Pinuntahan ng Startalk ang shooting ng bagong pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, You To Me Are Everything, under GMA Films and Regal Films. Mauuna ang pagpapalabas ng pelikulang ito bago ang kanilang pagbabalik-tambalan sa primetime via the Pinoy adaptation of Korean soap Endless Love.
Ayon kay Dingdong, ang ginagawa raw nilang movie ay masasabing nangyayari sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.
Dugtong ni Marian, "Although may mga twist na medyo malungkot."
Puwede rin ba nilang sabihin sa isa't isa, "You to me are everything"?
"Hindi lang everything, e, siyempre, it's more than everything," sagot ni Dingdong.
DAY AND NIGHT. Ayon naman kay Marian, "Kung anuman ang meron kami ngayon, hindi ko na lang nilalagyan ng label. Kapag sinabi mong label, ibig sabihin may katapusan 'yan. May hangganan. Para sa akin, wala, e."
So, masasabi ba nilang wala na talagang hangganan ang kanilang pagmamahalan?
"Sana. Yun ay isang napakalaking wish na sana ay matupad," ani Dingdong.
"Siyempre, ano, hindi kumpleto ang araw ko na wala si Dong. Yun lang yun," hirit naman ni Marian.
Natatawang sinundan ito ni Dingdong ng, "Pati gabi sa akin. Sa kanya araw lang, e, ako, pati gabi," kunsaan napayakap sa kanya si Marian sa tuwa.
A LITTLE JEALOUSY IS OK. Marami raw showbiz couple na naghihiwalay dahil sa selos. May mga pinagseselosan din ba sila?
Ayon kay Marian, "Naniniwala naman kasi ako na depende naman sa pagseselos. Pero kami namang dalawa kasi, iba naman. Binibigyan naman niya ako ng assurance at palagi siyang nandiyan. Hindi ko maramdaman yun at wala naman siyang ibinibigay na dahilan sa akin para maramdaman yun."
Para naman kay Dingdong, "Sa totoo lang, mas maganda nga na meron kahit konti. Pangit naman kung wala. Para you know you should always be on your toes. Hindi ka kuntento lang."
Hindi ba nagseselos si Marian sa mga babaeng humahalik kay Dingdong sa game show nitong Family Feud?
"Trabaho niya yun, e," sagot ni Marian. "Ako, basta palagi kong sinasabi, trust."






nasusuka ka pla makitang very sweet si Marian kay DD bakit pinapanood mo pa rin sila...
masyado kang updated sa mga nangyayari sa dalawa... inggit lang yan!!!!
BAGAY NA BAGAY KAYO!!!!!!!!!!!
we love you MARIANDINGDONG!
GO GO GO MARIAN... YOU'RE ALWAYS BEAUTIFUL AND THE BEST AMONG THE BEST!
FROM KAPUSO LONDON!!!!
FOREVER DONGYANATICS!!!!!!!!!!!!
to Marian and Dingdong..
GET A ROOM!!!
panay ang subsob ni Marian sa pagmumukha nya sa dibdib ni Dong habang iniinterview sila akala nya siguro eh cute ang dating nila, hindi alam ni Marian nagmumukha syang ha-liparot!
to Marian and Dingdong, pwede ba
GET A ROOM!!!!
Give it up! Isa ka pang sirang plaka. Cheater, malandi, karma.......blah blah blah. Although thanks for commenting, it just goes to show that Dongyan ay sikat. Aminin mo you, too can't get enough of the two and deep inside Dongyan fan ka.
It's not because of Angel that Marian's popularity exceeds expectations.Nothing happens by chance, it's god's will!
Hanggang ngayon breeding issue pa rin ang problema mo. Kawawa ka naman, iyong idol mong may breeding, panay ang deny sa 'yo. Inggit na inggit ka talaga kay Marian. Sorry para mapagusapan ang idol mo kailangan ikabit ang pangalan ni Marian. People will accept Marian inspite of the negative things they attach to her. Lalo mong nilulubog siya lalo siyang umaangat. Beware of karma, magbago ka na. Pauulit ulit ka na lang para kang sirang plaka.