Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Janice de Belen nang siya'y solong mag-guest sa isang taped episode ng showbiz talk show ng TV5 na Juicy last March 23 sa Congo Grill restaurant, Tomas Morato, Quezon City.
May ilang revelations si Janice kaugnay ng kinahinatnan ng pagsasama nila ng dati niyang asawa na si John Estrada at hanggang ngayon ay hindi niya maitago ang bitterness dito.
"May mga bagay sa pagsasama namin na hindi na dapat inuungkat," sabi ni Janice. "But every time na naitatanong sa akin, hindi ko makayang magpakaplastik. Hindi talaga kami okey. Nag-uusap kami para sa kapakanan ng mga anak namin, pero hindi na kami talaga magkakasundo pa sa maraming bagay, kahit sabihin man lang na maging magkaibigan talaga kami."
Sa shoutout sa personal Facebook account ni Janice, ilang ulit na nabasa roon ang tila wala nang solusyong problema nila ni John sa sustento pagdating sa kanilang mga anak.
"Basta, ang masasabi ko lang, obviously, everybody is not happy," saad ni Janice. "Hindi ko na kailangang isa-isahin at tukuyin ang mga bagay na 'yan, kasi alam na ni John 'yan. And as far as I am concerned, nai-settle na 'yan sa court. Siya na ang bahalang gumawa ng paraan."
INAH'S DEBUT. May paliwanag din si Janice sa hindi niya pagdalo sa debut party ng panganay nila ni John na si Inah. (CLICK HERE to read related story.)
Aniya, "Sa ganitong mga pagkakataon, alam na ng mga anak ko ang saloobin ko. Tiniyak ko na naasikaso ko rin ang lahat kahit wala ako doon. Lahat ng preparations, nandoon naman ako, wala lang ako sa mismong debut.
"Sa lahat ng mga anak ko, ang policy ko, hangga't makakaya kong gawin, iiiwas ko sila sa kung anumang gulo na pupuwedeng ma-create, lalo ng pagkakakita ng media at press sa aming dalawa ni John sa isang event, for example. Ang sa akin lang, para maiwasan na ang kung anumang isyu.
"Ang event na yun ay para kay Inah lang, sa kanya ang focus at hindi sa iba, kahit sa amin ni John. Dahil sa hindi ko pagsipot sa debut ng anak ko, naiwasan din ang iba pang mga intriga at wala nang naging usapan pa afterwards. Hindi naman yun kailangan ng anak ko."
Janice feels that she knows what's best for her kids. At least, hindi pa naman daw siya nagmimintis. Hindi raw magiging problema sa mga anak niya ang mga pagkakataong ganoon, na kahit importante talaga, kung malalagyan pa ng isyu ang mga bagay-bagay, mabuting huwag na lang at magagawa rin niyang maiwasan.
"Tinatanong nga, paano kung ikasal na yung mga anak ko, may paraan pa rin para maisaayos 'yan," sabi ni Janice. "Titiyakin ko na hindi kami ni John ang pag-uusapan, o kung hindi nga maiwasan, I will do my best na hindi pa makaladkad ang mga anak ko sa intriga. Yun lang ang ipaglalaban ko."
SEPARATE LIVES. Maski raw makapagtrabaho professionally, as of now, tatanggihan niya ang anumang pagkakataong puwede silang magsama ni John.
"Huwag na lang," aniya. "Hindi namin kailangan. Tahimik ang buhay ko without him, siya rin naman. Mas maayos ang buhay namin na wala kaming koneksiyon sa isa't isa other than our kids. Yun lang kasi ang hindi mabubura doon, na may mga anak kami and we have to deal with each other dahil dito.
"Hanggang ngayon, inaamin kong may sama talaga ako ng loob kay John. Malalim ang dahilan para mabago pa yun, o masabing tuluyan kong makalimutan," pagtatapat ni Janice.





Pero I think Janice should let go of her anger. In that way, magiging totoong happy ka na.
chooses to
You're a tool for saying that it's about the weight. It has nothing to do with weight when a man choses to leave a woman and vice versa. You're so antiquated and nauseatingly exasperating to practice such destructive dogma. You need to grow up.
Plus should people leave their partners solely because they have gained weight well, they are superficial, unintelligent tools like yourself and should all go join your stupid quot;I'm a total toolquot; club.
Nyahahahah kalokah ka mare, I miss yah! Talagang may emphasis ka sa kargada ni John ha hahahahah!
True, true, true! Hindi fair ang mundo. Ang mga lalake lang ang may karapatang malosyang sa isang relasyon. Pag sila ang nabubundat sa taba, at least Sugar Daddy material pa rin, may appeal pang natitira, whatever! Pero pag tayong mga babae na ang nanaba, que horror, parang may sumpa na tayong dalahin. It's unfair, it's unfair Susan Roces!
Moral story ... we must love ourselves! Ke may lalake o wala dapat manatiling maganda at kaiga-igaya para sa ating sarili man lang, take that cue, hear us there Lola Janice!
Cheers to that! Ohdivangah we live in a cruel world, hindi man aminin ng iba rito. As I said, OK fine, mas mahalaga ang ugali ng isang misis pero halerrr, ang ugali hindi nakakapa! Ang mukha at lalong-lalo na ang katawan, OO! Kaya obligasyon din naman ng mga misis na hindi puros kagandahang ugali lang ang arugain, dapat BALANSE. Pati physical appearance ay pagyamanin. Si Janice, maganda naman kaso losyangin ang hitad. I always wished that his bond with John would work out maski matanda sya sa lalakeng ito dahil may lalim naman ang personalidad ni Janice pero sad to say, she forgot big time na kailangan din nya magpaka-Demi Moore to nourish their May-September affair! Look at Mamah Demi, sinasabayan pati muscle building ni Ashton!