Her roles may be limited for now, but the teen actress believes in widening her horizons. She graduated from high school yesterday and is determined to go on to college, no matter what. "Ayoko pong mag-stop sa pag-aaral, kasi baka masanay ako, e."

Photo: Noel Orsal

Kahanga-hanga ang teen female star ng First Time na si Joanna Marie Tan dahil kahit busy siya sa pag-aartista, nakayanan niyang isabay ang kanyang pag-aaral.

Kahapon, March 26, ay nag-graduate na si Joanna Marie from high school sa Our Lady of Lourdes College sa Valenzuela, Bulacan.

Ano ang feeling na nakatapos na siya ng high school?

"Masarap po kasi nairaos ko, kasi di ba po itong past months lagi pong may taping, ganyan.  Pero napakiusapan po naman ang school ko at naayos ko naman po yung mga kulang ko, mga quizzes, nakapag-take ako. Naawa sa akin ang mga teachers ko, binigyan ako ng special [quiz]," pahayag ni Joanna Marie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

At hindi tulad ng ibang artista, sa regular school pumasok si Joanna Marie, hindi nag-home study program.

"Kasi sayang din kung iho-home study ko, e, ilang buwan na lang, isang quarter na lang... Sila [her teachers] na rin ang nagsabi na huwag na lang kasi nga last quarter na lang, sayang."

ON TO COLLEGE. Balak ni Joanna Marie na ituloy ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo.

"Ayoko rin po kasing mag-stop sa pag-aaral, kasi baka masanay ako, e."

Hotel and restaurant management ang first choice niya pero naiisip niya ring pasukin ang mass communication.

"Gusto ko po kasi mag-work sa hotel, tapos masscom po para connected po sa trabaho ko. Tapos ano po, sinasabihan po ako nina Tito Otep [Joseph Buncalan, executive producer ng First Time] na mag-advertising."

Hindi pa nakakakuha ng college entrance exam si Joanna Marie pero iniisip niyang mainam pumasok sa De La Salle-Araneta University sa Malabon dahil isang sakay lang iyon mula sa bahay niya.

"Dapat po parteng Manila ako mag-i-school, kaya lang sabi ni Mama, okay na yung malapit sa amin para hindi ako mahirapan, ito-torture ko lang ang sarili ko kung magma-Manila pa ako...

"Gusto ko po talaga yung regular na school, at kasi mami-miss ko yung may kaklase, may barkada. Para yung mundo ko hindi maliit. Para kahit saan ako magpunta may kakilala ako."

CHARACTER CHANGE. Speaking of barkada, ka-close niya ang bida ng First Time na si Barbie Forteza at ang "kaaway" niya sa show na si Bea Binene.

Kahit ang mga bidang boys ng show na sina Joshua Dionisio at Jhake Vargas ay malapit din sa kanya.