Dolphy on TV5: "They treat me like a king talaga."

Trisha Alvarez
Tuesday, April 06, 2010 @ 11:49AM  |  45806 views

 

"Sa edad kong ito, ayaw ko nang mag-dream pa, e. Sa mga anak ko na lang, ang gusto ko mapaayos sila," says 82-year-old Comedy King Dolphy.

Photo By: Noel Orsal













Nagsimula nang umere ang bagong programa ng King of Comedy na si Dolphy, ang Pidol's Wonderland, sa TV5 last Sunday, April 4. Ang anak niyang si Eric Quizon ang direktor ng sitcom at sa pilot episode ay lumabas ang iba pa niyang mga anak na sina Jeffrey Quizon at Vandolph, ang misis ni Vandolph na si Jenny, pati ang apo na si Baby VJ.

LEAVING ABS-CBN. Kumusta naman ang pag-alis niya sa ABS-CBN na naging tahanan niya ng matagal na panahon?

"We have to move on, okey lang," sabi ni Mang Dolphy sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero nami-miss ko yung set [ng ABS-CBN]. Mahal ko naman yung Dos, e. Wala naman kaming masamang tinapay."

Noong nalaman ng executives ng Kapamilya network na nasa TV5 na siya, hindi ba sila nag-counter-offer para hindi na siya lumipat ng istasyon?

"Hindi nga, e, wala ngang binibigay na lalabasan mo, e, magka-counter-offer pa?" natatawa niyang sabi. "Pero pinigilan ako ni Linggit [Tan, entertainment head ng ABS-CBN]. Sabi ko, 'Ano ba ang show ninyo?' Wala naman. 'Kako kung bibigyan ninyo ako ng show...kaso pumirma na ako, e, [sa TV5]."

Sa isang interview ni Mang Dolphy ay nabanggit niya na mahihiya siya na tanggapin kung sakaling alukin siya ng show ng GMA-7. Sa pangalan kasi niya isinunod ang Dolphy Theater tapos ay mapapanood siya sa Kapuso network. Pero anong nangyari at nakumbinsi siyang lumipat sa TV5?

"Sabi ko, hindi, nasa kanila yun. Kung gusto nilang alisin, priority nila yun, kanila 'yan, e. Ako naman, nandudun dahil may show. Dahil siyempre masakit din sa loob ko dahil ilang taon ako diyan. Nagsimula ako diyan 1963, yung tatay pa ni Gabby [Lopez], si Kapitan [Eugenio "Geny" Lopez].

"So, isipin mo hanggang inalis na nga nila ako, di ba? Tapos kinuha nila ulit ako nung panahon ni Gloria [Macapagal-Arroyo]. Tumagal na naman kami ng mga 14 years, 15 years. Siyempre ang kuwan nila, ang health ko raw," lahad ng Comedy King.

Sa palagay niya, matatagalan pa bago siya finally mag-retire sa showbiz?

"E, hangga't may napipiga pang lakas," sagot ni Mang Dolphy. "Actually,  noon ko pa gustong mag-retire. Pero hinahanap din ng katawan mo.  Pinagre-retire ka na, tatlong taon ako naka-retire, e, guesting-guesting lang, di ba, sa Dos?"

Ang huling narinig na project na gagawin ni Mang Dolphy sa ABS-CBN ay ang Utoy na pagsasamahan nila ni Makisig Morales. Ano ang nangyari rito?

"Binigyan nga ninyo ako ng project, na-cancel pa!" sabay tawa ni Mang Dolphy. "For three years, wala akong trabaho. Okey naman, kahit papa'no naka-survive. Meron naman akong labas, e. Nakakapaglabas ako abroad.  Wala namang problema. Nagpe-personal appearances kami, e."

Totoo ba na kahit wala siyang ginagawang show sa ABS-CBN ay may allowance pa rin na ibinigay sa kanya?

"Nung una [meron], pero hindi maganda, e. Nung unang taon, oo. Pero naubos na yun, e. Tapos na, e. Wala pa rin akong project. Pa-guesting-guesting lang. Masama man sa loob ko, pero I have to move on. My baby needs a pair of shoes!" tawa ni Mang Dolphy.

MOVING TO TV5. Masaya ba siya sa paglipat niya sa TV5?

1  2  3  4  Next »

Related Articles

55 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name