Nagpahiwatig na ng pagreretiro sa boxing ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ito ang kanyang paulit-ulit na sinabi nang makapanayam siya kaninang umaga, March 22, sa early morning program ng GMA-7 na Unang Hirit, ilang minuto pagkatapos lumapag sa Centennial Airport ng eroplano na sinakyan niya mula sa Los Angeles, California.
Nagbitaw ng salita si Manny na walang katiyakan ang paghaharap nila ng American boxer na si Floyd Mayweather Jr. sa boxing ring dahil iniisip na niya ang pagreretiro.
"Depende. Walang usapan...puwedeng hindi na umabot doon. Puwede na akong mag-announce ng retirement. Mag-uusap kami ng pamilya ko.
"Hindi pa pinag-uusapan kasi may fight pa si Mayweather sa May 2 [against Shane Mosley], pero, siyempre, nirerespeto ko rin ang pakiusap ng magulang ko, ng mama ko [Dionisia Pacquiao]. Nagmakaawa siya sa akin. Kung kinailangan niya na lumuhod, luluhod siya para huminto na ako sa boksing.
"Mabigat 'yan... Daraan sa masusing pagmumuni-muni, pag-uusap," pahayag ni Manny.
Noong March 14 ay tinalo ni Manny si Joshua Clottey via unanimous decision sa kanilang laban na umabot ng 12 rounds.
NO TO BOXING. Nang mapag-usapan ang mga pangarap ng kanyang tatlong anak, sinabi ni Manny na hindi ito papayag na maging boxer ang dalawang anak na lalake na sina Jemuel at Michael.
"Mahirap maging boksingero. Hindi biro yung pagiging boksingero," sabi niya. "Suwerte lang ako dahil talagang pinagpala ako ng Mahal na Panginoon.
"Ang isang boksingero, kung iisipin natin, mag-eensayo ng ilang buwan, not less than two months. Sparring every other day. Bugbugan tapos paglaban sa ring, hindi mo pa alam kung mananalo ka o hindi. Hindi mo alam kung mahirap yung fight o madali. Walang kasiguraduhan."
AFTER THE STORM. Kasama ni Manny na dumating sa Centennial Airport kaninang umaga ang kanyang misis na si Jinkee Pacquiao. Base sa kanilang mga kilos, nalampasan nila ang mga pagsubok sa pagsasama nila.
Ayon kay Manny, nalampasan nila ni Jinkee ang mga intriga dahil sa madalas na pagdarasal. "Dasal lang, tapos iga-guide ka ng Panginoon kung ano ang dapat gawin," sabi ni Manny.
PACMAN'S ITINERARY. Mula sa airport ay dumiretso si Manny sa New World Hotel sa Makati para mag-almusal at magpahinga na rin kahit sandali.
Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Manny ang mahaba niyang araw. Una na nga rito ang pagbisita niya sa bahay ni dating DENR Secretary at Manila Mayor Lito Atienza sa San Andres, Manila.
Sumunod dito ay ang motorcade niya papuntang Quiapo church para sa isang thanksgiving Mass.
Ang sumunod naman niyang pinuntahan ay ang Malacañang para mag-courtesy call kay Pres. Gloria Macapagal-Arroyo.






People who call them names despite the honor and respect Manny earned for the country will soon feel the harsh words going back to them. He may be intellectually short but Manny is endowed with something to make up for it that is God-given: powerful fists. Class? What's in the word anyway and how far people with it could go? Mga sosyalero at sosyalera na wala namang pera. To some hypocrites out there, do not allow envy betray you. What makes you think Prada looks any better on you?
Korek ka diyan, actually wala naman talagang karir si Mommy D pero dahil sa humampas na popularidad sa kanya dala ng Pacman fame ay masasabing nagkarun sya bigla ng espasyo sa showbiz. Sandamakmak na commercials at TV guestings, pati movie na rin. Aba sino, sino sa planetang ito ang pagkakaabalahan si Nanay D if hindi sa bulusok ng tagumpay ni Manny? Aside fr. that of course aminin na nakakaaliw ang majondang yan, isa syang magandang ehemplo ng kasabihang MONEY CANNOT BUY CLASS bwahahahaha
God has given Manny more than what He asks for, and he's so blessed in many ways.
Manny should not wait until he's sick and disabled to decide for retirement. Enjoy your life outside the ring, with your family and millions.
Manny, the fans love watching you in your triumphs in your boxing fights, but they will never be there in your defeats. Believe, they will never care about you if you are already sick and/or disabled.
Listen to your mom and value your health. Boxing is dangerous.
mariacat - i didn't know me bonggang showbiz career si mommy d??? kumita b ung movie nila ni aiai???
...a million dollar is probably generous! uh huh!
switzerland, italy, germany, france, bahamas, U.S., U.K., Spain, etc...at pagbalik nyo sa pinas, mag-business ka na lang.