Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rosanna Roces kahapon, March 30, sa taping ng Talentadong Pinoy sa Skydome ng SM North Edsa. Isa si Rosanna sa mga contestant ng celebrity edition ng talent show ng TV5 na magsisilbi ring birthday presentation ng host nitong si Ryan Agoncillo.
HER BROTHER'S DEATH. Ang una naming napag-usapan ay ang tungkol sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid ni Osang (palayaw ni Rosanna) na si Edgardo Adriano last March 17 sa sakit na emphysema at the age of 56.
"Sa arms ko siya namatay," banggit ni Osang. "Sayang nga, e, kung kailan pa kami naging close 'tsaka pa ano... 'Papa' ang tawag ko sa kanya kasi nung inampon ako, siya yung parang naging ano [tatay-tatayan] ko rin. Makikita mo sa picture, as early as one year old, gitara na ang katabi ko, yung ganun, siya yung nagtuturo. Sangko ko na bale yun, pero 'Papa' ang tawag ko sa kanya. May sangko ako, e, may dikong, may kuya."
Pangatlo raw sa magkakapatid ang namatay.
Pagpapatuloy ni Osang, "Iniisip ko na lang na we are indefinite, we are... When we die hindi ano... Yung body, vehicle lang but the spirit lives on. Andiyan lang, parang andiyan lang sila.
"Wala na kasi akong fears. Kasi alam mo yung ginaga-guide ka pa rin. Ayoko kasi nung masyadong Biblical na ano, ayoko din namang masyadong ano. Pero sa totoo lang, we are immortal. Pagkamatay mo, pupunta ka lang sa ibang katawan siguro o sa ibang panahon siguro.
"Parang hindi naman ako naniniwala na after death, judgment agad. Oo nga, nasa Bible nga 'yan, pero binubuksan ko rin yung utak ko sa ibang bagay, mga bagay na nararanasan mo, na nakikita mo, na hindi kayang ipaliwanag ng kahit na sino.
"Kagaya noon, bakit alam niya [her brother] ang petsa kung kailan siya mamamatay? Naku, noon-noon pa lagi niyang pinatatayaan sa akin ang 3-17 [third month and 17th day], kahit daw saan. Ang dami ngang...pati ibang tao, yung kumare niya tinayaan ang 3-17 sa jueteng, ang laki ng tinamaan! Yun pala, yung 3-17, yun ang araw na mamamatay siya. Isipin mo, alam niya!"
Inihabilin din daw ng kuya niya ang mga anak nito sa kanya.
"Ibinilin niya sa akin yung mga anak niya na huwag kong pabayaan. Anim ang anak niya, pero itong huli, yung dalawa, yun yung ibinigay niya sa akin," sabi ni Osang.
Napakasakit daw na sa mga bisig ni Osang namatay ang kapatid niya.
"Masakit, masakit, kung kailan pa kami naging close."
Dati raw kasi ay hindi sila masyadong nagkikita nito.
"Ito yung utol kong hindi umaasa sa akin, hindi nanghingi ng pera, wala. At saka siya yung nagturo sa akin na magpatawad, na ang pagmamahal, laging bibigyang-daan, lagi niyang sinasabi ang ganun."
HOLY WEEK. Ano naman ang plano ni Osang ngayong Mahal na Araw?






LOL! Alam mo bang nagsimula ding kulto ang Roman Catholicism? Panoorin mo ang Agora, yan yung rise ng Roman Catholicism, di mo iisiping magagawa ng mga naunang Catholic yung mga bagay na yun. That time, Catholic na ang Emperor ng Rome pero prior to that, pinapatay ng mga Romans ang mga Catholics.
It is easy to say but it's hard to do! Love your enemies daw so love your ex-bestfriend who took your bf hahahahahaha or gf hahahahahaha..
Maganda siya!
ebony75
korek ka diyan... naaawa ako dito kay Osang, palaging feeling matalino, mali naman mga diskarte niya.
Mathew 22:37 'Love The Lord your God with all your Heart and with all your Soul, and with all your Mind...'
pag ganyan laha,t madali na. pati kaaway mo pwede mo rin mahalin...
bukopndan
March 31, 2010
22:30 PM osang, wala kang mababasa sa bible na quot;after death, judgement agadquot;. darating pa lang ang judgement day. ang bumabalik sa itaas ay ang spirit. ang kaluluwa ang siyang gigisingin pa lang kapag dumating ang judgement day. yan ang nasa bible.
_____________________________
AGREE, the BIBLE tells us that..
kaya dapat tau--MAGPAKABAIT PALAGI, at SUMUNOD SA TURO NG BIBLYA!
kasi pag namatay na tau--WALA NG APELA!
unlike sa mga turo ngayon--na pwede pang ipagdasal ang kaluluwa ng namatay para tanggapin sa langit..
kahit logic lang basehan, tama nga naman..kasi kung nakukuha pala yan sa PADASAL ng mga naiwan mo pagkapatapos mong mamatay, eh di gawa ng gawa ka na lang ng kalokohan ngayong buhay ka, at bahala na lang ang mga maiiwan mo na ipagdasal ka pag namatay ka..doesnt make sense din naman kasi pag ganun..
I used to like Osang but I hate her take to teachers. I come from a clan of teachers and we are good in that profession. We hate people who have the impression that average children should only take education. Do I need to say that all members of my family, except my father di sya mahilig mag-aral eh. hehe!, were honor students.
condolence