Claudine Barretto on Teleserye Queen title: "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon."


 
"It's been one year and three months na wala akong ginagawa. Feeling ko, para akong nabobo. Parang hindi na ako makaka-memorize ng script kung hindi pa ako magtatrabaho," says Claudine Barretto.

Claudine Barretto on Teleserye Queen title: "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon."

Nora V. Calderon

Rating

"No point po naman ng comparison," sabi ni Claudine. "Seventeen years akong binuhay at pinakain ako at ang family ko sa pagtratrabaho ko sa ABS-CBN, kaya wala naman akong masasabi tungkol sa kanila."

 

JUDAY'S PREGNANCY. That morning, in-annouce ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga! na two months pregnant na ang wife niyang si Judy Ann Santos. Ano ang reaksiyon dito ni Claudine?

 

"I'm happy for Juday," sambit niya. "Nag-uusap kami ni Juday, sinamahan ko pa nga siya sa doctor. Friends kami ni Juday, in good times and bad times. In due time, malalaman din ng mga tao kung ano ang friendship naming dalawa. 

 

"Di ba, pareho pa kaming may anak bago ikinasal? Sabina will turn six na sa June. Their daughter, si Yohan, sa November, six years old na rin. Si Santino naman is three years old na. At heto ngayon, si Juday, magkakaroon na rin ng baby."

 

Ano naman ang masasabi niya na nung umalis siya sa ABS-CBN ay binansagan namang "Reyna ng Teleserye" si Juday. Hindi ba sumama ang loob niya?

 

"No, hindi po sumama ang loob ko," sagot ni Claudine. "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon. I really don't dwell on it. Nabigla rin siguro sila sa biglang paglipat ko. Deserving po naman talaga si Juday sa title na Reyna ng Teleserye," saad niya.

 

IN YOUR EYES. Bukod sa kanyang drama anthology, malapit na ring mag-shooting si Claudine para sa pelikulang In Your Eyes kung saan makakasama niya sina Richard Gutierrez at Anne Curtis. Co-venture ito ng Viva Films at GMA Films.

 

Kuwento ni Claudine, nagwo-workshop na raw sila kay Mac Alejandre na siyang magdidirek ng pelikula nila. May mga ilang eksena rin daw silang kukunan sa Orange County sa California.

 

"We might leave by April. Inaayos na ang mga permits to shoot there dahil maraming lugar doon ang magiging location namin," banggit pa niya.

 

 


Join us on Facebook


Pages: « Prev  1  2  

Related Articles
1 2

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.



Bookmark and Share
Email this link
296 Comments
page    1    2    3    4    5    6   
Follow us on Facebook Follow us on 4ter Subscribe on RSS Subscribe to Newsletter



Advertisement