Maganda ang pasok ng taong 2010 para kay Aljur Abrenica.
Kung matatandaan, ang primetime series nila ni Kris Bernal na The Last Prince ang naging opening salvo ng GMA-7 this year. Bagamat may kaba noong una, naitawid ito nina Aljur at Kris dahil isa sa top-raters ng Kapuso network ang kanilang telefantasya.
Aljur is obviously being groomed as one of the most important stars of GMA-7. Ano ang masasabi rito ng StarStruck 4 Ultimate Hunk?
"Very thankful lang po ako," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pakiramdam ko, ganun pa rin. Hindi ko ine-expect na ganito ang mangyayari sa madaling panahon. Three years pa lang, kahit paano, nakakapag-lead na rin. So, wala akong masasabi kundi thank you lang.
"Sa mga fans, sa mga nagtitiwala, sa mga bosses ng GMA, wala, wala akong masabi kung hindi thank you lang. Parang iniisip ko, trabaho lang. Masaya ako, yun lang."
Aljur can never discredit the fact na malaking factor talaga ang loveteam nila ni Kris sa kung anumang tinatamasang tagumpay niya ngayon.
"Sobra, sobrang laking factor ng loveteam namin ni Kris sa isa't isa. Sobra talaga. At kung hindi rin naman dahil kay Kris, wala ako ngayon sa kinatatayuan ko," sabi niya.
ALKRIS VS. KIMERALD. Aware din si Aljur na hindi man sinasadya, pero tila ang tambalan nila ni Kris ang ipinantatapat sa loveteam nina Gerald Anderson at Kim Chiu sa ABS-CBN.
Alam din ng young actor na merong negative reaction at hindi gusto ang ideya na sila ang magkatapat.
"Sa aking nakikita, siyempre yung competition, nakakaramdam na rin ako na noon, wala naman. Bale sa akin, natutuwa ako na nagkaroon ng friendly competition. Kasi, bago pa lang kami ni Kris. Mas nauna sila sa amin. Nakilala ko na rin sila, mababait sila. Wala, trabaho lang.
"Iba ang talents nila, iba ang kakayahan nila. Iba rin ang kakayahan namin ni Kris. Meron silang nagagawa na hindi namin nagagawa. Pero meron din naman kaming nagagawa na hindi nila nagagawa," saad ni Aljur.
Ayon pa sa binata, "nakakatuwa" raw ang ideya na siya ang ipinantatapat kay Gerald.
"Kasi noong hindi pa ako artista, isa ako sa sumuporta sa kanila [Gerald and Kim] sa PBB [Pinoy Big Brother]. Siyempre, Kapuso na rin ako nun, pero nakakasilip ako sa ibang istasyon. Isa ako sa sumuporta sa kanila. Nanood pa ako ng movie nila, hindi pa ako artista. So, to think na from normal na tao lang ako noon na supporter niya, ikinukumpara ako sa kanya ngayon, parang ang sarap ng feeling. Parang nakaka-overwhelm," nakangiti niyang pahayag.
Wala pa bang nagsasabi o nagpaparatang sa kanya na yumabang o lumaki na ang ulo niya?
"Tanungin n'yo na lang sila," mabilis at nakangiti niyang sagot. "Kasi, hindi ko rin naman masasagot. Sa akin naman, tingin ko, mas naging seryoso lang sa trabaho. Pero playful pa rin ako. Ganun pa rin ako, mapagbiro pa rin ako. At saka bata pa rin ang tingin ko sa sarili ko. Yun po."






quot;KIMERALD IS NUMBER 1quot;
Mas magaling naman dihamak ang ALKRIS in terms of acting.. hindi katulad ng KIMERALD parang pilit. and ung pag deliver ng lines ni gerald and kim eh hindi natural. ABS ni ALjur ang ganda ng pag ka shape hindi ung kay gerald parang hindi pantay pantay.. hindi maganda tignan.
we love u forever
sana bigyan kayo ng movei ng GMA films pls.
from general santos city and alkris fanatic
proud to be kapuso
Einstein_1
March 16, 2010
19:18 PM
kimerald: flop ang movies at cheap ang commercials.. bwahahaha!!! ilusyonada at ngetpa na loveteam next to Melason. bwahahaha!!!
----
pwede mo bang ienumerate ang commercials ng alkris..... at pwede malaman ang kita ng pelikula ng Alkris
Sobrang layo!