"Ewan ko... Siguro kasi, before I started, parang mabilis nangyari lahat. Siyempre sa umpisa, parang laro-laro lang hanggang sa naging daily thing na yung trabaho. Siguro isa rin yun sa mga reason. Hanggang sa hindi ko na naa-identify kung ano ang real world, ano ang showbiz. Nawala rin yung pagpasok sa school... So, yun siguro," sabi niya.
Dagdag ni Cogie, "Nakita ko na rin naman ang naging pagkakamali ko nun. Yun nga lang, I learned the hard way lang."
Sa tingin ba niya hindi pa naman huli at kaya pa niyang makipagsabayan sa mga ibang young actors na namamayagpag ngayon na kung tutuusin ay kasabayan lang niya noon?
"Kaya pa naman siguro," nangingiting sabi ng 24-year-old actor. "I mean, nagawa ko naman before, so bakit hindi ko ulit magagawa, di ba? Basta matiyaga lang, masipag lang."
Ano ang nag-udyok sa kanya na magbalik?
"Siyempre, home ko pa rin naman dito sa Pilipinas. Dito rin ako lumaki. Sa showbiz, may opportunity lang din kaya sayang naman kung hahayaan ko lang."
Mas magiging competitive ba siya this time?
"Siguro...siguro masasabi ko na mas magpupursige ako ngayon," sagot ni Cogie.
CONTROVERSIES. Marami ang nag-akala na kaya siya biglang nawala sa sirkulasyon ay dahil sa mga naging isyu sa kanya noon. May tungkol diumano sa drugs at pagkakalulong sa casino.
Paano niya dedepensahan ang sarili sa mga isyung yun?
"Wala naman akong dapat i-defend kasi hindi naman totoo ang mga isyu. Particular na yung sa drugs, casino," sabi ni Cogie.
Would he say na nakasira rin sa kanya ang mga naturang isyu?
"Hindi, hindi ko naramdaman yun," mabilis niyang sagot.
Hindi ba siya naapektuhan sa mga nadikit sa kanyang isyu?
"Hindi nakaapekto sa akin or kahit sa pamilya ko. Kilala naman nila ako. Actually, yung isyung pagiging adopted ko raw, mas medyo naapektuhan pa ako kasi pamilya yun. Although, I don't dwell on it kasi alam ko naman ang totoo."






sana,THIS TIME...BE PROFESSIONAL!
nakapanghihinayang ka...isa ka pa mandin sa magagaling na actor ng henerasyon mo.
WHY DON'T YOU TRY IN ABS-CBN? for sure, maaalagaan ka dun.
hindi ko makakalimutan ung film nya na deathrow.
tanda ko pa, first time ko sya nakita sa TV,commercial nila ni heart sa rexona..
napaka galing nya mag drama..
napanood ko un movie nya with eddie garcia and dina bonnevie, ang galing nya.
at kaya nga puro penshoppe ang damit ko nun dahil sya ang endorser haha!
isang beses ko pa lang syang nakita, sa my SM sta rosa and ang cute nya at di sya mayabang..
kahit nagtutulakan na nun at may kumukurot na sa knya naka smile pa rin sya..
sana mabigyan sya ng mga projects..
un nga lang, he needs to lose weight..
richard na ang status Nya ngayon
welcome back!