"That's why I respect Ralph. Hindi niya binawi 'yan, e. Kahit na pinag-initan siya, hindi niya binawi hanggang sa huling sandali. Kasi alam niya kaya niya ginawa yun, it's for the good of the country.
"And in the first place, hindi papasa ang bill na 'yan, ang e-VAT na 'yan kung hindi pinirmahan ng majority ng Senate. Pero nung nagkaipitan, parang siya na lang mag-isa. At hindi na tinayuan ng iba. For that, hindi binawi ng asawa ko at lalong lumaki ang respeto ko sa kanya.
"Kaya napasa 'yan [E-VAT law], maraming pumabor. Kung naging mali ang paggamit ng VAT na 'yan, hindi na problema ng asawa ko. Dahil that VAT is intended para sa basic needs na pangangailangan natin. With the recession that we are experiencing, nakaramdam ang mga bansa sa Asia ng recession pero ang bumuhay sa atin ang E-VAT," explained the Batangas governor.
"Sabi nga nila, walang masama sa buwis," Vilma continued. "Gamitin lang nang tama ang buwis. Kaya nahihirapan rin ang tao kasi yung dapat na buwis na maramdaman ng mga tao, hindi nila nararamdaman. That's why maiintindihan mo rin kung bakit ganyan ang pakiramdam nila pag pinag-usapan na ang buwis.
"Pero ang buwis ay responsibilidad ng lahat ng tao, hindi tayo mabubuhay kung wala ring buwis. Ang issue na lang dito ngayon ay ang tiwala. [Ang tanong ng mamamayan] 'Magbabayad kami ng buwis, magagamit at mababalik ba namin 'yan?' Yun ang issue."
CLICK HERE to view the video of Vilma Santos explaining her decision to make public service her top priority.




0

