Isa nang "Kapatid" ang kauna-unahang StarStruck First Prince na si Rainier Castillo.
"After all the things that have been said and written, especially in PEP (Philippine Entertainment Portal)," as talent manager Noel Ferrer said during the trade launch of TV5 last night, March 25, at the World Trade Center, Rainier is now one of the newest members of the growing family of TV5.
Unang naibalita sa PEP Alerts na lilipat na si Rainier sa TV5. Pero may problema raw sa kontrata nito sa GMA Artist Center (GMAAC), kaya nabalita rin na baka hindi na matuloy ang paglipat niya. Pero nagkaroon ng solusyon at nasagot lahat ng mga katanungan nang ipakilala na nga si Rainier bilang bagong "Kapatid" sa trade launch ng TV5 kagabi.
Pagkatapos ipakilala si Rainier bilang isa sa mga bagong stars ng TV5 ay nilapitan siya agad ng PEP at iba pang entertainment press upang tanungin ang mga detalye ng kanyang paglipat.
"Actually kasi, ang gumawa talaga ng first move ay ang mommy ko," pagsisiwalat niya. "After ng Full House namin, umakyat kami sa Artist Center at nakipag-meet kami. Nagtanong kami kung ano ang next project. E, medyo wala naman silang maisagot sa amin and since ako yung breadwinner ng family, siyempre, kailangan kong maghanap ng trabaho. Kung hindi, wala kaming makakain.
"Noong meeting namin, parang sinabi ni Ma'am Ida [Henares, GMA Artist head] na hindi ko naman daw po ibinibigay ang best ko kaya hindi sila makapagbigay ng guaranteed shows sa akin."
NO CONTRACT WITH ARTIST CENTER. Ayon kay Rainier, noong 2008 pa pala siya walang kontrata sa GMAAC. Isa itong bagay na naging malaking sorpresa rin sa kanila dahil recently lang din ito nalaman ng mommy niya. Technically, two years na raw pala siyang walang kontrata sa Kapuso network.
"Actually, noong 2008 pa pala, wala na kaming kontrata sa Artist Center. This year ko lang nalaman. Bale pinag-usapan nga namin. 'Sakto naman na after ng meeting namin sa Artist Center, dumating itong offer ng TV5," lahad ni Rainier.
Napi-feel ba niya na parang hindi siya importante sa GMA-7?
"Hindi ko naman naramdaman na ganun. Pero mas ano, e, mas pinili ko na lang na mas kailangan kong magtrabaho. At saka yung sa contract, hindi ko alam kung ano yung sa contract namin, wala akong alam dun, e. Ang nakakaalam lang dun, yung mga taga-Artist Center. At yung mom ko nga, lately lang niya nalaman yung ganun, e."
Nagalit ba siya when he found out na wala na pala siyang kontrata?
"Hindi naman ako nagalit, pero nagulat lang ako na matagal na pala akong walang kontrata sa kanila. Pero noong naramdaman ko nga na parang tambay lang ako sa bahay namin, mga two weeks na yata, parang iba na yung pakiramdam ko, e," saad niya.
Ano ang naging reaction ng mga naging kaibigan niya sa GMA-7, especially yung mga nakasama niya sa StarStruck?
"Ano naman sila, very supportive naman sila. Sabi nila, 'Kung ano ang sa tingin mo mas makakabuti sa 'yo, yun ang gawin mo.' Hindi ko alam kung ano nararamdaman nila for me. Pero katulad nila Mark [Herras], Chynna [Ortaleza], Ryza [Cenon], ang text sa akin, e, 'Kung saan ka magiging kumportable at magiging masaya at kung saan ka magkakaroon ng trabaho, grab mo na.'"
Six years rin daw ang inilagi ni Rainier sa GMA-7 mula nang sumali siya sa StarStruck. Dahil produkto siya ng artista search ng Kapuso network, hindi ba siya nagwo-worry na baka masabihan siyang "ingrato"?






Goodluck na lang Rainier.
good luck Rainier! ok na din, sana maging ok lahat sayo jan sa TV5.
sana ngayon na may sigurado siyang pagkakakitaan, sana ipagpatuloy nya ang paga-aral niya, mag-ipon o mag-negosyo. di naman kaya, sumali siya sa mga acting workshop at hindi lang prenteng-prente sa anong alam na niya. hindi porke't mabait ka at on time sa mga schedule e professional nang matatawag.
ang mahirap naman sa GMA, hindi man lang maging prangka sa kanilang talents. hindi lang iisa si ranier na nagsabing hindi siya nasabihan kung ano na ang plano. pwede ba naman ang gano'n?! kahit sa anong trabaho, good news o bad news, dapat man lang may delicadeza ang boss na sabihan ka ng estado mo at hindi yong para kang timang sa kahihintay at kaka-asa sa wala. wag gano'n GMA.
Bute nalang hindi sya mayabang at sinungaling gaya ni JC.
pero halos lahat ng Starstruck alumna,hanggang ngayon may career pa din,at kung saan-saan na nakarating..darating ang time sasabihn sakanila, --Starstruck ito dati ah--
ang dapat bantayan at i-groom ng GMA ang batch 5 ng SS,lahat may potential at may artista factor talaga..
idinamay na naman ang 7 eh kasi nga utak talangka at makitid walang ibang gawin kundi sambahin at amuyin si kris aquino at abs.
haaayyy wala kasing alam...kaya nga lumipat kasi hindi na nabibigyan ng trabaho...sa dmi ba naman ng talent sa GMA at magaling
bakit naman kasi hindi niya alam na wala na pala siyang kontrata...and take note...by the way he sounds and with his negotiations with TV5 parang hindi rin tatagal
i remember his SS days, sobrang lakas ng hatak niya sa fans during the competition. akala ko nga sya ang mananalo sa dami ng text votes nya despite na mas may star appeal si mark. well, those were the days......
MARAMING HINDI MAY GUSTO SA KANYA...