"Alam kong magiging masaya ako dito," sabi ni Claudine. "Mas marami akong makakatrabaho, mas marami akong mata-tackle na roles, bagong directors na hindi ko pa nakatrabaho. Sa ngayon kasi, may 26 weeks na silang in-offer sa akin. Bale six months at baka maging one year pa ito. Bukod sa drama, mayroon ding comedy, suspense-thriller, romantic-comedy, action-drama.
"Masaya dahil alam kong maraming magkakaroon ng trabaho. Gusto ko ring makatrabaho sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Marian Rivera, Iza Calzado... Tama na muna sa akin ang drama anthology para may time naman ako na gumawa rin ng movie."
How about working with ex-boyfriend Mark Anthony Fernandez?
"Siguro po, saka na lang kami magtrabaho together dahil pareho na rin naman kaming busy ngayon. But after po ng mga nangyari, I'm okay na," nakangiting sabi ni Claudine.
Paano niya maiku-compare ang pagtatrabaho sa ABS-CBN at ngayon sa GMA-7?
"No point po naman ng comparison," sabi ni Claudine. "Seventeen years akong binuhay at pinakain ako at ang family ko sa pagtratrabaho ko sa ABS-CBN, kaya wala naman akong masasabi tungkol sa kanila."
JUDAY'S PREGNANCY. That morning, in-annouce ni Ryan Agoncillo sa Eat Bulaga! na two months pregnant na ang wife niyang si Judy Ann Santos. Ano ang reaksiyon dito ni Claudine?
"I'm happy for Juday," sambit niya. "Nag-uusap kami ni Juday, sinamahan ko pa nga siya sa doctor. Friends kami ni Juday, in good times and bad times. In due time, malalaman din ng mga tao kung ano ang friendship naming dalawa.
"Di ba, pareho pa kaming may anak bago ikinasal? Sabina will turn six na sa June. Their daughter, si Yohan, sa November, six years old na rin. Si Santino naman is three years old na. At heto ngayon, si Juday, magkakaroon na rin ng baby."
Ano naman ang masasabi niya na nung umalis siya sa ABS-CBN ay binansagan namang "Reyna ng Teleserye" si Juday. Hindi ba sumama ang loob niya?
"No, hindi po sumama ang loob ko," sagot ni Claudine. "Basta ang alam ko, kaming dalawa ni Juday 'yon. I really don't dwell on it. Nabigla rin siguro sila sa biglang paglipat ko. Deserving po naman talaga si Juday sa title na Reyna ng Teleserye," saad niya.
IN YOUR EYES. Bukod sa kanyang drama anthology, malapit na ring mag-shooting si Claudine para sa pelikulang In Your Eyes kung saan makakasama niya sina Richard Gutierrez at Anne Curtis. Co-venture ito ng Viva Films at GMA Films.
Kuwento ni Claudine, nagwo-workshop na raw sila kay Mac Alejandre na siyang magdidirek ng pelikula nila. May mga ilang eksena rin daw silang kukunan sa Orange County sa California.
"We might leave by April. Inaayos na ang mga permits to shoot there dahil maraming lugar doon ang magiging location namin," banggit pa niya.





Kesa naman puro pa-display lang ng katawan kulelat naman sa acting.
Oh san kayo?! Aber?!
Hahaha.
I LOVE CLAUDINE
Yan talaga ang natural beauty....
She deserves to have such projects na talagang namang kaabang-abang para sa lahat.
once and for all, claudine is the original teleserye queen. db juday?
kayo lang talaga ang mga epal!
tama si aiza, kayo na lang kumanta
Wag niyo icompare si Angel at Marian kay Claudine kc mga basura sila.. Flop din ang latest movies nila like One True Flop, Tarot at Land Down Under.. Hahahahaha!! Di pa sila nakaka 1/8 na acting awards ni claudine lalo na yang tarot queen na yan at di pa sila naging box office queen.. hahahahahahaha!!
Mga bitter kay Claudine.. Claudine is the Optimum Star.. Tama lang na pumunta siya sa GMA kc pati si Judai, 4 times ding napa-isip na umalis dati at tignan lang naten kung kailan siya ule makakapagteleserye ngayong manganganak na siya.. Another 2years.. Hahahahahaha!!
Love you Claudine since Mula sa Puso hanggang Kailanman..
bagay ka sa gma. may mga attitude-problem ang mga tao dyan. numero uno na si... awwww!