaya dream niya raw talagang magkaroon ng sariling scuba diving center either sa Puerto Galera o sa Boracay.

« Prev  1  2  

Related Articles

36 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name