Marami palang isyu ang sexy comedienne na si Francine Prieto sa staff ng iniwan niyang gag show sa GMA-7, ang Bubble Gang.
Ayon sa isang blog site, nag-resign daw si Francine sa Bubble Gang dahil may mga ilang tao raw roon na hindi niya nakakasundo. Inakala ng marami na baka isa sa cast ng Bubble Gang ang hindi nakakasundo ni Francine, pero ang mismong staff daw ang hindi type na makatrabaho ni ng aktres.
Nasulat sa naturang blog site ang mga ipinost na entries ni Francine sa kanyang Facebook account tungkol sa nararamdaman niya sa staff ng Bubble Gang. Nandiyan ang hindi raw pagtrato sa kanya nang tama ng staff at iba pang internal issues. In short, walang magandang isinulat si Francine tungkol sa staff ng Bubble Gang.
Kailan lang ay naging kontrobersiyal din si Francine nang ma-quote siya sa sinabi niyang "I hate God" dahil sa sunud-sunod na pagsubok na dumarating sa buhay niya. Nandiyan ang sakit na cancer ng kanyang ina na si Mrs. Amelia Falcon at ang patung-patong na hospital bills na kailangan niyang bayaran kaya hindi na nahiya si Francine na manawagan at humingi ng tulong.
Pero ang pinakahinaing niya ay ang kawalan niya ng trabaho. Pagkatapos raw mag-expire ng kanyang kontrata sa GMA Artist Center at magkaroon siya ng bagong manager ay doon pa raw siya hindi nabigyan ulit ng trabaho. Huli siyang napanood sa mga programang Darna at Sana Ngayong Pasko.
Heto ang mga isinulat ni Francine sa kanyang Facebook account noong March 14, Sunday, 1:15 p.m.:
"Bakit kayo ganun? Wala na nga ako diyan, umalis na ako. Di pa rin ninyo ako tinatantanan. Di ako humihingi ng tulong sa inyo. Masamang-masama ang loob ko sa show ninyo.
"Isipin ninyo bakit ko nagawa ang lahat ng yun, kasi palpak naman talaga kayo eh. Walang nagtatanggol sa ken, kaya ako ang humaharap sa mga paratang sa aken. May mali kasi talaga sa sistema ninyo. Salamat sinaktan ninyo na naman ako.
"Yeah, 1st guesting ko palang sa Bubble, para na akong basura, kulang na lang sa labas na ako ipapuwesto. 2nd day ko as regular member, pinalayas ako sa pwesto ko ng asst. wardrobe. Di sila marunong mag-asikaso. Di marunong mag-sorry ang EP. Buti pa si Diego kahit pangit, mabuti ang puso. Professional lang ako magtrabaho, trabaho 'yan di gimik.
"Never ko na feel na sikat ako, kasi alam ko hindi. Hindi ako naging sakit ng ulo sa show ninyo. Staff lang, tatamad-tamad, tatanga-tanga. Puro tsismis ang alam. Nauuna pang magpa-blower kaysa sa artista, di magamit make up artist kasi nag-blower pa ng staff???
"Dami kong kwento. Wala akong regrets na umalis ako, kaso tantanan na ako ng Bubble lalo na team ng EP. Kaibigan ko pa rin mga artista at ilang staff & crew."
Bukas ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa anumang gustong sabihin ni Francine at ng staff ng Bubble Gang tungkol sa isyung ito. Kung totoo man o hindi na si Francine ang nagsulat nito sa kanyang Facebook account, malaya siyang magbigay ng pahayag sa PEP.






basahin mo mabuti ung sinabi niya. me problema na nga siya sa pamilya tapos me maririnig pa siyang kung ano2, natural nasasaktan siya, nagagalit cya...asan ang pagmamaldita dun? im not saying na tama lahat ng sinabi niya especially of diego pero kaya siya nagsasalita ng ganyan ksi nga nsasaktan cya ska nagagalit...tao yan di yan bato...di mo pa ba nagawang makapagsalita ng masakit pag galit ka?
di ba nga sabi ni eagle, kapuso pero walang puso.
di ba nga, sina anne at abs stars ang nag initiate na magdonate para sa mother mo.
kasi gahaman ang istasyon mo sa ratings at sa kita. wala silang paki sa artist nila na sa tingin nila wala ng pakinabang. ang importante lang sa kanila, si marian, rhian, heart, kris, dd, richard.
at isa pa, me blind item about Claudine na nega daw ang dating sa top executive producers ng gma. after ng issue kay welma at anabel, tapos kay eagle, kay francine, eto na namn ang isang nega issue sa gma.
yeah but she has an ailing mother she cannot even support. dapat wag na syang magmaldita pa.
dapat din syang mag-analyze ng nangyayari s buhay nya. dapat matuto syang i-admit ang mga mali nya at find ways to correct them.
shobizaddict
ang tagal na nga eh pero pansin mo ang dami pa ring BI at mga bad press about her...kaya nga sabi nya, kung sya nga ang may sabi nyan: Di pa rin ninyo ako tinatantanan.
parang rebuttal na lang to...nagsimula kase to nong nagreklamo syang walang tulong sa kanya ang GMA...niresbakan sya ng abantedotcome, abante-tonite, PSN, journal na pro GMA mga writers. kaya ayan bitter bitteren sya
kaya nga playing safe ang PEP eh hehehe:
'Kung totoo man o hindi na si Francine ang nagsulat nito sa kanyang Facebook account, malaya siyang magbigay ng pahayag sa PEP'